~*~
Pilit na nilabanan ni Gabb ang kanyang mga iniisip sa oras ng klase, pilit niyang ibinaling sa gurong nag tuturo ang kanyang mga mata para mawala siya sa kanyang iniisip
Ngunit kahit na ang kanyang mga mata ay nasa unahan, lumilipad pa rin ang kanyang isip kaya naman hindi na niya namalayan ang pag alis ng prof sa unahan at ang pag lapit sa kanya ng kanyang mga kaibigan na sila Bea at Kevin
"Oyy!" pag tawag pansin ni Bea sa kanya ngunit tulad kanina lumilipad pa rin ang isip nito
Napabalik lamang siya sa katinuan nang maramdaman niya ang may kalakasang pag palo sa kanyang braso
kunot noo niyang binalingan nang tingin ang pumalo sa kanya at doon din niya nakita ang naka kunot noo rin na kaibigan na si Bea at sa tabi nito ay ang nag aalalang mukha ni Kevin
tumingin siya sa unahan at doon niya nalamam na wala na pala ang kanilang prof tumingin siya sa paligid wala na rin ang kanilang mga kaklase tangin sila na lamang tatlo ang nasa loob nang classroom
"B-Bakit?" tanong niya sa babaeng kaibigan nang muli niya itong balingan nang tingin
"Anong bakit Gabb, kanina pa kitang tinatawag at kanina ka pa rin wala sa sarili, may problema ba?" may inis sa boses na saad nang babae niyang kaibigan pero sa huling sinabi nito ay batid mo ang pag aalala sa boses nito
"Ahm w-wala may iniisip lang" saad niya sa kaibigang babae at saka niya inayos ang kanyang mga gamit ganun na rin ang kanyang sarili
"T-Tara na baka mahuli pa tayo sa susunod nating klase" pag aaya niya sa mga kaibigan nang makatayo ito at matapos makapag ayos
"Lutang ka talaga" saad sa kanya nang babae niyang kaibigan, halata sa boses nito ang pag kainis sa kanya
"Wala tayong klase ngayon hanggang bukas nang umaga, bukas nang hapon pa ang balik natin" pag singit naman ni Kevin sa usapan nilang dalawa, napansin ata nito ang pag kainis ni Bea kaya sumingit na siya sa usapan.
"Ahh g-ganun ba? sige uuwi na ako" paalam niya sa mga ito
"Opps" saad nang kaibigan niyang babae sabay hawak sa braso niya
"Bakit?" tanong niya dito
"gagala tayo" saad sa kanya nito, napaisip naman si Gabb gusto sana niyang umuwi na lamang nang makasama ang kanyang anak dahil mamayang hapon ay may trabaho pa siya
"Ah-" hindi na niya natapos ang kanyang sasabihin nang muling mag salita ang kaibigang babae
"Hindi na tayo nakakapag bonding, sige na" nakapout pang sabi nito
naguluhan naman si Gabb kung sasama ba siya sa mga ito o uuwi na lamang para mag alaga ng kanyang anak
"Bea, siguro ay sa susunod na lamang natin yayain si Gabb, pansin mo naman na hindi maganda ang hulog niya" muling pag singit at pag tutol ni Kevin kay Bea, hindi naman sa ayaw niyang kasama si Gabb kaya niya sinabi 'yun, ang kanya lamang ay pansin niya na malalim ang iniisip ng kaibigan niya at saka alam niya na may batang nag aantay kay Gabb
Lumukot naman ang mukha ni Bea
"Ahm, sige na! gagala tayo" sabat naman ni Gabb, lumiwanag naman ang mukha ni Bea
"Talaga?" paniniguradong tanong nito sa kanya na ikinatango na lamang niya
"Pero..." saad ni Gabb na ikinatigil ni Bea
"Pero?" tanong ni Bea
"Pero saglit lang tayo at saka dumaan kayo sa bahay, may ipapakilala ako" dagdag na sabi ni Gabb sa kaibigan na ikinakunot nang noo ni Bea, habang si Kevin ay wala lamamg reaksyon, alam na nito kung ano at sino ang tinutukoy na ipapakilala sa kanila ni Gabb pero hindi pa niya ito nakikita at gusto niya itong makita
"Sino? lalaki ba? pogi? O baka naman ipapakilala mo na kami sa pamilya mo?" sunod na sunod na tanong ni Bea sa kanya
"Pamilya?" tanong ni Gabb kay Bea
"Pamilya, 'yung magulang mo, o kaya naman may asawa't anak ka na?" tanong ni Bea sa kanya na ikinalunok lamang ni Gabb buti na lamang at hindi ito napansin ni Bea, dahil kung nag kataon kukulitin at kukulitin siya nito
"Tara na?" pag yaya ni Kevin sa dalawa para tulungan si Gabb, tumingin naman si Gabb dito na tinanguan lamang ni Kevin
"Saan tayo?" tanong ni Gabb sa dalawa
"Sa mall na lang" si Bea ang sumangot sa tanong niya
Napailing siya hindi tama na sumama siya sa mga kaibigan lalo na't sa mall pala ang punta nila dahil marahil ay magiging taga bitbit na naman siya ni Bea, naranasan na niya ito noong Shs sila
Nang makarating sila sa mall ay tama nga ang kanyang hinala magiging taga bitbit na naman siya, swerte niya lang at nandun si Kevin na siyang umaagaw nang dala niya kaya isang paper bag lang ang dala nila ngayon
Nang mapagod ay napag pasyahan nilang mag tungo sa Restaurant para pag katapos ay didiretso na sila sa bahay nila Gabb
"Sino nga pala ang ipapakilala mo sa amin?" pag bubukas topic ni Bea sa kanya kasalukuyan sila ngayong nasa Restaurant at kumakain
"Malalaman mo rin" sagot na lamang niya sa kaibigang babae at saka nilantakan ang beaf steak na kasulukuyang nasa harap niya
"Kevin, may Girlfriend ka na?" tanong ni Bea kay Kevin, napailing na lamang si Gabb, ang kulit talaga ng kaibigan niyang babae
"W-Wala" naiilang na sagot sa kanya nang binata halatang hinding comfortable sa tanong nito
"Ganun ba" sagot na lang ni Bea kay Kevin, hindi na lamang niya pinansin si Bea at tinapos na lamang niya ang kanyang kinakain
"Ano pa lang nakain mo Gabb at bigla mo kaming niyaya sa inyo?" biglang tanong ni Bea sa kanya kasalukuyan na sila ngayong nasa labas ng restaurant at nag aabang ng masasakyan, natanong sa kanya 'yun ni Bea dahil mag kaklase sila noong Shs at parehas din silang tumigil ng isang taon sa pag aaral, pero never siya nitong niyaya nito sa bahay nila Gabb, never pa nga siyang nakapunta sa bahay nito, kahit noong last year na tumigil si Bea sa pag aaral ay hindi ito nakapunta sa bahay nila Gabb, ang laging dinadahilan lang nito sa kanya ay madumi ang bahay nila, kaya rin nawala ang comunication nilang dalawa dahil hindi nila alam ang bahay ng isa't isa
"Beaf steak" sarkastikong sagot ni Gabb sa kaibigang babae dahilan para makatanggap siya ng mahinang hampas sa braso nito, beaf steak kasi ang kaninang inorder ni Gabb
Natawa na lamang si Kevin sa kulitan nilang dalawa ni Bea.

BINABASA MO ANG
5: HE GOT ME PREGNANT | [B×B|Ongoing X Slow Update]
RomanceAng sabi nila mahirap daw maging isang ama dahil ito ang nagiging haligi ng isang, ganun din ang pagiging ina na nagiging isang ilaw ng tahanan pero ang mas mahirap sa lahat ay tumayo kang ama at ina sa anak mo 'yan ang ginawa ni Gabb Riel, sa kabil...