The UVLChampionship is fastly approaching kaya puspusan na ang training ng men's and women's VTeam. We also have our out of town trip to Ilocos , sa province ng ni coach Doc para makipag tune-up game sa mga taga roon and of course some sort of relaxation na din para di kami masyadong mapressure.
Exactly 2 weeks from now opening na ng Season, medyo kinakabahan na nga ako ee kasi first time ko sa League and I don't know what to expect.
After training nauna ng umuwi si JAC kasi gusto niya daw umuwi sa bahay nila sa Taytay dahil weekend naman na kaya kami ni Benn lang ang magkasabay.
Benn: tahimik ka ata?
Me: kinakabahan lang sa Game
Benn: ahh sabagay ako din kahit name second year ko na, less pressure lang dati kasi dahil di masyadong nagagamit.
Me: at least naranasan mo ng tumapak sa court kahit back-up setter ka lang. E ako, ahm I don't know what to expect.
Benn: I trust you Zedd, kaya mo yan basta andito lang ako para sayo.
Me: natouch naman ako dun Partner, kaya mahal na mahal kita ee.hahaha! (Walang malisya, landi lang)
Benn: mahal din naman kita ee partner .Matagal na.(in serious tone)
Me: hahaha! Drama natin partner . focus driving na nga tsaka na yang landian haha.
I feel something strange Kay Benn, tsk! Parang may mali. I remain silent na lang hanggang sa Apartment kasi parang ang awkward.
*Benn's POV *
shit! Muntik na yun ahh. I know all this time kaibigan lang talaga ang turing sakin ni Zedd but I can't help it. I want him so much. Ang tagal ko ng gustong sabihin sa kanya yun. Kaya nga ako na nagoffer ng apartment house ni Tito para mas makasama siya but wala pa din. Im afraid na baka iwasan niya ako pag nagtapat na ako.
Yan tuloy ang tahimik na namin hanggang sa loob ng apartment. I know its my fault. :3