Bea's POV
I'm Bea Candao. Ang tangang nainlove pa sa taken, much worse, sa bestfriend ko pa.
-Flashback-
"John!"
"Bea!"
Sabay namin sabi habang patakbong lumapit.
"Sige ikaw muna." Sabi niya.
"Hinde, ikaw muna." Tanggi ko.
Ngumiti siya. Aba? Ba't ang saya-saya ni Bespren? Ano kayang balita niyan?
"Kami na."
"Huh?" Pagtaka ko.
"Kami na ni Aleah." Yinakap niya ako.
"A-Ah, congrats bespren!" I hugged back.
Aray, gusto kong umiyak. Pero ayoko, dapat ipakita kong proud ako kay bespren at nagging sila na nung crush niya. Pinipilit kong pigilan pero lumabas na ang mga luha ko.
Kinalas niya ang pagyakap at pinunasan niya ang luha ko. "U-Uy! Ok ka lang?"
Sa tingin mo ok ako?
"K-Kase," hindi ako makasalita ng deretso dahil pasinghot-singhot pa ako. "Ikaw kasi eh! Napa-tears of joy lang ako. Akala ko kase habang buhay ka nang hindi magkaka-girlfriend."
"Grabe ka naman? Sino ba namang hindi magkaka-gusto sa gwapo mong best friend?" Pag-yabang niya, alam mo kahit crush kita nakakaasar ka pa rin. =___= Pero totoo naman eh, gwapo siya.
"Malamang tanga." Tulad ko.
"Kaya ka pala tanga eh." Tumawa siya.
Napatigil ako dun at bumilis ang pagtibok ng puso ko. Alam kaya niya na may gusto ako sakanya?
"Joke lang." Duktong niya niya.
"Nakakainis ka!" Sinuntok ko siya sa braso.
"Aray!" hinawakan niya yung braso niya. "O sabihin mo naman yung sayo."
"Hmm wala! Gusto ko lang ilibre mo ako ng lunch. Wala akong dalang pagkain eh." Pagsinungaling ko.
"Ano? Pambihira ka naman bespren! O sige na nga! Ngayon lang to ah? Sa susunod ako naman ang ilibre mo." Dumeretso na kami sa canteen.
-End of Flashback-
Hindi naman talaga yun ang dapat kong sasabihin eh. Sasabihin ko na sana yung nararamdaman ko sakanya, pero wala. Wala namang mangyayari kung sinabi ko pa yun diba?
One month na silang dalawa, monthsary nila ngayon. Wala pa silang away, ang tibay ng relationship nila no? Meant to be talaga sila. At sa kadramahan ko, may nabangga ako.
"Ay sorry!"
"It's alright." He smiled.
"Oh Dylan, ang tagal na nating hindi nag-uusap ah! Kamusta?" Sabi ko.
"Ayo slang naman ako," He chuckled. "Eh ikaw? Mukhang hindi ka pa nakaka-move on."
"Oo nga eh, tara. Sabay na tayong mag-lunch. Tutal magkasama naman silang dalawa." I sighed.
"Sige." Pumayag siya.
Pumunta na kami ng canteen at bumili ng pagkain. Umupo kami sa vacant table at nagsi-kain na. Naka-upo siya across me.
BINABASA MO ANG
Si Taken at si Tanga (One-Shot)
RomanceNasubukan mo na bang umibig? At sa isang Taken pa? Na siya pa ang bestfriend mo? Ang saklap no? Pano kaya kung may mag-bago? Kung kasinungalingan lang ang lahat? Makakapag-saya kaya 'to sa'yo?