IN TIME

4 0 0
                                    


°°°°°

The clock is ticking. Ang kamay ng orasan ay nananadya, kumikilos ito ayon sa bilang. Pagod siyang napasandal sa kanyang upuan. It's already 9 in the evening. Hindi niya namalayan ang oras o sadyang wala naman talaga siyang pakielam sa oras. Para sa kanya patuloy lamang ito kikilos, tatakbo at dadaan na tila walang katapusan.

Nilibot ng kanyang mata ang loob ng kanyang opisina. Ganoon pa rin, walang nagbago. All of her stuff was organized and properly kept on its designated place.

In this spacious room, she was alone.
Walang ingay na maririnig sa kanyang silid. Komportable siyang nakaupo.
She is silently working. Her ass never get tired to sit and do her workloads. Siya lamang ang nakakatiis na hindi lumabas ng kanyang opisina maghapon.

This is her life. Kailanman, hindi siya nagreklamo sa trabaho. Kabaligtaran ng ibang ka-opisina niya na inaantabayanan ang oras upang makauwi kaagad.

Life for her is heavy, full of damn workloads. Well, she always work hard. She has no social life. Umiikot ang buhay niya sa apat na sulok ng kanyang opisina.

She was busy scanning all the papers in her office when she heard her phone ringing.

"What is it Manang?" Mariin siyang napapikit sa sakit ng kanyang ulo.

"Mo-mmy.." She didn't expect that she will heard her voice. Ramdam niya ang kakaibang pakiramdam na gusto niya ng ibaon sa limot. Hearing her voice makes her whole system irritating.

Masama ba siyang ina dahil ito ang kanyang nararamdaman? Ilang beses niyang minasahe ang kanyang noo, nais niyang pawiin ang kirot na nararamdaman ng kanyang ulo.

"Bakit hindi ka pa natutulog? Where is Manang Rosie.

"Mommy, aren't y-you going home?" Her voice is shaking.

"Don't wait for me."

"Kailan ka po u-uwi?" Napabuntong hininga siya. Ilang beses napakurap subalit hindi pa rin siya kumibo.

Minsan sumagi sa isip niya kung sakali na wala pa siyang anak ay baka patuloy lang siya gumagawa ng sariling direksyon sa buhay niya. Iyon bang hindi niya kinakailangan mangamba sa anumang bagay dahil malaya siya gawin ang nais niya. Ngunit hindi ito ang buhay na mayroon siya, inaamin niya na hindi rin niya ginusto o hiniling ang pagkakaroon ng anak sa murang edad, kung may pagsisisihan man siya ay iyon ay binigay niya ang sarili niya sa taong pinagkatiwalan niya subalit iniwan siya.

"Give the phone to Manang," pinilit niyang maging mautoridad ang tono ng kanyang boses. Hanggang sa marinig niya ang mumunting hikbi na nagmumula sa kabilang linya.

Humikab siya bagaman nakaramdam ng kakaiba habang pinakikinggan ang iyak ng kanyang anak.

"Lilliana.. umiiyak ang anak mo! Anong ginawa mo?" bungad sa kanya ni Manang.

"Manang, patulugin mo na siya. Hindi ako uuwi ngayon. I'm busy." Wika niya.

"Hindi ka na naman uuwi? Aba't! Isang linggo ka na dyan sa opisina mo! Hindi mo lang ba.." She immediately cut her words.

"Manang, do I need to repeat myself?"

Nakarinig siya ng malakas na pag-iyak.

She's crying. Her daughter is crying.

Hindi siya naalarma subalit may kumikirot sa dibdib niya. Hindi niya maintindihan ang kanyang sarili.

"Mommy uwi ka na.. hik* please." Malakas na iyak na rinig na rinig niya.

Bumuga siya ng hangin bago inilibot ang tambak na papel sa mesa ng kanyang opisina tila malalim ang iniisip. Her office looks plain. Walang kabuhay-buhay pero dito niya araw-araw ginugugol ang sarili niya.

Ito ang direksyon na tinatahak niya, work, always work. Daig niya pa ang may anim na anak na binubuhay.

"Mom-my... ko," narinig niya muli. Nanumbalik ang sakit na matagal na niyang ikinubli.

She doesn't want to hear that.
The word "Mommy" she hate that word.

Mabilis niyang pinutol ang linya at kaagad inayos ang kanyang sarili.

°°°°°


When is the time you feel unwanted?
For the most promising woman, Lilliana Charlene El Vista career and money always scream on top. She doesn't need the spotlight of fame, she would rather attend office work than sing a lullaby to her daughter. A woman who never used to believe in fairytales but once hit by a cupid arrow at the wrong place at the wrong time.

For she believed that.." once is enough, no space for red marks and mistakes."

Kung mali ang noon posible kayang maitama ang ngayon?
Oras na lamang ang makakapagsabi kung handa na ba siyang harapin ang katotohanan.

What makes you feel unwanted when you can turn all the tables and love again?

°°°°°

PARA SA KAALAMAN MO

Ang kwentong ito ay likha ng aking malikot na imahinasyon at gawa-gawa lamang ng aking mapaglarong isipan. Ang ngalan ng mga tauhan, lugar at pangyayari ay hango lamang sa guni-guni at kung sakali man na mayroong pagkakahalintulad ay hindi ito sinasadya.

Paunawa, ang lahat ng mahahalagang detalye, maliliit na tipak na mga salita at lipon ng pangungusap ay hindi naghahatol, nanghuhusga at nanunulsol. Hindi nililimitahan ang mga bagay, pangyayari at sitwasyon. Hindi naghahangad ng kritisismo at pangingikil. Hindi nagpapaunlak ng pagsuporta sa kahit na anong organisayon, institusyon at kawanihan.

Kung mayroon kang mapuna ay laking pasasalamat ko dahil kinakakitaan mo ng pagtingin, paninilip, pagsipat at panunuri ang pagbabasa ng istoryang ito.

|InkaMorata

°°°°°


Do not copy, cite, or distribute without permission of the author. Respect what is written. This story has nothing to do with idolizing and supporting the things around you.

DISCLAIMER:

Read at your own risk.

It has no purpose to influence the reader in any actions to behold, no manifestation to practice. You always have the option to read or unread this story. Whatever you gained from this story it has nothing to do with the writer.


°°°°°

||Date started: September 08, 2022
Written in English and Filipino language.

UNEDITED. NOT FINISHED.


In TimeTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon