°°°°°
Isang katok ang narinig ko sa pinto. Hindi ako nag-abalang lumingon upang kilalanin ang taong pumasok sa aking opisina.
"Lilliana!" Masayang bati niya at talagang nagmadali makarating sa aking mesa. Hindi ko siya pinansin at sa halip ay pinagtuunan na lamang ang pagliligpit ng aking gamit.
"T-teka nagmadali ka ba? Hey, babae narito ako sa harapan mo."
Mabilis siyang nagmartsa sa harapan ko. Doon pa lamang ako nag-angat ng tingin sa kanya. Nakanguso ang kanyang bibig habang nakatingin sa akin.
"What?" Angil ko.
"Iyan lang sasabihin mo?" Nameywang siya sa aking harapan. Umismid siya na para bang hindi pangkaraniwan ang inaakto ko sa kanya. Wala siyang nagawa kung hindi tapunan lamang ako ng pabebeng tingin pagkatapos ay naupo sa bakanteng upuan ng hindi ko siya tugunan.
"Nakakainis ka, anong trip yan? Bakit maaga ka ata uuwi?" Ang kanyang mata ay naningkit at tila ba'y bago sa kanyang paningin ang aking kilos.
"I'm going home." Mahina kong wika habang isinisilid sa aking bag ang laptop at ibang gamit.
"Himala." Bulong niya subalit malinaw ko namang narinig. "... akala ko pa naman ay makikitulog ka sa condo ko. Buti naman at mayroon anghel na dumaan sa opisina mo. Binulungan ka ba, hah?" nang-aasar na pahayag niya.
Hindi ako nagsalita ngunit alam ko ang patutunguhan ng usapan. Dinampot ko sa sahig ang mga nakalukos na papel at tinapon sa maliit na trash bin.
"Isang linggo ka ng hindi nagpaparamdam sa anak mo, ikaw lang ang kilala kong single Mom na natitiis ang anak para sa trabaho. Alagaan mo ang pamangkin ko, hindi iyong nagkukulong ka magdamag dito sa lungga mo."
Hindi ako natinag sa sinabi niya ngunit inaamin ko ang pagkukulang ko bilang ina.
I need to work to meet her needs.
This is the only thing I have. I want to provide everything for her."Ano? Wala pala akong kausap." Sarkasmong pahayag niya. Nagpatuloy ako sa aking pagliligpit.
Namataan ko na lamang ang pakikipag-usap niya sa kanyang mga daliri. Kumunot ang noo ko sa inaakto niya. Pinaglalaruan niya ang kanang kamay at bumubulong sa paraang ito lamang ang makakarinig sa sinasabi niya.
Well, she's talking to her hands like an insane woman. Wala sa sariling napailing ako sa ginagawa niyang kabaliwan.
"Gaga."
"May naririnig ka ba baby finger?" Pinapagtuloy niya ang pagkausap sa sariling mga kamay at daliri. Nag baby talk pa na akala mo naman ay bagay sa kanya.
Tch.
"Stop that." Kaagad ko naman siya tinaasan ng kilay pero talagang sinasadya na sagarin ang pasensya ko sa ginagawa niya.
Binalewala niya lamang ang sinabi ko at nagpanggap na may kausap. "Baby finger, may nagsalita. Oh my, there's a ghost here. Don't worry baby finger I'm not afraid," aniya sa maliit na boses.
Ikinubli ko ang aking ngiti. Siya lamang ang isip batang kilala ko na ginagawa lahat naisin sa buhay upang makuha ang atensyon ng iba. She pout her lips while playing her fingers, she stares on her finger like it is the most interesting thing in her eyes.
No doubt, I think she's possessed.
"Baby finger, did you hear something?"
Hindi ba siya titigil sa kabaliwan niya.
"Yeah, right." pabalang kong sagot sa kanya. Ngayon naman ay siya ang nagpapanggap na inosente at walang pakiramdam sa paligid.
"Desca, you're insane."
BINABASA MO ANG
In Time
RomanceWhen is the time you feel unwanted? For the most promising woman, Lilliana Charlene El Vista career and money always scream on top. She doesn't need the spotlight of fame, she would rather attend office work than sing a lullaby to her daughter. A wo...