Trauma

7 2 0
                                    

Isang hampas
Isang sigaw
Tunog na nakakagulat
Isang putanginang trauma ang ibinigay niyo sa 'kin

Ang hirap
Bigla na lang akong maiiyak
Ramdam na ramdam ko 'yong kaba
Kabang palagi niyong binibigay
Shuta lang
Anong akala niyo sa'kin 'di natatakot?

Isang hampas
Isang sigaw
Tunog na nakakagulat
Naiiyak na ako
Kaunti na lang pakiramdam ko'y mababaliw na ako

Isang hampas
Isang sigaw
Tunog na nakakagulat
Gusto ko na mamatay
Mawala sa mundong ito
Makawala sa piling niyo

Nothing's Special Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon