CHAPTER 8

122 4 0
                                    

Dalawang araw hindi umuwi si Treyton kaya pansamantalang inabala ni Janize ang sarili sa iba pa niyang trabaho. She was also given a new assignment by her father after turning down the project with Faye.

"Lalim ng iniisip mo," saad ni Zymon na bigla na lamang sumulpot sa tabi niya. Kaagad siyang nakaramdam ng inis at mabilis hinawakan ang kamay ng lalaki at pinaikot papunta sa likod nito.

"Akala mo ba nakalimutan ko na yung pang-d-drug mo sa 'kin." She gritted her teeth while the guy still managed to laugh. Chill, Chloe. I just want your night to be a little more exciting, that's all," Zymon said. Janize knew the guy was grinning.

"What happened?" he added, as if he had no clue. "Did you make out with someone?"

Mabilis niyang tinulak ang lalaki dahilan upang mapatingin ang ilang costumer na naroon at nagbulungan pa. Padaskol siyang bumalik sa inupuan niya kanina. 

"Chloe..."

"I don't want to hear your voice, Zymon."

Naiinis na sinabunutan niya ang sarili nang muling maalala ang gabing iyon. Malakas masyado ang tama ng drugs na nilagay ni Zymon sa inumin niya, kaya hindi rin niya nagawang control-in ang sarili nang mga oras na iyon. 

Pero ano pa nga ba ang magagawa niya? Nangyari na at hindi na niya puwedeng ibalik ang araw at bawiin ang lahat ng nangyari. 

"Hi?" 

Kaagad na sinamaan ng tingin ni Janize ang lalaking lumapit sa kaniya. Matangkad, moreno, matangos ang ilong, medyo magulo ang buhok at may bitbit na wine sa kanang bahagi ng kaniyang kamay. 

"What?" she asked gruffly.

The guy chuckled as he sat next to her, making her move away quickly.

"Kailangan mo ba ng kasama, miss?" Malandi nitong tanong habang bumaba ang tingin sa dibdib niya dahilan upang sarkastikong matawa si Janize. Malisyosong bumaba ang tingin niya sa pantalon ng lalaki. 

"Ikalma mo 'yang alaga mo, sa sobrang liit hindi man lang bumukol." Kaagad namang nagtawanan ang ilang tao sa paligid nila.

She stood up, winked at the guy, and then left him behind.

Habang palabas ay nakatanggap siya ng tawag sa daddy niya. 

"I have something for you to investigate."

"What is it?"

"The death of Mr. and Mrs. Calxido." Janize immediately stopped walking. "W-what?"

"The family of your sister's husband. I talked to my friend who's an officer, and he asked for our help. I know you're the right person to conduct this investigation." Kahit naguguluhan ay kaagad na tinanggap ni Janize ang pinapagawa sa kaniya ng daddy niya. 

"Update me at mag-report ka rito sa headquarter kapag may nakalap kang impormasyon." Her boss added before quickly ending the call.

Nagmamadaling umuwi si Janize sa condo niya at kinuha ang ilang flashdrive na meron siya bago nagtungo sa bahay ng mag-asawa.

"Treyton? H-hi?" Gulat niyang bati nang makitang naroon ang asawa. 

Kaagad naman siyang tinaasan ng kilay ng lalaki bago pinagmasdan ang suot niya. 

"Is this how you dress when I'm not around?" Treyton sarcastically asked. Janize subtly closed her eyes while remembering that Aella didn't dress like this.

Hindi na lamang niya pinansin ang sinabi nito. "Kanina ka pa?" 

"Bakit? Naninigurado ka bang wala pa ako rito sa pamamahay ko para magawa at malimas mo ang lahat ng gamit dito?" 

𝑱𝒂𝒏𝒊𝒛𝒆'𝒔 𝑩𝒍𝒆𝒆𝒅𝒊𝒏𝒈 𝑰𝒏𝒏𝒐𝒄𝒆𝒏𝒄𝒆 | 𝑺𝒆𝒓𝒊𝒆𝒔 #3Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon