Matapos sumikat ang araw, nagpakita ng buo ang buwan sa kalagitnaan ng madilim na kalangitan...
Isang palakad-lakad na binatang lalaki ang napadaan sa harapan ng cementeryo, wala itung kinakatakutan sapagkat sabi nga nya sa sarili,"Ang mga multo ay hindi totoo"... Naniniwala sya sa mga salitang yun ng mapatunayan nya mismo sa sarili nya na totoo ang mga multo.
Hawak nya ang kanyang Cellphone at busy sya sa pag cha-chat sa kanyang Boyfriend, ngumingiti pa ito, na di kung ano isang sit-sit ang kanyang narinig mula mismo sa cementeryo, napalingon sya pero hindi nya ito pinansin at nagpatuloy lang sa paglalakad,
Hindi pa sya nakakalayo ng maramdaman nyang parang may sumunod sa kanya mula sa likuran nito't nagtatago sa mga nakapatong na kahunang libingan,
Ngumiti lang ito at dahan-dahang lumakad papunta sa puwesto, dahan-dahan itung naglakad upang hindi magkaroon ng ingay ang mga hakabang at ma alerto ang tayung iyun, marating nya ang pwesto na iyun, nagpakawala ito ng paggugulat. "BULAGA!!", Pero wala syang nadatnan kundi ang mga ligaw na dahung tumutubo at mga basura."Strange?!", Nagtataka na sya
Ang kanyang mga kaninang ngiti ay napalitan ng takot, at kaninang pabaya at walang pake, nagmamasid na sa paligid-ligid nito, "Gulp", tunog ng kanyang voice box ng malunok nya ang kanyang laway na parang sign yun na natatakot na ito.Muling nagpatuloy ang kanyang paglalakad, nagmamadali syang malagpasan ang cementeryo,
Habang papalayo ang kanyang nilalakad dumidilim pa lalo ang paligid dahil walang ilaw na sumusuporta sa daanan, at narating nito ang dulo ng cementeryo, Naka hinga ng maluwag at nawala ang pangambang nararamdaman nito,na walang pakiramdam na biglang isang malamig na paghawak ang kanyang nadama na mula mismo sa kanyang likuran, unti-unting itung lumingon at pinagana ang flashlight ng kanyang Cellphone, binigyan nya ng ilaw ang kanyang nilakaran kanina, at wala naman syang nakita kaya ngumiti lang,
"HAHHHH" mabigat na pakiramdam ang naramdaman nito mula sa kanyang harapan, lumingon ito sa kanyang harapan..."Aaaaaa!!", matang namumula, ang mga ito ay dala ng pagkamuhi sa mundong ibabaw, ayun ang huling hininga nito bago maputulan ng ulo at ang mga dugo ay nagkalat sa malubak na daanan...
Tandaan kapag lalakad ka sa harap ng cementeryo, tumingin ka ng daretso at wag na huwag kang lumingon sa iyung likuran kung ayaw mo sa paglingon mo sa iyung harap, ay maputulan ka ng ulo't mga bituka mo at mga lamang loob ay kainin ng namumulang mata ng multo sa cementeryo.
BINABASA MO ANG
Ang Namumulang Mata
HorrorIsang nakakatakot na cementeryo, ito ay puno ng maligno. Wag subukang dumaan kung ayaw mung di sikatan nang araw...