"Gamer"

8 1 0
                                    

1. Sa tingin mo madali maging gamer? 

2. Anong edad ka pwede maging gamer?

3. Ano ang feeling ng pagiging gamer?

Yan ang mga tanong na palagi kong naririnig sa mga non-gamer diyan.

• Sa unang tanong ang masasabi ko lang ay mahirap maging gamer, mga larong exklusibo na gusto mo laruin kaso may bayad kaya pumupunta ka sa piratebay/kat.cr o kaya kahit na anong website pampirata para lang idownload ung laro kaso wala pa maghihintay ka ng ilang buwan para ma-upload yung laro na yun. Kailangan mahaba pasensya mo dahil sa naglalakihang memory ng laro na umaabot ng 10-65 gb. Mahirap maging gamer lalo na kapag sobrang dami ng mga laro mo sa pc o kahit anong bagay man yan dahil di mo alam kung ano uunahin mong tapusin. Mahirap maging gamer dahil kontra palagi magulang mo, wala raw kasing mangyayare sa buhay mo at baka magkasakit ka lang kakalaro mo pero kung kumakain ka ng tama di ka magkakasakit basta wag ka magpuyat yun lang.

• Sa pangalawang tanong ang masasabi ko ay kahit anong edad pwede ka maging gamer kahit na 4 yrs old ka palang pwede na. Nauso naman yung game boy kaya pwede yun sa bata kahit nga 35 yrs old na gamer parin makikita mo mga binili niyang mga laro na halos isang bookshelf na ang sakop tapos pati pc niya, mouse, keyboard, monitor at headset pang gaming din. Pano niya nabili mga yun? May trabaho siya, office worker siya tapos sweldo 10,000 pesos tapos akalain mo sa pagkamahal mahal ng tubig at kuryente nagagawa niya pang bumili ng mga ganyan, at least pera niya ginamit niya at ang sagot sa tanong na yan ay kahit ilang taon ka na, pwede ka maging gamer

• Sa pangatlong tanong ang masasabi ko ay mixed feelings; masaya na may halong lungkot o kaya proud na may halong pagsisisi. Bakit? Kasi mag ka lang sa kwarto mo naglalaro sa harap ng computer o ano pa man yan habang mga kapatid mo o mga kaibigan nakikita mo nag ba basketball sa labas, nagtatakbuhan, gumagala, kumakaen kasama tropa at marami pang iba. Eh ikaw asan ka? Nasa harap ng computer naglalaro na parang forever ka nalang nandiyan. Pero masaya dahil lumalawak imahinasyon mo, umaalis ka sa reyalidad ng buhay na parang nasa pantasya ka ngunit may oras na nakalaan. Masesermonan ka ng magulang mo dahil maghapon ka lang nakatitig diyan pero dapat masaya ka dahil naiisip ka pa nila. Tingnan mo mga magulang ng non-gamer nag aalala mga magulang dahil wala yung anak nila sa bahay. Asan yung anak nila? Nandun sa tropa gumagala kung saaan saan, magulat ka nalang makikita mo sa kalye nagsusugal, umiinom at higit sa lahat nag sa sabang na. Yun lang nag masasabi ko

Hindi ito babala kundi Point Of View ko lang sa pagiging gamer :)
Salamat sa pagbabasa

Pagiging GamerTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon