1

38 1 0
                                    

"Gwyyyy!" sigaw ni Kali sakin nang makita niya ko sa room. "OMG! Classmate tayoooo."

Kasunod niya si Savannah na nakangiti lang. Magkaibang magkaiba talaga ang magpinsan na 'to. Napangisi ako ng nakalapit sila sakin. Akala mo naman e hindi talaga siya aware na classmate kami. Iba talaga ang trip nitong si Kali.

"Hay nako! Ang gulo na naman ng mundo ko." reklamo ko at inirapan siya.

"Hmp! Ano ka ba ang saya nga e kahit college na tayo classmates parin. Akala ko magiging boring ang college life ko." Hindi matanggal ang ngiti niya habang sinasabi nya yon. So weird!

"Hayaan mo na, Gwy!" sagot naman ni Savy. "Buti ka nga dito lang sa school e. Ako kahit saan iyan ang kasama ko."

"Grabe na kayo sakin!" pagtatampo ni Kali. Natawa naman ako dahil bet na bet talaga namin ni Savy na pagtripan sya. Pikon kasi e.

"Ayan na ang prof."

Umayos na kami ng upo at nakinig sa prof. Introduction lang ang diniscuss nya dahil first day of school naman.

Pare-pareho kaming about sa business ang kinukuha. Nag take ako ng business program dahil sa company ni Papa. Ayaw ni kuya na siya ang magmana dahil gusto niya mag engineer, so wala akong choice. Although gusto ko naman din talaga kaya hindi na ko nagreklamo. Hindi rin naman kalakihan ang kumpanya namin unlike kina Kali na big company talaga. Ako ang magpapaboom ng company ni Papa. Ipapakilala ko siya sa iba't ibang panig ng Pilipinas and hopefully pati sa ibang bansa.

"Gimik tayo!" aya ni Kali samin after ng mga klase namin.

"Gimik ka na agad?" sigaw sa kanya ni Savy. "Kasisimula palang ng klase, ang layo pa ng lalakbayin niyang atay mo."

"Libre ko!" singhal ni Kali habang nag ayos ng gamit.

"Saan ba??" sabay na tanong namin ni Savy. Napatawa kami kaya lalong kumunot ang noo ni Kali.

"Yan! Diyan kayo magaling. Shuta kayo!" umirap siya samin. "Sa puesto. Okay daw dun."

"Mga Ty ang may ari noon diba?" parang kinikilig na sabi ni Savy. Aba ang maharot na ito.

"Aba alam na alam mo ah?" nakakunot na tanong ko sa kanya.

"Syempre! Madami nga kasing pogi don tsaka maganda ambiance." Sagot ni Kali.

"Anong oras ba tayo?" kailangan ko parin magpaalam kina mama at papa. Although sa condo naman na ako nakatira ngayon dahil medyo malayo ang bahay namin dito sa school.

"8-9pm ang hintayan. Kung sino ang malelate siya ang magbabayad."

Napatawa ako at umirap kay Kali. Kinabahan ako ng very light ah. Baka malate ako kaya sumama nalang ako sa kanila pero dumaan muna sa unit ko para kumuha ng damit.

Kumain muna kami bago kami pumunta sa condo unit nila at nagbihis.

Kali's wearing a white tube and a black ripped jeans. Nakalight make up lang sya pero lutang ang ganda niya. Savy on the other hand wear black dress na may pacross sa dibdib. The dress hugs her body, gosh ang hot! Halatang pinaghandaan.

You've reached the end of published parts.

⏰ Last updated: Nov 01, 2022 ⏰

Add this story to your Library to get notified about new parts!

My Greatest What IfWhere stories live. Discover now