Creeps&Dusk

11 9 39
                                    


“Jusko! Nakaka inis yang math, ha. Bakit kasi kailangan scanner, kung p’wede naman tayong mag check na lang.” pag ra-rant ni Xyra patungkol sa aming examination sa subject na General Mathematics, nakakuha lang kasi siya ng maliit na puntos tulad ko.

“Kaya nga ako nag Humss kasi akala ko walang math, nginang buhay to.”

“Bayaan niyo na, at least mas mataas ang percent sa performance task kapag grading na.” pag aalu ko sa kaniya dahil hindi na talaga siya maawat sa sobrang inis ng score.

“Yaan mo na Xy at least ikaw may 5 points sa CPAR, sana ol na lang, mali na nga mga sagot ko wala pang plus five nu ba!” nakangiwing sambit ni Reshell, na hindi ko alam nakikinig pala ito sa usapan namin ni Xyra.

Tumango naman ang mga kaibigan ko para lang aluhin si Xyra dahil kaunti na lang ay parang iiyak na ito, parehas lang naman kaming maliit ang nakuhang score sa exam namin sa GenMath, kahit ako ay nag dududa roon sa scanner na pinanggamit sa aming zip grade, pero anong magagawa ko? Eh iyon na talaga ang puntos na nakuha ko. Over 45 naging 22.

“Move on na guys. By the way, after this whole stressful examination day, anong plano niyo?” saad ni Jhoana, ang mayaman at carefree sa aming grupo, g na g kapag may yayaang nagaganap.

“Okay sa ’kin ang dagat after exam.” si Leah na hindi man lang tinignan si Jhoana ng sabihin iyon dahil abala sa kaniyang cellphone.

“Ngi, tag ulan Leah, tas gusto mong mag dagat? Sa pool na lang kaya.” ani Alyssa na nakahalukipkip na tinignan si Leah.

“Ngi, nakakasawa na sa mga pool, Alyssa. Ba’t hindi na lang tayo mag explore kina Shane? Diba sa ‘linek.” malawak ang ngiting pinakita sa akin ni Reshell ng sabihin iyon.

May excitement akong naramdaman ng maisip na pupunta kami kina Shane at pag e-explore, pero hindi ko napigilan ang kabahan sa hindi malamang dahilan.

“G ako! Gusto ko noon pa man na kina Shane tayo tumambay, jusko nong Friday pa yon eh. Kaso ayaw nitong gagang 'to.” turo sa akin ni Leah at pabirong hinila ang buhok ko.

“Duh, at least sa campus na tayo tumambay non, kung doon tayo kina Shane edi stranded tayo kasi umulan.” pag bibigay ko katwiran.

Last Friday, we planned to go on Shane's hometown to explore and just visit their home, pero mas nanaig ang kaba ko sa araw na iyon. Kahit gustuhin ko mang dumalaw sa kanila ay pinigilan ko ang sarili ko dahil iba ang pakiramdam ko.

And to my horror, malakas na umulan sa araw na iyon, buti na lang talaga na hindi kami tumuloy dahil kung tumuloy kami, baka ma stranded kami roon, magalit pa sina Mama at Papa.

“Ano G kayo? Sasama ako if sasama si Xyra.” pagbibiro ni Reshell.

“Bobo, doon din ako nakatira kaya talagang sasama ako. Saka ba’t ba gusto niyong pumunta do’n eh wala namang magandang view roon, masyadong tahimik.” sambit ni Xyra na naka move on na yata sa score niya.

“Ikaw Joy sama ka?” tanong nito sa ’kin. Nag dalawang isip pa ako kung sasama ba ako, wala sina Mama sa bahay dahil nasa Surigao sila si ate lang at yung boyfriend niya ang nasa bahay, okay lang naman ’ata kung mag liliwaliw ako.

Mas lalong lumawak ang aking ngiti ng may na alala.

“G ako!” masayang sambit ko, na siya ring ikina ‘yes’ ng iba. One for all, all fore one kasi ang aming motto, kung ayaw ng isa, ayaw ng lahat.

“Pero...” simula ko, na tigil sa pag uusap ang mga kaibigan. “Pwedeng may plus two?”

“Huh?” yan ang tanging nasabi ng kaibigan ko, hindi yata naintindihan ang plus two na sambit ko.

You've reached the end of published parts.

⏰ Last updated: Nov 01, 2022 ⏰

Add this story to your Library to get notified about new parts!

SCREAM Series:√ CREEPS & DUSK  Where stories live. Discover now