Chapter 1

2 0 0
                                    

"Pst, Matyo!" Matyo ang tawag ko sakaniya, ginawa ko ang nickname na 'yan.

"Ikaw nanaman, Luella?" Ani niya na parang naiirita saakin.

"I made snack for you, huwag kang magpapagutom ha Matyo ko?" Sabi ko habang hawak-hawak ang lunchbox. Simpleng macaron lang ang ipinaghanda ko sakaniya.

"Ilang beses ko bang itatak sa isipan mo na huwag mo na akong dalhan ng mga basurang gawa mo tuwing health break?"  Sabi niya bago kunin ang lunchbox at itapon sa trashcan. Napangiti naman ako ng malungkot, sanay naman na ako sa ganito.

Pag angat ko ng tingin, ngayon ko lang namalayan na marami palang tao ang nakatingin saaming dalawa. Ilan sakanila, may natatawa, may malungkot, may naiinis.

"Tama lang sakaniya iyan, desperada."

"He did it again."

"Kawawa naman..."

"Napakasama talaga ni Lawrence!"

Hindi ko na lang pinansin ang nga komento nila. Naglakad ako papunta sa trashcan kung saan itinapon ni Lawrence ang lunch box. Nung nakita ko na ito, hinanap at pinulot ko ulit. Sayang naman kung itatapon n'ya lang diba? Kakainin ko na lang.

Tumunog na ang bell kaya naman pumunta na ako sa room namin. Hay na'ko! Kailan niya kaya tatanggapin ang mga pagkain na hinahanda ko? Sana naman, kahit minsan lang. Bahala na nga!

"Luella! Nabalitaan mo na ba?" Sabi ng kaibigan ko na si Jane. Magkaibigan na kami dati pa, nasilayan n'ya lahat ng pag hahabol ko kay Lawrence. Mas matanda siya ng isang taon saakin. Ilang beses n'ya na din akong pinaalalahanan na tumigil na ako.

"Ano ba 'yon? Panira ka naman eh! Kita mong nagbabasa yung tao oh!" Sambit ko, dapat lang talaga na importante itong sasabihin n'ya. Nasagabal kaya ang pagbabasa ko ng wattpad!

"Si Sanchez, yung crush mo lilipat na raw siya ng school. Narinig ko lang din iyan, kalat na kalat na kasi eh! Oh paano na niyan Luella?" Ano? Lilipat s'ya? Bakit? Saan? Kailan? Parang gumuho ang mundo ko nung narinig ko ang sinabi ni Jane. Jusmeyo mahabagin totoo ba ito?!

Wala na akong oras para makipag-usap pa kay Jane, agad na akong tumakbo at hinanap si Matyo! Sa gitna ng paghahanap sa kaniya, may biglang nagsalita sa may gilid. "You again? makita ko lang muka mo sirang-sira na araw ko." Malamig niyang sabi. Pag lingon ko, si lawrence pala.

"Matyo, lilipat ka na raw?" Naiiyak na sabi ko. Siyempre, kung lilipat s'ya paano na ako? Sino na ang magiging inspiration at motivation ko para pumasok sa school? Argh!

"Yeah." Simpleng tugon niya. "Saan? Kailan? Bakit?" Tanong ko sakaniya habang nakatitig sa seryoso niyang mukha. "Sa Eustrian." Maikling sambit niya.

"Ay gano'n ba? Hmm, edi lilipat na lang rin ako dun! Sasabihin ko na kila mommy mamaya, sana payagan nila ako noh?" Masayang sabi ko na may halong papalakpak pa sa kamay. "Psh, sana hindi ka payagan. Minamalas lang ako pag andiyan ka eh." Barumbadong sabi niya at naglakad na paalis. Ang sakit nun ha! Pero okay lang, si crush naman iyon eh.

Uwian na kaya lumabas na ako. Habang naglalakad biglang tumulo ang ulan. "Minamalas nga naman oh!" Naiiritang sabi ko. "Wala akong payong, maski jacket o kahit manlang pantakip sa ulo." Bumalik na lang ulit ako sa hallway at minessage si daddy para padalhan ako ng sundo.

Luella:

Pa? Pasabi naman po kay Lolo Fred na pasundo ako dito sa school?

Umuulan kasi pa, wala din akong dalang payong.

Hassle din po kase kapag nag commute pa ako.

Dad:

Just wait there Louise, Fred is on his way.

Malayo pa naman ang bahay sa eskwelahan kaya umupo na lang muna ako at nagihintay. Habang naghihintay, naglaro na lang din ako ng Minecraft sa cellphone ko. "Psh, childish." Aba! Ang kapal naman ng mukha neto! Makita ko lang kung sino nagsabi n'yan masasapak ko talaga!

"Tarantado ka pala eh? Anong childish ka d'yan? Gusto mo siguro makatikim ng suntok neh?" Sambit ko habang pinagpapatuloy lang ang paglalaro nito. "Kaya mo ba, Luella?" Sabi niya na nagpakulo ng dugo ko. Paglingon si ay si Lawrence pala ito. Omg! Kahihiyan, Luella! Kahihiyan!

May narinig na akong busina, ibigsabihin andito na si lolo fred. Pero hindi ko muna pinansin iyon dahil nakatitig pa rin ako sa gwapong muka ni Lawrence. "Tara na, Luella!" Sigaw ni lolo fred, nagmamadali ata. "Sorry, Matyo ko!" Sabi ko sabay bigay ng flying kiss sakaniya. Pagkatapos, tumakbo na ako agad sa kotse.

      —————————————————————

.ೃ࿐


Paano Kung Where stories live. Discover now