<3 Chapter 7 <3

28 1 0
                                    

Maaga akong nagising baka kasi agahan na naman ng Walanjo =____=

Tsaka kelangan ko ding ipaayos yung Music at Studio room dito sa bahay dahil dun daw kami Magshoshoot kuno' . Simula kasi nung Mawala si Mommy wala ng gumagamit nun. Pinasarado na nga yun eh kapag kasi pumupunta ako doon naaalala ko si Mommy psh ok enough of this Drama.

Nung nalinis na ng mga katulong pinakuha ko na yung Video cam.


"Young Lady may naghahanap po sa inyo sa baba"


Tumango nalang ako tsaka bumaba na.


"Naayos ko na yu-"


"Sa atin na sya titira Keileigh"


Psh. Akala ko si Ulan na. HOY! WAG KAYONG MAG IISIP NG KUNG ANO-ANO. GAGAWA KAMI NG MUSIC VIDEO REMEMBER?!

Aba di na ako nagulat sa pagdating nung Caileigh noh, Sabi ko na nga ba related kami sa isat isat =____=

Nakita ko naman yung asawa ni Daddy na bago na kinakausap yung Caileigh psh.


Maya maya may biglang nag Doorbell baka si ulan na toh.


"Ako na"


Sabi ko dun sa katulong na pupunta na dapat sa gate.


"Masungit rin pala sya kahit dito sa bahay nyo noh?"


Dinig kong sabi pa nung Caileigh psh .

Binuksan ko naman agad yung gate. Paano ang walanjo sisirain yata yung Doorbell.


"Hindi ganyan yung pagsira dyan ugok. Pumasok ka na nga psh"


"Good Morning din Kei! Ang sweet sweet mo talaga"


Tinarayan ko lang sya at pumasok na. Nung mapadaan kami sa Kitchen nakita ko sila Daddy na kumakain habang nagtatawanan psh. Kelan pa sya nagkaroon ng Oras sa mga ganyan? Pag sakin naman sasabihin nyan "Im busy" "Next time" "I have a Meeting" The heck =___=


"Jealous?"


"Huh?! Me?! IN THEIR DREAMS"


Sya naman ngumiti lang at nagkibit balikat.


"I thought Only child ka?"


"Yun din ang akala ko psh"


"You mean-"


"Oo na ang daldal mong bwiset ka. Tara ng gumawa ng Music Video ng matapos na"


Sabi ko at nagpatuloy na kong umakyat.


Her Sweetest Downfall (On-Going)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon