Relationships over a distance are terrible. I've never encountered somebody who said, "Yeah, my partner lives 7 hours away in my location, it's fantastic! Contrarily, every long-distance partner I've met experiences the excruciating sensation of having your heart progressively removed from your chest and replaced with inadequate Messenger calls and blinking chat windows.
I got it. Having been there Long distance has been a factor in each of my key relationships in some way.
I discovered as a young girl that I could only allow myself to fall for a boy if he was at least 100 miles away because I was frightened of any kind of commitment.
But this guy, changed it.
Hindi naman kami sobrang layo sa isa't-isa. Sa loob ng dalawang linggo, isa o dalawang beses siya pumupunta sa bahay.
Sinusulit natin ang limitadong oras na magkasama tayo. We love cooking together, watching movies, talking about our acads and future. We are happy when we are together. Or should I say I am happy when we are together.
Sumisigla ang araw ko kapag nandyan kana. Gustong-gusto ko ang yakap mo kasi alam ko matagal na ulit bago ko maramdaman yon. Ang saya-saya ko kapag kasama kita. At naging kuntento ako sa ganon sa loob ng dalawang taon na magkalayo tayo.
Nagsimula ang ganitong relasyon natin ng mapagdesisyonan mong magtrabaho para sa ikaaangat ng buhay mo. Nung una mong sinabi yon sakin grabe ang tibok ng puso ko. Napakabilis at tila ba sasabog ito. Nakaramdam ako ng takot na paano kung biglang mag-iba lahat satin? Sinabi mo pagkatiwalaan natin ang isa't-isa at siya namang ginawa natin.
Hindi naging madali ang unang taon na ganon tayo kalayo sa isa't-isa. Mayroong mga problema na hindi agad natin nasosolusyunan at hinahayaan nalang na lumipas ang init ng ulo ng bawat isa. Hindi perpekto ang relasyon nating dalawa.
Pero masaya ako sa kung anong meron tayo...
"Isang araw magigising nalang tayo, nasa iisang bubong na tayo, magkatabi sa iisang higaan at masayang magkasama" ayan ang mga salitang binitawan ko sayo dalawang taon ang nakalipas. At palagi ko pa rin yun sinasabi sayo kapag nararamdaman kong nangungulila ka sa akin.
Mahal na mahal kita at kuntento ako sa relasyon natin.
Pero bakit ganito na ang nararamdaman ko?
Bakit hinihiling ko na 'sana palagi nalang kita kasama' ?
Araw-araw kong hinihiling na sana ikaw ang may-ari ng sasakyan na pumaparada sa harapan namin. Pero kung ilang beses ko 'to hilingin ganon rin kadami ang pagkakadismaya ko dahil hindi ikaw yon.
Masaya naman ako sa relasyon natin pero kapag namimiss kita naiinggit ako sa nasa paligid ko na buti pa sila nakakasama nila yung bf or gf nila, whenever they want. I know we have different relationship but somehow I wish that you are always there whenever I need you.
Hindi ko rin alam kung bakit ganito ang nararamdaman ko. Nangungulila ako sa pagmamahal at presensya mo.
Pero kailangan kong intindihin ang sitwasyon mo. Ang mga minsan mo.
Am I being selfish if I want you to be on my side? always?
Palagi ko sinasabi sa sarili ko na hindi lang naman sakin umiikot ang mundo niya at ganon rin ako kaya dapat tanggap ko kapag minsan hindi ka available para sa akin.
Pero kahit anong pilit kong sabihin yon sa sarili ko sa kaniya at sa kaniya pa rin umiikot ang mundo ko.
"I will come to get you tomorrow okay? wait me here" Ang sarap pakinggan na babalik siya sakin. Ilang araw na tayong hindi nagkita at miss na miss ko ang taong yon. Kaya hanggat maaari ay sinusulit ko ang mga oras na kasama ko siya.
"Hinding-hindi ako magsasawang mag antay sayo"
Handa kitang antayin kahit gaano pa katagal. Ngunit patawad kung minsan ay hindi kinakaya ng puso ko ang pangungulila ko sayo. Patawad kung minsan ay naitatanong ko kung babalik ka pa ba? Patawad kung ang damdamin ko ay mahina.