TWO

3 0 0
                                    


Ginising na ni Ken si Natasha dahil may commercial pa ito na gagawin ngayong araw.

"Nat gising na , may commercial ka pa na gagawin remember?" Katok ni Ken sa kwarto ni Natasha.

Umungot ang babae dahil sa antok. Anong oras na sya nakatulog sa kakaisip at kakasubok kung anong itetext nya kay mister bato.

"Sige mag aayos na ako" tumayo ang babae at dumiretso sa C.R

Naligo ng mabilis at nagsuot ng hoodie at white maong short. Hindi na sya nag abala na mag ayos dahil mapapalitan din naman ang damit nya once na makapunta sya sa set.

Hindi na din sya nag make up dahil doon sya aayusan.

Bumaba na sya at naabutang nagkakape si Ken. Waffle lang ang kinain nya at uminom ng tubig. Bawal sya ng masyadong sugar dahil body wash ang gagawin nya , important ang figure niya.

After nila kumain , sumakay na sa van at si Ken ang nag drive.

NATASHA'S POV

Nakatingin ako sa labas at masayang pinagmamasdan ang mga batang nag eenjoy sa paglalaro. How I wish I have friends like them too. Mahirap magkaroon ng kaibigan sa showbiz industry, hindi mo sure kung totoo sayo.

Wala man akong kaibigan , may mga maituturing naman akong pamilya na alam kong totoo sa akin. Napangiti ako kay Ken. Nilingon nya ako dahil napansin nya ang pagtitig ko.

"Mima alam mo naman na hindi tayo talo" binatukan ko sya sa sinabi.

Kahit kelan talaga walang seryosong atmosphere sa amin dahil binabasag ako ng loko.

Beep

I checked my phone and shocked written on my face. Nagreply si Mister bato sa text na akala ko hindi ko nasend.

Omg!!

Mr. Bato:
   K

What the f__

Ang haba naman ng reply nya nakakatouch tagos puso.

Bumusangot tuloy ako.

I read my text again na sinend ko pala kagabi sa kanya.

Me:
Hi this is Natasha , don't be mad kay Niko kasi hiningi ko number mo. Gusto ko lang mag sorry and I'll treat you dinner para naman kwits na tayo.

Hindi ko tuloy alam kung payag sya sa dinner na sinasabi ko or not.

Dumating na din kami sa set at pinapasok na agad ako para maayusan. Nakatapis ako ng tuwalya na puti above my knee. My hair is in messy bun. Kailangan daw makuha ang atensyon ng mga makakanood ng commercial.

I always did my best.

"Thankyou Natasha for accepting this commercial" lapit sa akin ng representative ng body wash na ginawaan ko ng commercial.

I just smiled and thank him.

"Is it okay if I'll ask you out, dinner perhaps?"     Ayoko sana kaso baka hindi ako bigyan nito ng project regarding sa product nila. Kilala pa naman ang company nila.

"Okay sure"

Ngumiti ito ng malawak.

Bumalik na ako sa van dahil gabi pa naman kami kakain nung representative na yon.

"Mima alam mo ba sobrang famous nitong si Ram Villarico"

Sino naman yon? Anong pake ko sa sinasabi nitong si Ken.

"Malay ko Ken kung sino yan , uwi na tayo sa bahay. Kailangan ko pa mag ayos dahil inalok ako ng dinner nung Mr. Emman na yon"

Hindi naman nya ako pinansin at patuloy sa pinanonood ang loka.

"Hoy Ken sabi ko tara na" sinilip ko na ang pinanonood nya kasi kulang na lang mag heart shaped ang mata nya sa kilig.

0____0

Si Mr. Bato yon ha?

Ram Villarico

Interview yon kung saan kinikilala syang pinaka mayaman na business man sa bansa at sa ibang country.

Wow talaga.

Nakinig din ako sa sinasagot nya. Hindi talaga sya ngumingiti , parang syang bored na ewan.

Reporter: Dumako naman tayo sa lovelife mo Mr. Villarico, any girlfriend?

Ram: I'm not into girls right now because I'm focused to my business.

Reporter: Ang daming malulungkot na manonood sa sagot mo Hahaha

Trueee parang isa na din ako don? HAHAHAH joke only.

Babalik na sana ako sa upuan nang biglang may pahabol si Ram.

Ram: but I'm interested with someone.

Sabay tingin sa camera , feeling ko tuloy nagkakatitigan kami.

Ang bilis ng tibok ng puso ko parang gusto makawala sa kung nasaan sya.

"Oh nandyan ka pala sa likod ko" pinatay ni Ken ang cellphone at handa ng magdrive kaya umayos na ako ng upo sa backseat.

Hindi pa din mawala sa isip ko ang sinabi niya hanggang sa makadating kami sa bahay ni Ken.

I decided to wear a crop top and a trouser for my bottom part. I also bring a coat to complete my OOTD.

I take a picture of me in a mirror shot and put it on my story sa IG.

caption 'ootd for dinner'

Inayos ko na din ang small bag ko. Hindi ko na din balak gawing driver si Ken kasi alam ko na ready na yon makipag videocall sa afam nya.

I bid a goodbye and started the engine of my car.

Ryan's Pov

Kanina pa kami nandito sa restaurant kung saan magkikita si boss at si natasha pero hindi pa dumadating ang babaeng yon.

"Boss sure ka ba dadating yon?" He just look at me and checked his wrist watch.

Nasa cellphone naman nakatutok si Niko.
"Pupunta yon , nakita ko story nya eto oh" inabot nya ang cellphone sa akin at kita nga ang babae don naka ready para sa dinner nila ni boss.

Nagtaka nga kami ni Niko bakit sya pumayag sa alok ng babae.

Kinuha ni boss ang cellphone at tinignan din ang story na yon.

Binalik nya ang cellphone at kinuha ang kanya , nagtipa sya don at hindi ko na alam kung ano yon.

30 mins na pero wala pa din ang babae.

"Ayan na pala si Natasha" sabay kami ni boss tumingin sa entrance at nandon na nga si Natasha kasama ang lalaking umaalalay sa kanya papasok.

Nakita ko ang pagdilim ng itsura ni Boss na ipinagtaka ko din.








ACCIDENTALLY YOURSWhere stories live. Discover now