Author's Note:
I dedicate this to HaveYouSeenThisGirL . Ikaw ang source ng hugot ko sa one shot story na to. I love you, idol. :)This is my second story that I've written in wattpad. Check out my first work entitled, "It Started With A Shame". It's an ongoing series :D
Thank you in advance! :)
--
--PATTY'S POV:
May gusto akong itanong.
Alam niyo ba kung anong pinaka-masakit at pinaka-masaklap na ending sa mga love stories?
Akala ko noon, kapag namatay ang isang taong minamahal mo dahil sa isang sakit o aksidente, yun na ang pinakamalungkot na pangyayari sa pagmamahalan niyong dalawa.
Sabi naman ng iba, kapag daw hiniwalayan ka ng taong mahal mo dahil hindi na nagwo-work ang relasyon niyo ay yun na ang pinakamasakit.
Pero hindi eh.
Para sakin, iba ang dahilan.
Kung iisipin mo kasi na namatay ang taong pinakamamahal mo, mayroon yung sapat na dahilan. Alam mong walang may gusto ng pangyayaring yun at hindi niya kailanman ginustong iwan ka. Sigurado ako na kahit papaano ay pinilit niya pa ding lumaban noong nag-aagaw buhay pa siya dahil ayaw ka niyang iwan at gusto ka pa din niyang makasama. Pero sa kabila ng paglisan niya sa mundong ibabaw, ang importante ay alam mong minahal ka niya sa panahong nabubuhay pa siya.
At kung iisipin mo din na hiniwalayan ka ng taong mahal mo dahil alam niyo sa isa't isa na hindi na magwo-work pa ang relasyon niyo, wag kang malungkot. Maswerte ka dahil at least nalaman niyo na hindi talaga kayo para sa isa't isa, nagkaroon kayo ng isang paglilinaw sa paghihiwalay niyo at alam niyong parehas na hindi na dapat kayo umasa. Binigyan niyo din ng pagkakataon ang isa't isa na makahanap ng ibang taong tunay na magmamahal sa inyo.
Kaya para sakin, hindi ang mga yan ang tunay na pinaka-malungkot at pinakamasaklap na ending ng isang love story.
Alam niyo ba kung ano?
Yun yung pakiramdam na isang araw, malalaman mo na iniwan ka na lang sa ere ng taong mahal mo dahil sa hindi maipaliwanag na dahilan.
Yung tipong naging kayo pero dumating ang araw na kusa na lang siyang naglaho at hindi na nagparamdam pa sayo.
Hindi mo alam kung anong nangyari sa kanya o bakit bigla na lang siyang naglaho na parang bula.
Nawala na din lahat ng communication sa pagitan niyong dalawa.
Hindi mo alam kung ano na yung contact number niya at wala na din siyang kahit isang account sa social media..
Yung tipong hindi mo alam kung meron na ba siyang bagong minamahal o wala, kaya may parte pa din sa puso mo na gusto mo pang umasa na baka balikan ka niya. Umaasa ka na baka balang araw, dumating siya at ipaliwanag ang tunay na rason kung bakit ka niya biglang iniwan sa ere.
Sobrang sakit kaya ng ganun.
Literal na hindi mo alam ang dahilan kung bakit ka iniwan ng taong mahal mo..
Sinusubukan mong mag-isip ng ilang rason kung bakit nangyari ang bagay na yun, pero sa tingin mo ay wala talaga..
Wala ka namang ibang ginawa sa kanya sa panahong magkasama kayo, bukod sa mahalin at ingatan siya.
Ang sakit lang isipin na ganyan ang nararanasan ko ngayon sa boy-friend.. or should I say ex-boyfriend kong si Trey.
Ewan ko, naguguluhan ako kung ano bang dapat kong itawag sa gagong yun.
BINABASA MO ANG
The Most Tragic Love Story
Short StoryAlam niyo ba kung anong pinaka-masaklap at pinaka-masakit na ending sa mga love stories?