PROLOGUE

2 3 0
                                    

Walang bahid ng luhang nakatanaw sa paanan ng libingan si Riesse. Pagod na siyang umiyak. Ubos na ang kanyang mga luha ngunit hindi pa rin nito maibsan ang sakit na nadarama niya. Kamamatay lang kasi ng kanyang mga magulang. Papunta ang mga ito sa isang pagtitipon ngunit nasangkot sila sa isang aksidente. Maswerte at hindi siya nakasama sa kadahilanang tinatamad siya noon at ayaw na ayaw niyang nakikihalubilo sa ibang tao.

Kasalukuyang ibinababa na ang dalawang kabaong sa hukay. Dinig ang iyakan ng lahat. May iilang nagsaboy ng bulaklak hudyat ng kanilang pamamaalam sa mag asawa. Gusto niyang umiyak at magsisisigaw dahil sa galit. Galit siya sa kanyang mga magulang dahil iniwan siya nang mga ito. Matamlay niyang nilingon ang tiyahin na kasalukuyang umaarteng umiiyak at may pa pahid pa ng luha. Agad naman siyang napansin ng babae at bahagyang natigilan. Inirapan niya ito at muling ibinalik ang atensyon sa himlayan ng magulang.

Alam niyang umaarte lang ang tiyahin at hindi naman talaga ito malungkot sa pagkawala ng mama't papa niya. Ang totoo'y masayang masaya ito dahil sa kanya mapupunta ang lahat ng ari-arian ng mga ito sapagkat siya lang naman ang natitirang pamilya niya. At dahil ayaw niyang makisama sa tiyahin, ay napagdesisyunan niyang bumukod at magtrabaho nalang. Mas gugustuhin niya pang magwaldas ng sariling pera kesa umasa sa tiyahin. Kahit na wala siyang alam sa pagtatrabaho at gawaing bahay ay hindi na matitibag ang kanyang desisyon. Panahon na rin naman siguro para matutunan niyang huwag umasa sa iba. At ngayong wala na ang kanyang mama't papa, wala na siyang ibang maaasahan kung hindi ang kanyang sarili. Dahil ni minsan ay hindi rin naman siya itinuring na kamag anak ng kanyang tita Juliana.

Pagkatapos ng huling dasal at pamamaalam ay nagsiuwian na ang lahat maliban sa kanya. Gustuhin man niyang dito magpalipas ng gabi sa sementeryo ay hindi rin pwede. Hindi na rin naman siya hinintay ng kanyang tiya at basta na lamang ito umalis ng walang paalam. Umupo sa paanan ng libingan at saka hinaplos ang lapida ng kanyang mga magulang.

"Ang daya niyo naman eh! Iniwan nyo ako agad. Pano na po ako? Alam niyo naman na wala na akong ibang mapupuntahan. Kay tita Juliana nyo pa talaga ako hinabilin." Iyak niya. Alam niyang naririnig siya ng mga ito ngunit maging sila ay wala rin namang magagawa.

Namalagi siya ng dalawang oras roon hanggang sa napagdesisyunan niyang umuwi na. Wala siyang perang dala kaya naglakad nalang siya. Good thing at ilang block lang ang layo ng bahay nila sa sementeryo. Pagkarating ay agad tumambad sa kaniya ang iilang maleta. Pumasok naman agad sa eksena ang kanyang tiya Juliana.

"What do you think you're doing tita?" May galit na tanong niya sa tiya. Di naman natinag ang babae at ngumisi lamang ito.

"Ano pa nga ba? Since wala ang ang mom at dad mo ay wala kana ring karapatan sa pamamahay na ito." Sumbat ng babae.

"Ang kapal naman talaga ng mukha mo no! Pagkatapos ng pag iyak mo kunwari kanina sa sementeryo ay ganito rin naman pala ang ipapakita mo? Ikaw dapat ang lumayas dahil bahay namin ito!" Hindi na niya mapigilan ang sarili. Gustong gusto niyang sugurin at sabunutan ang tiyahin ngunit hindi niya magawa dahil kahit ganito na ang trato sa kanya ay may repseto pa rin siya.

"Your dad gave me everything according to his last will and testament dahil ako lang ang pamilya niya rito."

"No he did not! You're lying!"

"Oh ayan basahin mo." Sabay tapon sa kanya ng puting folder. Agad niya itong binasa at di siya makapaniwala sa nakasulat. Ang kanyang tiya Juliana nga ang tagapagmana ng lahat including his dad's architectural firm. Permado rin ng ama niya ang dokumento.

"See? Kaya lumayas kana sa pamamahay ko. You have 10 minutes to collect your garbage. Dapat wala na rito lahat ng kalat mo pagbalik ko."

Padabog niyang dinampot ang isang itim na maleta at hinarap ang tiyahin.

"You don't need to remind me tita. Nakapagdesisyon na rin naman akong umalis rito. Hindi mo na ako kailangan pang ipagtabuyan."

"Well good to hear that. Buti naman at ng matuto ka sa buhay. Good luck on living alone pamangkin." Sarcatic nitong sabi sabay tahak ng hagdan patungo sa ikalawang palapag ng bahay.

Bandang ala sais na ng gabi nang matapos sa pag iimpake si Riesse. Tulog pa raw ang kanyang tiya at ayaw rin naman niyang makita sya nitong nililidan ang mansyon. Mabuti at napakiusapan niya ang kaibigan na patirahin muna siya sa condo nito kahit isang gabi lang. Habang ikinakarga ang mga gamit sa sasakyan ay tiningnan niyang muli ang kabuuan ng mansyon. Mamimiss niya ito. Lahat ng alaala nila ng kanyang mama't papa ay mamimiss niya.

Nakarating siya sa condo ng kaibigan bandang alas otso na ng gabi. Buti nalang at mababait ang staff doon at tinulungan siyang magbuhat ng mabibigat niyang maleta papasok sa unit.

"So what's your plan?" Tanong ni Madeline. Ang nag iisang kaibigan niya.

"I'm planning to go back."

"What?! Uuwi ka ng Iloilo?" Gulat na tanong ng kaibigan.

Alam niyang hindi pa siya handang balikan ang nakaraan ngunit wala siyang ibang maisip na puntahan. Naroon ang vacation house nila na hindi naisama sa last will ang testament ng daddy niya at sa kanya parin ito nakapangalan.

"I don't have a choice Mad. I don't want to stay here in Manila. Ayokong makasalubong ang tiyahin ko at ipamukha sa akin kubg gaano na ako kahirap ngayon."

"You know what Riesse, just give me one permission and I'mma hit your aunt in her f*cking face."

"Ano ka ba Mad hayaan mo na siya. Ayoko naman magpaapekto pero mas mabuti na iyong malayo ako sa kanya."

"But the question is are you ready? Ready ka bang balikan ang nakaraan mo doon?"

"I don't know Mad. But just like what dad said, I have to face my fears. Kasi iyon lang ang makakatulong sa akin para mag grow ako. You know I have no one right now. Hindi na ako iyong Anne Riesse na always naka kotse at LV na bag. My card has only 100,000 pesos left."

"You know you always have me. Don't say that you have no one. I am here Riesse. Willing akong sumalo sayon kapag hulog na hulog kana sa buhay. I can lend you money if you want."

"Thanks for being there always Mad pero I need to stand on my own na. Para kina mom at dad magiging independent ako."

"Naks naman talaga bff!"

"Sira! Ok enough na with this drama. Aayusin ko pa ticket ko pauwi and I might call nana Sela to inform her na uuwi ako."

"Yey! Magkikita na kayo ni nana for how many years."

"Tsaka you can visit naman anytime. Hiramin mo yung private plane ni tito."

"As if papayag yon no."

Puro kwentuhan at tawanan ang ginawa nila buong gabi dahil paniguradong mamimiss nila ang isa't isa.

Maaga siyang inihatid ni Madeline sa airport. Susunduin rin naman siya ng nana Sela pagdating sa Iloilo kaya wala siyang p-problemahin.

"Mag iingat ka don bff ha. Mamimiss kita face time tayo lagi."

"Oo naman no ikaw mag iingat ka rin palagi. Wag kanang pasaway kay tito para payagan ka niyang pumunta ng Iloilo."

Iilang yakap pa ang ibinigay nila sa isa't isa bago siya tuluyang pumasok ng airport. Hindi niya alam kung anong magiging kapalaran niya roon pero alam niyang nakagabay naman sa kanya ang kanyang mga magulang.

Lost in The City of LoveTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon