Hindi na ako tumanggi sa susunod na babaeng ka-blind date ko ngayong araw.
My parents wanted me to marry a girl, na anak ng kasosyo nila sa business. Of course, to merge. Lagi namang para mas mapalago ang negosyo. As a business man, this arrangement is good. But on the other hand, not everyone will benefit from it. Lalo na yung mga taong ipapakasal sa isa't isa na hindi naman nila mahal ang isa't isa.
I have a girlfriend, my parents know about it. Pero hindi raw nila pinagkakatiwalaan ang girlfriend ko. We've been together for almost 3 years now. Alam din naman niya ang pakikipag-date ko sa mga babaeng pinipili ng mga magulang ko.
Konti na lang yata sa mga kasosyo ng magulang ko ang hindi ko pa name-meet ang anak. Baka pag natapos yun, hindi na rin kami hadlangan.
"I have to go, Mom. Kikitain ko pa si Joy." Joy is my girlfriend. Bago pa man ako makalabas ng library sa bahay namin, narinig ko na naman ang kadalasang sabihin ng mommy ko tungkol kay Joy.
"Son, please be careful. Hindi mo kilala ang babaeng yan." I don't know, pero lagi akong kinakabahan sa tuwing naririnig ko yon. Parang may laman ang sinasabi ng magulang ko. Pero ayaw ko rin namang paniwalaan dahil naging maayos naman ang relasyon namin ni Joy.
Nang makarating ako sa resto na pagkikitaan namin ay may nabangga pa akong lalaki na papalabas. Naka-jacket pa. Ang init na nga sa Pinas.
Isang kaway ang napansin ko kaya dumiretso ako roon ng mamukhaan ang magandang babae para sa'kin.
"Hey, ang gwapo mo ngayon ah?" Natawa naman ako sa bati nito.
"Ngayon lang?" Panunukso ko naman.
"Of course not, mas lang ngayon." Hay, ilang beses ko na bang narinig yan mula sa kanya? Pero ganon pa rin ang epekto, hindi naman siguro masamang aminin na kinikilig ako.
"By the way, I already ordered. Alam ko naman ang favorite mo eh." Hindi ko maiwasang mapangiti. She knows me too well.
Ilang sandali pa ay dumating na ang hinihintay naming pagkain.
We talked, we laughed. Hanggang mapunta ang usapan sa bago ko na namang makaka-date. I already bill out. Nagpapatunaw na lang kami ng kinain.
"Oh, hindi pa rin pala tinitigilan ni tita ang i-arrange ka sa ibang babae kahit pa alam niyang may girlfriend ka." Rinig ko ang inis sa boses nito. Marahil naiinis na rin sa ginagawa ni mommy.
"Hindi ko naman sila gusto." I said. Para kahit paano ay hindi siya mangamba na ipagpalit ko siya.
"Dapat lang, tsaka hindi ba nare-realize ni tita na papakasalan mo rin ako?" I stunned with that. Hindi ko pa ma-imagine na makasama sa buhay si Joy. I love her pero baka hindi pa ito yung right time to married. May balak naman akong magpakasal pero hindi pa ngayon. Nagmamadali na ba siya?
"O-of course. I think mom will stop kapag nalaman niyang ikakasal na tayo." Ngumiti ako.
Ngumiti rin naman ito at hinawakan ang kamay ko.
"I really love you, let's go on a date?" And she mean by a date is going to a mall. Shopping and looking for something specifically a jewelry. She loves that.
Tumango ako at tumayo na. Ako ang laging nagbabayad para saming dalawa pero hindi wala naman sa'kin yun, as long as napapasaya ko siya.
Another day, another blind date. Not literally blind pero wala talaga akong alam sa itsura ng mga nakaka date ko for the first time.
Naka-set up na kasi ang place. Kagagawan ng mga magulang namin ng magiging date ko. Syempre, sa isang private room ng restaurant kami laging pwesto.
"Reservation of Mrs. Cruz?" Tanong ko sa waiter na nag-aabang sa pinto pa lang.
