November 15,2019
Nasa bus kami ng kaibigan kong si Diane nang bigla na lamang bumuhos ang napakalakas na ulan. Kitang kita ko mula sa pwesto namin kung paano gumuhit sa madilim na kalangitan ang kidlat na sinabayan pa ng malakas na pagkulog.
Pauwi na kami at galing pa kaming General Trias kung saan ginanap ang kasal ng dalawa naming kaibigan. Nasa bus pa lamang ako problemado na ako dahil hindi ko alam kung paano ako makakauwi. Samantala yung kaibigan kong si Diane maswerteng may dalang payong. Pagkamalas nga naman, bakit kasi kung kailan hindi ako nag dala ng payong 'saka naman umulan!
Nang makarating na kami sa gahak agad akong nag paalam kay Diane at mabilis na tinungo ang 7/11 para doon sumilong. Narinig ko pang sinabi ni Diane ang 'ingat' yun nga lang hindi ko na nagawa pang lingunin siya dahil nag mamadali na ako.
Basang basa akong nakarating sa convenience store. Pag pasok ko sa loob sumalubong sa akin ang lamig dulot ng malakas na aircon. Tiniis ko na lamang ang ginaw sa loob at pinanuod ko na lamang ang pag guhit ng kidlat sa kalangitan kasabay ng malakas na pagkulog.
Sunod-sunod na rin ang pagpasok ng mga tao. Karamihan sa kanila mga basa na kahit pa may dala-dala silang payong.
Kalahating minuto din akong nasa loob. Medyo tuyo tuyuin na rin ang buhok ko pero malakas pa rin ang buhos ng ulan. Napansin ko din na pailan ilan na lamang kami sa loob dahil yung iba pinili na lamang sumugod sa ulan. Tumingin muna ako sa wall clock malapit sa cashier. 5 minutes bago mag 9pm.
Masyado na akong late para sa oras na napag usapan namin ni mama. Naiimagine ko na kung paano niya ako sermonan pag uwi. Kaya naman nag desisyon akong gayahin ko na lamang ang iba--lumabas na ako at sumugod na rin sa ulan. Hindi ko na alintana kung mabasa pa muli ako basta ang gusto ko lang makapunta sa kabilang tindahan kung saan nakapwesto ang pila para sa mga pasahero ng tricycle.
Agad akong sumilong sa isang kainan. Pinunasan ko ang sarili ko gamit ang panyo. Nasa harap ko ang mga pasaherong may payong at nakapila. Habang kaming walang payong nasa gilid at hinihintay ang pagtila ng ulan.
Pinagmasdan ko ang bawat patak ng ulan. Mayamaya pa, dahan-dahan kong iniangat ang kanang kamay para sambutin ang ulan. Nang gagalaiti pa rin ang nakakatakot na tunog ng kulog. Malakas ang hangin dahilan para ginawin ako. At kahit nilalamig ay pinili ko na lamang na tiisin ito. Bakit kasi offshoulder pa ang sinuot ko. Hayss..
Napansin ko rin yung ibang tao na pinili na lang ang maligo sa ulan. Gusto ko sana gayahin sila para makauwi na ako pero may kung anong pwersa ang pumipigil sa akin na gawin iyon.
Napabugtong hininga na lamang ako.
Ibinaba ko na ang kamay ko at pinanuod ko na lamang ang mga pasaherong nakapila. Nakakaramdam na din ako ng inggit sa mga pasaherong may dalang payong dahil makakauwi na sila. Hindi na nila kailangan mag hintay ng matagal. Salamantala ako, heto parang basang sisiw sa tabi.
Hindi ko naman kasi akalain na bigla na lamang uulan. Maganda ang panahon kaninang umaga hanggang tanghali. Maaliwalas at walang bakas na uulan. Kaya hindi ko na inabala pa ang sarili ko na magdala ng payong. Naisip ko na nga na makisilong na lang sa kanila pero sa 'twing tatangkain kong magsalita bigla na lamang ako aatras at mapapatikom. Baka kasi hindi sila pumayag at mapahiya lang ako.
Makalipas ang ilang sandali ay gumalaw na ang pila. Isa-isa ko silang tinignan hanggang sa madako ang mga mata ko sa isang lalaki. Nag salubong ang aming mga mata subalit agad ko din iniwas ito at sumulyap sa ibang direksyon.
Ilang saglit pa gumalawa muli ang pila. Muli kong inisa isang tignan ang mga nakapila hanggang sa madako muli ang mga mata ko sa kanya. Subalit sa pagkakataong ito, nahuli ko siyang nakatitig sa akin. Pareho kaming nagkatitigan na para bang matagal na kaming magkakilala. Tila ba may kung anong connection kami sa isa't isa nung mga oras na ito kahit pa ngayon lang kami nagkita.
BINABASA MO ANG
Mi Iluvia
RomanceUlan ang nagtakda Para tadhana'y magkita. Ulan ang nagparamdam Sa pagibig na 'kay ilap maramdaman. -------- Start: November 19, 2022 End: