Chapter 14

82 7 7
                                    

hi! sorry nadelete yung chapter ajujuju T^T ginalaw kasi ng pinsan ko yung phone ko eh! pero okay lang kasi may draft ako ng chapter na 'to sa memo ko hihi

___________

sorry kung nalate hehe medyo busy ako sa dance workshop eh ;-;

DI KO KINAYA YUNG COMEBACK NG BANGTAN

AHSKAKSSKAKS

#THRUSTPAMORE

_________________________

"Noona ano kasi-----

*ding dong*

di na natuloy ni Jungkook yung sasabihin niya dahil biglang may nag doorbell

PINAPASALAMATAN KO KUNG SINO 'MAN YUNG NAG DOORBELL

agad akong tumakbo papunta sa gate tsaka ko binuksan

nevermind

di ko na pinasasalamatan

sinusumpa ko na ang mga nagdoorbell

"Wendy! Si Jungkook?" excited na tanong sakin ni Namjoon

ay oo nga 'no pinapunta niya si Jungkook dito para ibigay yung love letter niya sa pinsan ko. Kadiri

"Asa loob siya. Jusko pakalmahin niyo si Irene please lang nagdadasal na si Jungkook sa loob para sa kinabukasan niya" sabi ko at agad naman silang pumasok

"WENDY!!!!!!!!!!" rinig ko na sigaw nila Namjoon

oh no

agad akong tumakbo sa loob at nakita ko na binabato ni Irene sila Namjoon

"NANDITO NA NGA SI JUNGKOOK TAPOS PUPUNTA PA KAYO?!" sigaw ni Irene habang hinahabol sila Namjoon

Habang hinahabol nila Irene ang tropa ko nakita ko si Jungkook na nakayuko parin sa sofa at nagdadasal habang nasa isang sulok si Hoseok at umiiyak.

"MGA GAGO TAMA NA!" sigaw ko at tsaka sila tumingin sakin

"ANONG TAMA NA?! GINULO NILA ARAW KO PINSAN NAMAN EH!!!!!" sigaw sakin ni Irene na parang bata.

"Irene kalma mo etits mo pwede ba? Tignan mo pinaiyak mo si Hoseok tapos si Jungkook di maka tigil sa pagdadasal sa sofa" sabi ko kaya tinignan naman ni Irene si Jungkook at Hoseok

"Hala......" sabi ni Irene tsaka nilapitan si Hoseok

"Sorry Hoseok kung napaiyak kita. Di ko naman sinasadya eh sadyang nireregla lang ako. Sorry din Jungkook kung natakot ka" sabi ni Irene na parang sobrang nagsisisi sa pinag gagawa niya

Brutal 'man pinsan ko pero marunong yan magsorry

Tumigil na sa kakaiyak si Hoseok at nginitian si Irene

_____

After nun sabay sabay kami kumain ng almusal

"Bebe noona Irene nakita mo ba letter ko?" kinikilig na tanong ni Namjoon kay Irene

napatigil kami sa pag kain ni Jungkook

"Anong letter na pinagsasabi mo? Wag ako Namjoon pwede ba" inis na sabi ni Irene kay Namjoon

HALA

LAGOT KAMI

Biglang bumusangot si Namjoon tsaka lumapit kay Jungkook

"Jungkook putangina mo anong ginawa mo sa letter?" rinig kong bulong ni Namjoon kay Jungkook

bubulong na nga lang pero naririnig pa.tss

Dahil sa bulong ni Namjoon nanigas si Jungkook sa kinauupuan niya

"Hyung kain na tayo hehe" pag aya ni Jimin kay Namjoon dahil napapansin niya na natatakot na ang kanyang Kookie beybeh

--

Natapos na kaming kumain at si Irene ay kasulukuyang naghuhugas ng mga pinggan habang kami ay nasa living room at napaka bigat ng atmosphere dito

"Jungkook bakit di mo binigay kay Bebe Irene yung letter?!" inis na sabi ni Namjoon

"SI WENDY KASI!" biglang sigaw ni Jungkook kaya lahat kami napatingin sa kanya

KINGINA MO JUNGKOOK AKALA KO BA WALANG LAGLAGAN?!

"Wendy?" kalmang pagtawag sakin ni Namjoon.

putangina mamamatay na ako at dahil ito sa isang Badjao

"B-bakit? hehe" painosenteng tanong ko

"Nasaab yung letter?" malambing at kalmadong pagtanong sakin ni Namjoon at nakangiti pa siya sakin

AYOKO NA

NATATAKOT NA AKO SA BADJAO

"Ah hehe anong letter? W-wala naman akong tungkol diyan hehe" yan tangina mo Jungkook manigas ka kay Badjao

"Masama magsinungaling Wendy" nakangiting sabi sakin ni Namjoon

konting konti nalang...

KONTING KONTI NALANG MAIIHI NA AKO SA PWESTO KO DAHIL SA TAKOT

"Hoy Badjao! Nabasa ko na yung letter mo kaya pwede ba wag mo takutin pinsan ko!" sabi ni Irene habang naka pamewang

ha? paano niya nabasa eh sinunog namin yun????

hinayaan ko nalang kung anong ginagawa ng pinsan ko, kumbaga, naki go-with-the-flow nalang ako

"Talaga????? Ano Bebe Noona Irene kras mo rin ba ako????" excited na tanong ni Namjoon

"Hindi." simpleng sagot ni Irene atsaka siya bumalik sa kusina

Tinignan ko naman si Namjoon at parang binagsakan siya ng langit at lupa kasi sobrang lungkot niya HAHAHAAHA yan kasi talande

ay wait..paano pala nabasa yun ni Irene? eh sinunog namin yun?

Pumunta ako sa kusina at nakita ko si Irene na naghuhugas ng mga pinggan

"Psst! Irene! paano mo nabasa yung letter ni Namjoon eh sinunog namin yun?"

Irene's POV

Pumasok si Wendy sa kusina para itanong sakin kung paano ko daw nabasa yung love letter nung Badjao na yun hays

ganito kasi yun..

*flashback*

Umagang umaga palang bakit nandito na sila Namjoon?! Tangina naman!!!!!!!!!

*blag*

Nang marinig ko yun ay na realize ko na hindi sila Namjoon iyon kaya napagdesisyunan ko nalang na wag umalis sa pwesto ko kasi ayokong masaktan hehe

"WAAAH SINO KA?!?!? WAG MO AKO SAKTAN PLEASE" rinig kong sigaw ni Wendy kaya bumaba na ako agad

pagkababa ko nakita ko na si Jungkook na pinapatahan si Wendy dahil natakot siya

Napagisipan ko muna na magtago sa hagdan para bantayan sila kasi malibog si Jungkook at baka molestyahin niya pinsan ko huehue

After ng 15 minutes napagdesisyunan ko nang umakyay pero narinig ko pangalan ko

"Ah kasi may pinapa bigay si Namjoon hyung kay Irene noona. Letter daw" sabi ni Jungkook at may nilabas na envelope

kingina kadiri naman Namjoon

binasa iyon nila Wendy at mukhang parehas silang nandiri kaya naglabas si Jungkook ng lighter

"Hala susunugin niya yon?" bulong ko sa sarili ko

kinuha na ni Jungkook yung envelope pero di niya nadampot yung letter at nalaglag sa sahig pero walang naka pansin

"bobo nga naman" sabi ko sa sarili ko

After nila sunugin yung envelope pumunta sila sa living room kaya mabilis kong kinuha yung letter at binasa ko
.
.
.
.

KINGINA KADIRI KA NAMJOON

Secretly Loving Him | j.jungkookTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon