So here's my first poem in watty, ENJOY and hope you can relate :) Thanks!
-.-.-
Dakilang Ina
Salamat kay Nanay
Lagi kang nakaalalay
Mula pagkabata'y
Hawak mo aking mga kamayIdolo kita
Pagkat ika'y dakila
Hindi ka man perpekto
Busilak naman ang puso moSa mga panahong nagagalit ka
Ako'y sobrang nakokonsensya
Gustong-gusto kitang yakapin
Pero alam mong ako'y sobrang mahiyainSugat na aking natatamo
Malaki man, o maliit ito
Agad mong ginagamot
Sa mukha mo'y di nakikita ang yamotPawis na tumatagaktak sa noo ko,
Siguradong iyong sinasalo
Ng hawak-hawak mong bimpo
Imbis na punasan ang sariling pawis moGatas na iyong tinitimpla
Pagtulog at paggising sa umaga
Ito'y hindi nakakasawa
Dahil ikaw ang may gawaMga damit kong puno ng mantsa
Katapat ay iyong paglalaba
Mukha mo'y parin ay masaya
Kahit mga kamay mo'y napapasma naHabang ako'y nagdadalaga
Laging nariyan ka
Kahit minsan ay pasaway ako
Salamat Nay sa pagtitiis moYung mga oras na nagalit ako sayo
Sobra-sobra ang pagsisi ko
Pagkat alam kong ako ang mali
Hindi dapat ikaw ang sinisisiTuwing luho ay hinihingi
Ikaw ay laging tumatanggi
Ngunit pag meron nang pera
Agad ay bumabawi kaNoo'y hindi ka nakapunta sa graduation ko
Sobrang lungkot ang nadama ko
Pero alam kong kailangan na kailangan mo
Ang pag-intindi kong itoNung nalaman mong may gusto ako,
Parati ako'y iyong tinutukso
Puso ko nama'y lumulundag nang husto
Pagkat kitang-kita ko ang suporta moKapag sumasali ako sa mga paligsahan,
O mga aktibidad sa paaralan
Ang suporta iyong inilalaan
Higit na aking pinasasalamatanSa tuwing sasapit ang gabi
Lagi akong nagmumuni
At Sinasabi sa sariling
"Salamat at natupad ang aking hiling."Ang hiling na ito
Ay ikaw mismo
Salamat Nanay ko
Nag-iisa ka sa aking pusoHindi ako kumpleto
Kung mawawala ka sa buhay ko
At kapag nangyari ang pagkakataong ito
Dadalhin ko ang mga aral na pamana mo
BINABASA MO ANG
Dakilang Ina (Poem)
RandomTula na tungkol sa sakripisyo at pagmamahal ng ating mga minamahal na ina.