Crush mate
Getting into College is exciting yet it gets me nervous. New environment, bagong classmates, bagong kaibigan at mga subjects na tiyak na sisira sa utak ko.
"Pagtapos mong mag enroll, uuwi ka na?" Tanong ni Princess habang naglalakad kami papunta sa mga karinderya sa side ng department namin which is kaharap ng CIT at Tourism building.
"Yup. Ikaw?" Tanong ko.
Bibili pa kami ng tubig dahil sobrang haba pa ng pila sa Function hall. Last 2 step nalang naman at makakaenroll na kami. We'll just pay for OBAS and magpipirma na kami sa function room kung nasaan ang mga sections kung saan kami nakaassign.
Princess is my classmate way back in High School who is my classmate also on my freshmen.
"Uy, Cess!" Napatingin kaming pareho sa lalaking tumawag sa kanya.
"Oh, tapos ka na?" Tanong ni Princess.
Kung di lang maraming tao dito ay kanina pa sana ako tumakbo para magtago.
"Oo. Naka enroll ka na?" Tanong nito pabalik.
Para mawala ang ilang ko, ay lumapit ako sa ref at kumuha ng tubig tsaka nagbayad sa counter.
"Hindi pa pero last 2 steps nalang kami. Hintayin mo nalang ako sa harap." Rinig kong sagot ni Princess.
"Sige, chat mo nalang ako." Nakita ko sa gilid ng mata ko ang pagsulyap sakin ni Jake bago umalis.
Ng makuha ang sukli ay lumapit naman si Princess at binayaran ang kinuhang tubig.
Pagtapos bumili ay naglakad na ulit kami pabalik sa building namin.
"Niligawan ka nga pala dati ni Jake noh?" Bigla'y tanong ni Princess.
"Ah...oo." sambit ko.
"Sayang kayo. Gustong gusto ka pa naman niya." Hindi ko alam kung nararamdaman ba niyang hindi ako komportable sa mga sinasabi niya dahil patuloy lang siya sa pagsasalita.
Masakit parin sakin ang nangyari samin ni Jake. Kung pwede ko lang ibalik ang lahat, kung pwede lang talaga...
"Nung birthday ko nga, nung nalasing jusko." Tumawa siya. "Umiiyak ba naman tapos sinasabi niya pangalan mo. May video pa nga sakin yun dati kaso nabura ko na."
"Dalian mong maglakad, baka maunahan pa tayo sa pila." Pagputol ko sa mga sinasabi niya.
I don't want to hear those anymore, lalo lang akong nasasaktan.
Pagkatapos kong mag enroll ay hindi na ako sumama kay Princess papunta sa harap ng University kung nasaan si Jake na kasabay niyang umuwi gamit ang motor niya. Dumaan ako sa likod at doon nagtricycle papunta sa bus Terminal.
Nang makarating sa bahay ay agad akong pumunta sa kwarto, pakiramdam ko nanghihina ako. Seeing Jake once again still hurts me kahit na ako naman talaga ang may kasalanan. Kasalanan na gusto kong itama pero hindi na pwede dahil wala na akong babalikan, hindi na niya ako tatanggapin pa ulit.
Realization hit me, may mga bagay talagang pagsisisihan mo sa huli at kahit anong pilit mong balikan, hindi na maaari.
"Ano ba, Jake!" Inis kong sabi ng guluhin niya ang buhok kong tinatali ko.
Tumawa siya. "Para kang matanda."
Inirapan ko siya at di nalang pinansin ang pang aasar niya. Nang umalis siya at pumunta sa mga kaibigan niyang nakaupo sa tabi ng pinto ay itinuloy ko na ulit ang pagtali sa buhok ko.
"Magdodorm kayo?" Tanong ni Norlyn na nasa tabi kay Zella na nasa likod naman namin ang upuan.
She's talking about our plan when we go in College.

YOU ARE READING
Love In College
Teen FictionShe's still inlove with someone she dumped in High School, but when she turned College makikilala niya ang feminine boy na parang bakla pero hindi naman "daw" pero mukha talaga! Hindi naman niya ito gusto pero dahil sa misunderstanding at sa kagus...