Ang Babaeng Bitter chptr1

105 3 1
                                    

Pag'ibig? Sus! Walang magandang maidudulot yan. Sasaktan ka lang at sasaktan ng lintek na pag'ibig nayan. Yang mga "I love you" nayan? Wag kayong maniwala dyan! Kasi kung sasabihin lang yan at hindi pinapadama, HINDI YAN TOTOO! Diba? Mag'iiloveyou ka tapos hindi mo ipapadama? Eh ulol ka din noh? Pano magiging love yan?. Kaya kung ako sa inyo, wag kayong maniwala dyan! Baka magaya pa kayo sakin na PINANIWALA NA MAHAL NYA AKO, TAPOS IIWAN DIN NAMAN PALA! Ansaket diba? Yan kasi disadvantage ng pagmamahal eh. Pasasayahin ka sa simula, sasaktan at sasaktan ka naman sa huli. Baka madurog pa nga yang puso nyo sa sobrang sakit eh. Tapos yung mga iba dyan nagsasabi na "MAY FOREVER". Anong forever? Wala kaya nun! Ulol! WALANG FOREVER! Bitter na kung bitter! Wala na kayong magagawa kasi napagdaanan ko na lahat yan! Yung tipong inaalagaan ka sa simula, ihahatid sundo ka pa. Tapos magtatagal kayo, tapos tatapusin lahat ng pinagsamahan nyo sa tatlong salita! "BREAK NA TAYO". Oh diba? Yung 3years namin, tinapos nya sa tatlong lintek na salita! Kaya nga ayaw ko nang magmahal eh. Papaasahin ka lang nyan. Tama na nga yang pagkekwento sa nakaraan ko. 2years nang nakalipas yun. Wala nayun. Kinalimutan na ako ng lintek na lalaking yun! Mabuti pa maging single nalang kayo! Mas masaya pa! Hindi ka pa masasaktan. Ay, oo nga pala. Ako si Chloe Lorraine Santiago. 17 years old at bitter sa pagmamahal. Sikat ako sa school namin hindi lang dahil sa maganda ako at habulin ng lalake. Ito ay dahil sa MASUNGIT AKO SA MGA LALAKE. Period! Ayaw ko ng nagpapaligaw. Pati mga barkada ko iniwan ako kasi ayaw kong nagpapaligaw sila. Kasi nga diba, sasaktan ka lang ng pagmamahal nayan. Eh wala ngang true love eh! Fake love lang! Ewan ko nga ba kung bakit hindi pa nagsasawa si Mama sa mga masasakit na salita na binibitiwan ng demonyo kong papa. Palagi nga nyang sinasaktan physically ang mama ko eh. Puro pasa na nga ang katawan ng mama ko nang dahil kay papa. Ewan ko ba kung bakit minahal pa ni mama yan eh! Lahat naman ng lalake eh manloloko. Mga abusado sila at mga paasa! Kaya ayaw ko sa mga lalake. Oh, tama nayan. Sobra sobra na ang pagpapakilala ko. Papasok na nga lang ako sa school.

——————-


"Ms. Chloe Santiago! Why aren't you listening in my class? What are you doing in your sit?" Galit na sabi ni Ma'am Alcantara.


"Uhmm, Drawing?" –Chloe


"Give me that sketchpad. Stop making unnecessary things in my class!" –Ma'am Alcantara


"Pakipasa nga kay Ma'am." Galit na sabi ko.


Ipinasa nila kay Ma'am ang sketchpad ko at tinanggap niya naman. Itinago nya ito sa cabinet nya saka nagpatuloy sa pag'didiscuss. Haaaays! Ang boring talaga sa klase. Parang gusto ko na umalis dito.


"Ano bayan! Pano ko maiintindihan kung ang bilis mo magsalita?" –Chloe


"What Ms. Santiago?" –Ma'am Alcantara


"Nothing ma'am" –Chloe


Bumalik na sa pagsasalita si Ma'am. Dinidiscuss nya yung upcoming na "Mr. and Ms." Thingy nayun. Wala akong pakialam dun noh! Rarampa ramp aka lang sa stage kasama yung partner mo. Hindi pa nga ako sumasali dyan eh. Ano mapapala ko dyan? Diba wala? Nagdrawing na lang ulit ako sa desk ko. Eh wala na akong ibang dala eh. Ballpen lang at yung sketchpad ko tsaka mga ibang gamit. Napatigil ako sa pag'drawing nang tawagin ulit ni Ma'am Alcantara ang pangalan ko.


"Ms. Chloe Lorraine Santiago will be our representative for the Mr. and Ms blah blah blah." –Ma'am Alcantara

Ang Babaeng BitterTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon