Chloe's POV
Nandito ako sa Gym. Nanonood ng volleyball. Wala kasing magawa eh. Hmm, Tatambay nalang muna ako dito. Teka, nasan ba yung sunglasses ko? Wait. Uhmm, Here! Maisuot nga. Hihiga nalang muna ako dito. Mukhang malinis naman. Inaantok kasi ako eh. Hindi ako masyadong nakatulog kagabi dahil sa nangyaring basta! Alam nyo na yun. Yung na'out of balance ako. Hindi ko kasi talaga makalimutan yun eh. Yan tuloy, hindi ako msyadong nakatulog. Pero yaan nyo na. Dito nalang ako matutulog. Hindi naman masyadong maingay eh.
—-
Naalimpungatan ako nang may kumuha ng sunglasses ko. Kinamot ko yung dalawa kong mata at nakita ko yung tatlong babaeng isa sa mga naglalaro ng volleyball kanina. Ano kayang ginagawa nila dito?
"Oooh! Look who's here! Chloe Lorraine Santiago. The representative for the pageant." –Girl1
"Akala mo maganda kana masyado para ikaw ang maging partner ni Prince Lance namin? Oops! You'll never make it!" –Girl2
"Huh? Ano bang pinagsasabi nyo?" –Ako
"Sus! Nagsisinungaling ka pa. Eh diba kaya ikaw ang naging partner ng Prince Lance namin kasi nagpapansin ka kay Ma'am Alcantara nung day na naghahanap sya ng representative? Wag kanang umarte pa girl! Amin lang si Lance and don't you dare take him to us!" –Girl3
"Huh? Ano ba yang pinagsasabi nyo? Ako? Magpapapansin? No way! At bakit ko naman aagawin si Lance sainyo? Eh hindi ko nga gusto yon eh. Kasi nga ayaw ko sa mga lalake!" –Ako
"Wag ka na ngang umarte na hindi mo sya gusto! Ang mahalaga eh ang maturuan ka ng leksyon!" –Girl2
"Oo nga!" –Girl3
"Girls, turuan nan g leksyon yang Chloe nayan!"sabi nung Girl1 sabay kuha ng mga bola ng volleyball at mga bag na mabibigat. Huh? Ano bang gagawin nila?
"Ha-" Hindi pa ako nakasagot eh itinapon na nila ang bola sa akin at syempre, kasi nga player sila, natamaan talaga ako kahit grabe pa yung ilag ko. Ipinalo rin nila yung mga bag sa mukha ko dahilan para hindi na ako makagalaw. Ouch. Ang sakit na ng mukha ko.
"Ah! Araay! Ano b-bang gi-ginagawa nyo s-sakin? Ouch!" –Ako
"Tinuturuan ka naming ng leksyon kasi mang'aagaw ka ng Prince Lance namin!" –Girl1
"Huh? A-aray!" –Ako
Maiyak'iyak na ako nang biglang dumating si Lance.
Lance's POV
Mamaya na yung 2nd practice namin. Bukas eh hindi naman ata kami magpapractice. Ang gagawin lang daw namin eh yung ewan ko! Ilalabas daw yung lahat ng hinanakit? Naku! Parang excited ako dyan ah. Perooo wag muna nating isipin yan. Matagal pa yan! Bukas pa. Dadaan nalang muna siguro ako sa gym saglit. Baka kasi naglalaro yun ng basketball sila Dom eh, Hindi pa naman yun nag'aaya.
—-
Saktong pagdating ko sa gym eh nakita kong pinagpapalo si Chloe ng mga bag at tinatapon rin sakanya ang mga bola ng tatlong babae. Sa pagkakaalam ko eh sila yung Cupcake Girls. Grupo na nag'aadmire sakin. Ewan ko ba! Basta! Kailangan kong puntahan si Chloe kasi Mangiyak-iyak na sya at ang rami ng Pasa sya dahil sa mga tumatama na bola sakanya. Tumakbo ako kaagad at itinaboy ko yung mga babae.
"Prince Lance! Ooh! You're here! Tinuturuan lang naming ng leksyon si Chloe kasi inaagaw ka nya samin." –Girl1
"Huh? Ano ba yang pinagsasabi nyo? Anong leksyon'leksyon? Umalis nga kayo dyan!" –Ako
"What? Kinakampihan mo na ba yang mang'aagaw nayan Prince Lance? Ganyan ba yung igaganti mo samin? Sa kabila ng mga magagandang ginawa naming sayo? Aaargh! Let's go na nga Girls!" –Girl1
Salamat naman at umalis na din yung mga impakta. Haays. Iba talaga pag gwapo!
"Ano? Okay ka lang ba Chloe?"–Ako
"O-okay? M-mukha ba akong okay? S-sa lagay kong to? Aah-aray!" –Chloe
"Hays! Ano ba kasing dahilan kung bakit ka nila ginanito?" –Ako
"B-bakit tinatanong mo pa? E-eh dahil sayo kung bakit nila ako binugbog o kung anong tawag dyan" –Chloe
"Huh?" –Ako
"S-sabi kasi nila, inaagaw daw kita sakanila. N-nagalit sila kaya ganun. At tsaka bakit naman kita aagawin?" sabi nya tapos nag'try na tumayo kaso hindi nya talaga kaya. Kaya binuhat ko na sya papuntang clinic.
"A-ano bang ginagawa mo? I-ibaba mo na nga ako! A-araay!" –Chloe
"Wag ka na ngang magsalita. Yan tuloy. Sumasakit na yung mga pasa tsaka yang sugat mo sa labi." –Ako
"O-okay. P-pero san mo ba ako dadalhin?" –Chloe
"Sa lugar na walang makakakita :D Joke lang!" –Ako
"T-teka, Ibaba mo na ako! Heeeelp! Rapiist! Heeeelp!" pagsisisigaw nya.
"Uy! Wag ka nan gang sigaw ng sigaw dyan! Titingnan na tayo ng mga schoolmates natin oh! Tignan mo, pinipicturan pa tuloy tayo. Wag ka ngang maingay jan!" –ako
"Aaaaaargh!" –Chloe
Finally! Nandito na kami sa clinic. Grabe! Ang bigat naman pala nitong si Chloe! Parang isang dosenang baboy yung nabuhat ko ah! Grabe! Nangangalay na nga yung kamay ko kanina eh. Tapos ang likot'likot pa nya. Pero yaan nyo na! Love ko naman yan eh! <3 Awtsuuu! Hahahaha.
"Uhmm, Miss! San ko po sya ibababa?" –Ako
"Dyan lang po sir! May bakanteng kama po dyan." –Babae
"Okaay! Thanks! Uhmm, oh. Dito kana ah! Sige. Alis muna ako. Pahinga ka muna dyan"Pagbibiro ko.
"T-teka! Uhmm, takot ako sa mga clinics and hospitals." Nahihiya nyang sagot.
"Hahaha. Biro lang naman yun eh. Don't worry! I'm here. ;)" –Ako
BINABASA MO ANG
Ang Babaeng Bitter
Short StoryBasta! Basahin nyo na lang kasi hindi na makapaghintay ang babaeng bitter!