𝐂𝐇𝐀𝐏𝐓𝐄𝐑 𝟏.

119 17 6
                                    

Did he just slap me?

Ilang minuto pa akong natulala bago nabalik sa ulirat ng humapdi ang pisngi ko.

"What the fvck?!"nabulalas ko sa inis.

Nagalaw ko ang panga ko sa sakit at masamang masama ang loob na nilisikan ng mata ang kaharap.

Gago ba siya?Bakit siya nanampal?!

"YOU FUCKING IDIOT TUMBOY,HOW DARE YOU--"

Bago pa nito maituloy ang sinasabi ay agad akong kumilos at mas malakas siyang sinapak kesa sa ginawa niya.

Eh gago pala ang Ssg President na ito e.Naturingang miyembro ng student council at nararapat na maging isang role model ng buong paaralan..Tapos bigla biglang mananampal sa hindi ko malamang dahilan?!

Ulol!

Hindi ito makapaniwalang tumingin sa akin at umangat ang gilid ng mga labi.

Masama itong tumingin sa akin,kaya mas sinamaan ko ito ng tingin.

Masamang masama ang loob ko,idagdag mo pa ang hapdi ng panga ko.

Huwag niya akong susubukan,pumapatol ako kahit miyembro pa siya ng student council na tangina siya.

Dinig ko ang magkabilang bulungan ng mga bubuyog..inshort chismosa at chismoso.

Hindi ko iyon pinansin at mas lalo pang nakipagtitigan ng masama sa taong nasa harapan ko.

"OMYGOD,ARE YOU OKAY KAYNE?!"

Nabaling ang tingin ko sa maarteng boses na sumulpot sa gilid ko.

Mira Girl.

Hinawakan nito ang braso ko at inabot ang pisngi kong namumula nang dahil sa sampal ng gagong Ssg President.

Pasimple akong yumuko ng halos tilayin na niya ako.

Tss,Pandak.

"Namumula ang pisngi mo,pasensya kana nadamay kapa sa gulo namin."may pag-aalala sa boses nitong wika at hinaplos ang pisngi ko kaya pasimple akong pumikit dahil sa lambot ng kamay nito.

Oh!Langit.

Ikaw ba naman ang madapuan ng malambot na kamay..Tangina lang,tinitigasan ako.

'Gago kaba Kayne,Anong titigas sayo..kahit bali-baliktarin man ang mundo walang titigas sayo.Babae ka remember'wika ng isang bahagi ng utak ko kaya wala sa oras akong napaismid at sumama ang timpla ng mukha.

Tangina talaga nitong nagsasalita sa utak ko..Nang rerealtalk amp0ta.

Nang dahil sa winika ng isang bahagi ng utak ko ay nawala ang konting tamis sa katawan kong lumitaw dahil sa paghawak ni Mira Girl.

Kahit alam kong masasaktan ang babae ay madiin kong hinawakan ang kamay nito at inalis sa pagkakahawak sa pisngi ko kaya narinig ko ang mumunting daing nito.

"Aw."

Hinarap ko ito na ngayon ay nakahawak sa kamay niyang nasaktan kahit hindi naman masyado masakit ang paghawak ko.

"Sa uulitin,matuto kang makuntento sa isang lalaki..hindi yong kung kay kani-kanino ka pumapatol..tandaan mong iisa lang ang puso mo..kung gusto mo nang dalwa dalwang minamahal magpaopera ka at magdagdag ng puso,para kasya ang dalawa,hindi yung nangloloko kana lang ng basta."malamig kong wika dito pagkatapos ay tiningnan ko naman ang lalaking sumampal sa akin bago tumalikod."Isa pa,kung alam mong lolokohin kalang din naman ng karelasyon mo,lokohin mo din para parehas na kayong mangloloko.Huwag din kayong nag-aaway sa maraming tao at nagtuturo ng isang tao..tapos bigla bigla nalang susugod ng hindi alam kung tama ba yong tinitingnan nya at sasampalin ng basta-basta.Tapos may gana pang magmura.Tss,ayusin niyo yang baluktot niyong utak kesa sa relasyon niyong sa hiwalayan lang din ang punta..wala kayo sa mga teleserye wag tanga."

Pagkatapos kong magbigay ng napakaangas kong speech ay tuluyan ko na silang tinalikuran at naglakad palapit kay Coach.

Nag-aalalang nakatingin sa akin si coach kaya nag thumbs up ako dito.

"Ayos kalang Kayne?"tanong nito.

Mayabang naman akong kunyaring nagpapogi pose at mayabang na kinindatan si Coach.

"Ayos lang Coach.Alam mo naman na kapag katulad kong pogi ang nasasaktan palaging ayos lang."wika ko at itinaas baba ang kilay"Pogi eh."

Malutong akong napahalakhak ng pabiro akong inirapan ni Coach kaya nagmukha siyang bakla.

Wag naman sana matuluyan..Gwapo din si Coach e.

Hays,Pero bakit lahat ng gwapo may boyfriend?

Buti pa ako..NJSB.

NO JOWA SINCE BIRTH.

"Kahit kailan talaga Kayne wala kang nasabing mabuti,sumasakit ang apdo ko sayo."wika nito kaya napailing-iling ako"Tumitigas din alaga ko sa bawat kilos mo,tangina."

May binulong pa ito na hindi ko na intindihan kaya ipinagkibit-balikat ko nalang.

"By the way coach,may yelo ba tayo?"tanong ko.

Nginuso nito ang isang studyante na nasa hindi kalayuan sa amin na may dalang container na may lamang yelo.

Napatango ako"Sasaglit lang ako coach tapos balik ensayo na tayo."

Tumango ito kaya agad na akong naglakad palapit sa studyante na may dalang yelo at humingi.

Niyelohan ko lang ang pisngi ko ng ilang minuto bago tumayo mula sa pagkakaupo,dahil pumito na si Coach.

"BALIK SA PWESTO."sigaw ni coach kaya tumalon talon muna ako bago tumatakbong bumalik kung saan ako nakapwesto kanina at nagstretching.

"KAYNE,SALO."umangat ang tingin ko mula sa pagkakayuko ng dahil sa hingal at napunta ang tingin ko kay Coach na sumigaw at naghagis ng bola,agad ko naman itong sinalo bago ngumiti.

"It's showtime."wika ko bago nagsimulang mag-ensayo.

HINIHINGAL kaming lahat na napaupo sa kanya kanyang kinatatayuan ng dahil sa pagod sa practice.Kakatapos lang namin at inabot na kami ng ilang oras bago natapos.

"Ah tangina,daig kopa nagpabugbog kay mama nito."dinig kong wika ni Piller na isa sa mga kateam ko.

Napailing iling ako sa sinabi nito bago nagpakawala ng malalim na buntong hininga.

Abnormal talaga ang isang ito,pati mama niya dinamay sa kalokohan.

"Ako nga daig ko pa ang hindi kumain ng isang taon dahil sa pagod..nakakagutom"wika naman ni Kito na isa pang baliw na patay gutom.

Basta usapang pagkain nangunguna yan e.Basta pagkain,hindi yan uurong e.Matakaw ang gago.

"Ako nga daig pa ang sumabak sa bakbakan sa kama ng dahil sa pagod--ARAY TANGINA BAKIT KAYO NAMBABATO?!"at ito nanaman po tayo sa babaerong fuckboy na si Limbol.

Gago din ang isang to e,ke bata bata pa madami nang naikama ang gago.

Motto pa niya 'Sex only,not relationship.'

Oh diba?napakawalang kwenta ng motto niya.

Kung hindi lang magaling sa resback ang gago matagal ko na iyan inalis sa grupo eh.

Manyakol!Bulakbol na mukhang Tubol.

"Manahimik nga kayo.Halina't kumain dahil may laban pa tayo mamaya."nabuburyo kong wika bago naunang tumayo at naglakad palapit sa bag ko at sinakbat ito.

Nagsunuran din naman ang mga ito at sabay sabay kaming umalis ng Court.

_END O CHAPTER 1.

A/N:Namiss niyo ba sila?Lalo na ang ating maganda--este gwapong bida na si Ayen Joshia kayne ace makxe?Ano pang hinihintay niyo i-add to reading list niyo ng muli ito kasi sisikapin kong matapos na ang storya kong ito.Sana subaybayan niyo and more reader's to come loveyouuu ashee's mwaps!

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Aug 17, 2023 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

𝐓𝐡𝐞 𝐒𝐬𝐠 𝐏𝐫𝐞𝐬𝐢𝐝𝐞𝐧𝐭 𝐀𝐜𝐜𝐢𝐝𝐞𝐧𝐭𝐚𝐥𝐥𝐲 𝐒𝐥𝐚𝐩 𝐦𝐞Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon