Journey 5 ♡

9.8K 144 2
                                    

Journey 5 ♡

Ang mainit na panahon at ang mga usok na galing sa mga sasakyan ang agad na nabungaran ni Lelouch pagkalabas nya ng Airport.

Andito na sya ngayon sa Pilipinas.

Naka'polo sya asul at Kupasing pantalon lamang sya. Simple pero nagpadagdag sa kagwapuhan nya. Naka-aviators din sya. Nasa gilid nya ang travelling bag nya.

Agad syang pumara ng taxi at sumakay. Pinahid nya ng kanyang panyo ang pawis sa kanyang leeg at iilang pawis sa kanyang noo.

Sa limang taong paninirahan sa Amerika eh hindi na sya sanay sa klima sa Pilipinas kaya agad syang pinagpawisan.

"Sir, saan ho tayo?"
Tanong ng driver sa kanya. Sinabe nya ang address ng bahay nila.

Habang nasa byahe eh, pinagmamasdan nya ang mga dinadaanan nila.

Wala pa rin namang nagbago.

Mausok at maalinsangan pa rin.
Bigla ay nakaramdam sya ng pagkamiss sa bansang kanyang sinilangan.

Namiss nya ang mausok at maalinsangang lungsod ng Maynila. Isama mo na ang ingay ng mga sasakyan.

Bumilis ang pintig ng puso nya ng madaanan nila ang Condominium Tower ng date nyang Condo unit. Pinagmasdan nya ang Building. Wala pa ding pinagbago.

Bigla eh samo't saring alala ang bumalik sa kanyang isipan.

Naitanong nya din sa sarili kung kamusta na ba si Euphemia?

Doon pa kaya nakatira iyon sa kanyang condo unit?

Naipilig nya ang kanyang ulo. No! Hindi nya dapat isipin ang babaeng iyon. Ang babaeng dahilan ng pagkawasak nya at ng puso nya. Ang babaeng minahal nya ngunit sinaktan lamang sya.

"Manong dito na lang ho."
Sabe nya sa taxi driver nang makarating na sila sa tapat ng Mansion nila.

Binigay nya ang bayad dito at bumaba na.

Pinagmasdan nya ang Mansion.

"It's good to be back, Lelouch."
Naibulong nya sa kanyang sarili.

Hila hila ang travelling bag na lumakad sya palapit sa mataas nilang gate at nag door bell. Agad naman syang pinagbuksan ng gate ng guard.

Gulat pa nga ito ng makita sya.

"Sir. Lelouch!"
Gulat na sambit nito. Itinaas nya ang kanyang aviators at nakangiting pinagmasdan ang guard.

"Hi! I'm back. Andito ba sila Mom and Dad?"
He ask. Nataranta naman ang guard at agad syang pinapasok. Kinuha din nito ang travelling bag na dala dala.

"Ah oho Sir. Nako! Siguradong masusurpresa ang Don at Donya kapag nakita kayo. Aba'y miss na miss na kayo ng mga magulang nyo ho Sir!"
Masayang turan nito sa kanya.

He just smiled at naglakad na sila patungo sa loob ng Mansion.

Pagpasok nya eh agad nyang nabungaran ang Ama na pababa sa matayog nilang hagdan.

"Dad!"
Pukaw nya sa atensyon nito.

Napatingin ito sa kanya. At agad namilog ang mga mata nito ng makita sya.

"Son!"
Dali dali itong bumaba at sinalubong sya.

"Hi Dad! I'm back! Where's Mom?"
Nakangiting tanong nya rito. Nag manly hug sila ng Daddy nya.

"Nasa kusina. Wait I'll call your Mom!"
Akmang sisigaw na ang daddy nya ng pigilan nya ito.

"No Dad! I'll surprise her."
Nakangisi nyang sabe rito.

TFM 2: A Journey to a Happy EndingTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon