Late Update :D Forgive me. Please?
***
PART II ❤
***
“Daniel, ito na yung coffee mo..” sabi ni Manong. nagstop muna kami sa Starbucks para bilhan ng kape si Daniel.
Inabot ni Daniel yung kape at ininom niya.
I wiped my eyes.
Nakaupo ako sa likod ng van at si Daniel ay nasa unahan.
Nagsimula na magdrive ulit si Manong.
I looked at Daniel in disgust.
Bakit ba kasi niya yun ginawa?
“Daniel, bestfriend kita, wifey kita, kapatid kita at first love kita.. Why did you do that?” I whispered.
Aaminin ko, mahal na mahal ko si Daniel. I'm scared that he won't love me back. Pagsinasabihan niya ako ng ‘I love you, Wifey’, I just say ‘Ok’ kasi takot ako baka masabi ko “I'm inlove with you..”.
Yung ginawa niya kanina? That was the effect of alcohol, nothing more.
Abnormal yung nakipag-inuman sa kanya!
Ako pa tuloy napagtripan.
“Magpapagas muna tayo ah..” sabi ni Manong “May bibilhin lang ako diyan sa store nila..”
I nodded.
Bumaba na si Manong at naiwan kami ni Daniel.
Awkward silence.
“Wifey ko?” sabi ni Daniel.
Sumilip ako sa gilid ng chair sa upuan ko, nakita ko si Daniel wala na yung lasing look, matino na naman siya.
“Nandiyan ka lang pala..” sabi niya at umupo sa tabi ko.
Umiiling lang ako.
“Oh, ba't ka tahimik ngayon, Wifey?“ biro niya.
Humarap ako sa kanya.
“Ikaw ang rason Daniel..” sabi ko.
“Bakit?” tanong niya.
“Daniel, hinalikan mo ako.. You forced me..” I pointed out.
“Kailan?” sabi niya.
“Kanina.. Sa library..” I told him.
Kinuwento ko sa kanya lahat.
Tiningnan niya lang ako.
Slowly he leaned towards me and wrapped his arms around me.
Nabigla ako.
“I'm so sorry Kath..” he whispered “para sa lahat..”
Binaon niya yung ulo niya sa shoulder ko.
“It's okay..” I said.
There's no use naman magalit diba?
Nangyari na ang nangyari.
Besides nakainom siya nun.
Hinaplos ko yung likod niya.
Tumigil siya pagyakap at umupo ng maayos.
“Pero Daniel..” I mumbled.
“Ano Wifey?” sabi ni Daniel.
“Yung.. Yung mga sinabi mo..” I trailed off.
“Yung mahal kita?” sabi niya.
I nodded.
“Totoo yun..” sabi niya at tumingin sa kabilang side.
“Alam ko naman eh, as friend..” sabi ko.
“Hindi.” sabi ni Daniel.
“Ha?” sabi ko.
Hinawakan niya ang dalawa kong kamay at tumingin sa mata ko.
ANO BA YAN. KATUNAW NAMAN MAKATINGIN TO.
“Kath..” sabi niya “Kahit nung grade six pa tayo mahal na mahal na kita... Akala ko puppy love lang.. Pero ang dami na natin pinagdaanan.. Nung nagkafirst period ka, ako yung bumili ng pad mo.. Pag may kaaway ako, nandyan ka lagi... Kahit nung madami kang pimples, binibilihan kita ng Cetaphil.. Pag nakikipagbreak ako ikaw ang nagsosorry para sa akin.. I could go on and on..”
Tumingin lang ako sa kanya.
“I just want to say, Kath.. Will you be my girlfriend?” sabi niya.
Ngumiti ako.
Matagal ko nang hinintay to.
Bigla ko siyang niyakap.
“YES!”
~THE END~