This story is purely fictional any name or place that will be mentioned is only coincidential. This is a One shot story.
And the story begins.
Have you experience falling in love?
If so, makakarelate kayo.
I'm an average girl, hindi ako ganon kayaman,
Hindi ako ganon kaganda,
Hindi ako ganon katalino,
Pero may isa akong bagay na maipagmamalaki,
Maganda ang boses ko, hell! Sino bang niloloko ko?
Walang bagay ang kakaiba sa'kin,
Siguro sapat na na mahal ako ng mga taong nakapalibot sa'kin.
Tama, 'yon nalang. Mahal nila 'ko 'yon ang katangi-tanging bagay na maipagmamalaki ko.
Hay~
Pero sa buhay nang tao para tayong mga kwento sa mga libro,
Maaring simpleng narration na may happy ending,
Maaring pinuputakte ng napakaraming problema pero may napakaganda at napakasayang katapusan,
Meron ding habang buhay nang naghihirap at ang dulo ay puno pa rin ng paghihinagpis,
At ang huli ay ang kwentong nais ng lahat, masayang tagpo, masayang eksena at hanggang matapos ay masaya pa rin.
Bakit ka niyo? Sino bang hindi magnanais ng maligayang pamumuhay? Hindi bat lahat?
Oh ano mga pare? Okay na ba 'tong intro ko? Nosebleed na. Makatang makata!
Maiba tayo ako nga pala si,
"Jamie! Dalian mo! Andito na ang papa mo!" Ay si lola, andyan na daw si papa!
"Wait lang lola! Pagorabels na!" Sigaw ko.
Well yeah guys I'm Jamie Clemente, 18 years old, living in Lolomo Village, mabuhay!
Feel na feel ko 'yung pagpapanggap kong Miss Universe e. Minsan lang 'to Pagpasensiyahan na.
"Papa! I miss you! Pasalubong!" Sigaw ko habang tumatakbo papunta sa napakapogi at napakabango kong ama.
"Oo eto na nak." Nilatag niya ang naglalakihang maleta, kahon at naglabas ng mga pasalubong.
"Nay, nak, baba lang ako kila pareng Kyle. Magkakamustahan lang kami." Paalam ni papa kay lola, ay pati sa'kin din ba?
Sarrey~ nagcecellphone kasi ako, katext ko 'yung pinsan kong unggoy sa baba. Sorry Loonie, ang baduy ba ng pangalan? Haha. Lalaking lalaki nga e.
[From: Insan Magdalena
(Haha. 'yan pangalan niya sa phone ko.)
Andito si papa mo! Kumakain kami dito, baba mo daw yung mga dala niyang toma.]Utusan daw ba 'ko!
[To: Insan Magdalena
K.]Ayos ba? Ganyan talaga kami magmahalan.
Bumaba ako kahit na boxers lang at manipis na sando ang suot ko, aber siyempre may bra ako no.
"Papa oh." Abot ko sa kanya ng 2 box ng 'Jack Daniels'
"Salamat anak. Makiupo ka muna." Sabi ni papa, habang tinatapik 'yung espasyo sa tabi niya. Naka naman 'espasyo', pinaghirapan ko 'yon.
"Ayaw ko, hindi maganda ang simoy ng hangin!" Pagsusuplada ko.
BINABASA MO ANG
I'm Already His
Short StoryNaniniwala ba kayo sa soul mate? Hindi? Ako din e. Pero sa 'di inaasahang pagkakataon, nandito ako. Naniniwalang itong unggoy na nasa harap ko, ay ang soul mate ko.