TPWUTL IV

4 1 0
                                    


"Bakit ka sa labas natulog?" Tanong ni Nani Alli.

"Sarado na ho kasi ang ampunan."

"Saan ka nang galing?" Muling tanong ni Nani.

"Na curious ho kasi ako, may narinig akong sumigaw sa labas ng ampunan kaya lumabas ako." Pagsisinungaling ko.

"Alam mo Nikay, pag nalaman ko lng na pumunta ka sa kubo kagabi, malalagot ka sa'kin." Striktang tugon nya saakin. "Mag-ayos kana dahil mag eenroll na kayo sa bago nyong school."

Nagtungo ako sa kwarto namin ni Patricia upang ihanda na ang aking susuotin. Pagpasok ko ay bumungad saakin si Patricia na handa ng umalis.

"Bilisan mo maligo, hinanda ko na ang susuotin mo." Sambit saakin ni Patricia.

Nag hihintay na kami ng masasakyan nila Nani Alli at Patricia, dahil masakit ang tirik ng araw. Suot ko ngayon ang dress na niregalo saakin ni manang Meren noong ika pito Kong kaarawan. Kulay light pink ito, long bohemian dress daw ang tawag dito. Pinarahan ni Nani Alli ang tricycle na papalapit saamin at sumakay na kami dito.

Nandito kami ni Patricia sa labas ng principal office, dahil si Nani na ang nag aasikaso ng aming mga papeles.

"Bagong paaralan, bagong buhay." Saad ni Patricia.

"Sa tingin mo Patricia, magiging maganda ba ang Unang araw natin dito?" Tanong ko.

"Siguro, pero hindi natin haha yaan na may mangaapi saatin." Sambit nya habang nanlilisik ang mga mata."Kung hindi nila tayo pakikisamahan ay malalagot sila saakin."

"Parang hindi ka nmn iyakin Patricia."

"Manahimik ka Nikay ah. Praktisan mo kaya na mag ate saakin."

"Ate Patricia." Nakangiti Kong saad. "Ganyan ba? Iww yucky it's so dirti." Binigyan ko sya ng nakakadiring tingin.

"Chee, Manahimik ka nlng diyan Nikay."

Hindi nag tagal ay lumabas na si Nani sa opisina kaya nag umpisa na kaming maglakad palabas ng hallway, may mga study ante na nakatingin saamin.

"Pwede na daw katong pumasok sa lunes."

"Ang bilis naman yata Nani."

"Matataas naman ang inyong mga grado kaya pwede na kayong pumasok sa lunes."

Napa apir kami ni Patricia sa isa't isa, hindi na namin kailangan maghintay ng matagal para mag simula ulit mag aral sa bagong paaralan.

Umuwi na agad kami dahil marami pang gagawin si Nani, pagdating namin sa ampunan ay naramdaman kong niyakap ako ng hangin. Ikaw ba yan manang? Tanong ko sa aking sarili, napangiti nalang ako ng mapait at nagpatuloy nang pumasok sa loob.

Dumiretsyo ako sa kwarto namin ni Patr...ate Patricia upang magbihis ng damit. Nagsuot na ako ng pangtulog upang hindi na'ko magbihis mamaya.
Napatingin ako sa pintuan ng may kumatok dito.

"Sino iyan?" tanong ko ngunit walang sumasagot. "Sinabi nang sino iy-." napahinto ako ng bumungad sa aking harapan si Jay. "Anong gina-" tinakpan niya ang aking bibig.

"Shhhhh." binitawan niya ang zking bibig at nagtago sa ilalim ng kama ko.

"Nikay, buksan mo ang pinto." nagulat ako sa boses ni Nani Alli.

Bago ko buksan ang pintuan ay tiningnan ko muna si Jay sa ilalim ng higaan namin.

"Nani."

"Nakita mo ba si Jay?"

You've reached the end of published parts.

⏰ Last updated: Feb 26, 2023 ⏰

Add this story to your Library to get notified about new parts!

The Place We Used To Love (On-going) Where stories live. Discover now