05

80 11 2
                                    

"Huh? Sinong Aya?" Curious na tanong ni Floryn. "Walang Aya rito Clark!"

"A-ah s-siya," sambit ni Rye at tinuro ako. 'Tong lalaking 'to! Straight to the point ampota!

I bit my lower lip to press my nervousness. Alam naman nila Kia ang pangalan ko pero Cali kasi ang sinabi kong itawag nila sa'kin. Hindi rin naman nila naisip na tawagin akong Aya!

I swallowed the lumped on my throat when they all looked at me, confused.

"Aya, huh?" Kia said sarcastically. Tinaasan niya rin ako ng kilay.

"Magkakilala kayo?" Floryn asked. Tinignan niya ulit si Rye at bumalik ang tingin niya sa'kin, naningkit ang mata na para bang may krimen akong ginawa!

"Y-yes," I said nervously.

Nakita ko ang mga ngisi ng mga kaibigan ni Rye. Mukhang nang-aasar.

"So, are you friend with Floryn pala?" Rye asked.

"Obvious ba Clark?" Sambit naman ni Floryn. Natawa na ng tuluyan ang dalawang kaibigan ni Rye.

Tinguan ko lang si Rye dahil hinihintay niya pa rin ang sagot ko.

Bumaling ako kay Kia na naka nuot na ang noo.

"Hi Aya!" Biglaang tawag sa'kin no'ng Troy. Nakaka inis! Di naman kami close!

"Don't call her in that name, Troy!" Saway ni Rye. Mukhang naiinis na.

Tinawanan siya ni Troy at nagtaas ng dalawang kamay bilang pagsuko.

Umalis sila para kumuha ng pagkain na kakainin nila.

Nang umalis sila ay agad akong tinignan ng dalawa kong kaibigan. Hindi pa sila tapos!

"Ayaw mo sa reto kasi gusto mo ikaw mismo maghahanap ha!" Akusa sa'kin ni Floryn.

"We're not in the relationship!" Inis na sabi ko sakaniya. E wala nga kaming gusto sa isa't isa ni Rye!

"Wala pang sinasabi si Floryn na magshota kayo ni Rye, Cali." Sabat naman nitong si Kia. Ako ang kakampi nito kanina! "Defensive huh?" Sarkatisko niya pang sabi.

"Tama!" Floryn said while laughing.

Nanahimik sila nang makitang palapit na sa table namin sina Rye.

Umupo sila ulit sa puwesto nila kanina. Hotdog at kwek-kwek lang ang binili ni Rye. Nahiya naman sa pagkain ko! Ang dami ng kinuha ko di naman ako sure kung mauubos ko pa! Nawalan din ako ng gana dahil kay Floryn at Kia!

Kumain sila ng tahimik. Di na 'ko kumakain dahil busog na 'ko. Baka bigla pa 'kong umutot dito edi ma turn off silang lahat sa'kin niyan!

Kinuha ko na lang cellphone ko at nag scroll sa Facebook.

"Di ka kakain?"

Agad akong nag angat ng tingin kay Rye nang magsalita siya.

"Wow! Concern yarn?" Pang-aasar naman ni Floryn.

Hindi na ulit siya nagsalita. Binalik ko ang tingin sa cellphone at nag scroll ulit. Nagulat pa 'ko ng magnotif ang messenger ko.

Luke Combs:
San ka?

Ayan na naman siya!
Hindi ko na lang 'to pinansin at tinago ulit ang phone sa bag. 3 weeks na kaming hindi nag uusap. Kahit sabihan niya 'kong ghoster, wala akong pakialam!

Nilabas ko na lang ang reviewers ko. Alangan naman kasi tignan ko silang kumakain, awkward kaya 'yon!

"Shit!"

Napatingin kaming lahat kay Floryn dahil sa biglaang pagsigaw niya.

"Bakit?" Nagtanong 'yung Ken, isa pang kaibigan nila Troy.

 Love of Tomorrow Where stories live. Discover now