Prologue
My life is so much easier before.
Lahat siguro hahangarin ang buhay ko ngayon pero ako kung may pagkakataon hindi ito ang pipiliin ko.
Pano ba ko mabubuhay sa isang bahay na ubod ng laki? Hindi na nga halos nagkakakitaan ang mga tao dito.
Hindi ba dapat masaya ako sa buhay ko ngayon? Lahat nakukuha ko. Lahat ng gusto ko nabibigay sakin pero may kulang.
**Flashback
Nasan ba ako?
Ang huli ko lang na natandaan ay malapit na kong mabangga ng isang sports car.
Natuluyan na ba ako?
“Iha, you’re awake, thank god.” Sabi ng isang ginang sakin na nasa late 40s na siguro. Pero bakit wala sila Nanay dito?
“Sino po kayo?” tanong ko naman sa mga tao sa paligid ko.
Oo mga tao
Ang dami kaya nila.
May isang lalaki na nasa 50 years old na tapos may mga teenager tapos may mga nasa late 20s.
May nasa 80s pa nga eh.
“Kami ang pamilya mo.” Sagot ng ginang na kaninang nagsalita.
“Po??? Kayo po yata ang nabangga eh. May pamilya po ako.” Naguguluhang sabi ko.
“Yes, we’re your family. Its a long story.” Sabi naman nung lalaking nasa 50s.
“You got to be kidding me.”
Ako, pamilya nito, no.
Biglang bumukas ang pinto at iniluwa niyon si Nanay.
“Nay, ano to? Bakit nla sinasabing pamilya ko daw sila?” yes i am so freaking out.
“Anak, totoo yun. Di ba nakwento ko na sayo ang lahat?” sabi ni Nanay.
Oo kaya nga ako nabangga dahil sa sakit ng loob ko noon.
Napulot lang ako ni Nanay pero higit pa sa tunay na anak kung ituring nya ako.
“Nay, so sila nga ang pamilyang nagpabaya sakin?” sabi ko habang umiiyak.
Oo nagpabaya dahil nung napulot ako ni Nanay ay isang batang paslit lang ako at halos walang buhay.
“Serendipity, we didn’t let you go. Nakidnap ka and hindi ka namin nakuha kaya itinapon ka daw ng mga kidnapers mo sa may tagong lugar.” Sabi nung matandang babae na nasa 80s na.
“Sinong Serendipity? Tsaka kung ganun man, pinabayaan nyo nga ako dahil una sa lahat hindi nyo nga ao nakuha sa mga kidnapers eh. Then second hindi nyo man lang ako hinanap.” Siguro nga sila nga ang pamilya ko dahil ramdam ko ang sakit at lukso ng dugo. Pero para sakin mas matimbang pa din si Nanay.
“Ikaw si Serendipity. Seredipity Eunice Marquez.” Sabi ng isang lalaking nasa early 20s.
Sino naman kali yun.
“Okay sige fine. Pero pano nyo naman nasabi na ako ang Serendipity na yan?”
“we already conduct a DNA testing while you’re on coma.” Sabi ng ginang.
“ok. If i am being rude, forgive me. Hindi ko lang talaga tanggap na kailangan magka ganto.
**End of Flashback
Ganun na nga ang nangyari at saka dinala nila ako dito sa Mansion.
Si Nanay naman naiwan sa probinsya.
Matalino naman ako kaya hindi nila ako maaalila dito. Scholar yata ako dati sa probinsya.
Ilang linggo na din naman ako dito pero buhat ng dumating ako dito ni hindi ko pa sila nakakausap ng matino. Laging nagmamadali. Parang hindi ako nag eexist.
Pano ba ko mabubuhay dito?
Pano ko mapapalapit sa kanila?
Pano ko masasabing...
Blood is thicker than water
When all i feel is
Water is thicker that blood.