Sulat Sa Locker Ko [One-shot]

1.1K 30 19
                                    

A:N: Please read my first one-shot story.

READ,COMMENT AND FOLLOW ME.

Sulat Sa Locker Ko

(c) RainLoveGirL

***

"Mika...Mika...Mika Angela Dela Rosa ! Gising na! 'No ba yan! Bumangon ka na!" rinig kong sigaw ng BFF kong si Kathy. Teka, anong oras pa naman, e! Medyo KJ po tayo, e, no? Natatakot kasi siyang malate.Tss, porket Perfect Attendance, e, kinacareer lang, bes?

"Mamaya na," sabi ko habang nakapikit ang mga mata ko."Mika ayaw kong malate kaya bilisan mo na diyan!" sabi niya saka ako hinampas ng unan. Aray ko po naman!

"Aray naman, 'teh! Babangon na po!" sigaw ko saka minulat ang mga mata ko. Hinagis ko sa kanya ang unan. Sapol!

Si Kathy kasi ay matalino, maganda at sikat sa school. Marami siyang admirer. Samantalang ako, simple girl with big dreams. Chos! Ako ay isang dakilang Bookworm. Hindi naman ako nerd; I just love books!

"Mika Angela Dela Rosa! 4th year high school ka na pero mukha kang bata kumilos!" sigaw ni Kathy ulit. Teka, inunahan ako sa introduction! Akin 'yan e! Huhuness! "Tss. Opo, inay," sabi ko saka tumawa

Pagdating namin sa school, iniba ni Ms. Rodriquez ang seat plan namin. Ginagawa niya ito every grading. Daming arte, 'no? Hindi nakuntento sa seating arrangement namin.

Ang malas ko naman. Doon pa ako ipinuwesto ni Ma'am sa gilid ng table niya. Makikita niya lahat na ginagawa ko. Mahilig pa naman akong matulog sa klase. Paano na ako makatulog nito? Paano? Whaaa!!

Maraming vacant seats. Isa sa mga seats na to uupo si si Daniel. Ay nakalimutan ko pala. Si Daniel ang ultimate crush ko na pogi na kinababaliwan ko. Sino pa kaya ang hindi magkakagusto sa kanya.Gwapo, matalino at Basketball team captain. Oh neseye ne eng lehet!

"Sabihin niyo kay Mr. Dela Cruz na uupo siya sa tabi ni Ms. Dela Rosa.Wala siya ngayon dahil may pinuntahan siya."

Pagkatapos ng lunch break pumunta ako sa library. Ang aking paraiso! Kung saan makikita ang mga libro plus may aircon pa. Whaaaa! Ang sarap talaga ng buhay 'pag nasa paraiso ka ng mga libro.

Pagdating ko sa library agad akong umupo sa harap ng aircon at magbasa ng libro. Sana ganito na lang ang buhay ko. Nakaharap sa aircon at nagbabasa ng libro.No buts, no cuts, no coconuts. K, corny.

Habang nagbabasa ako may pumunta sa harapan ko. Ewan ko ba kung sino. Di ko naman tinitignan. Busy ako, 'teh!

"Mika, sa tabi mo daw ako uupo sabi ni Ma'am mamaya?" sabi niya.

Whaaaaa! Omooo! Ang ganda na ng part na ito. Nagconfess na si boy kay girl. Whaaa!! Kilig overload!

"Mika, sa tabi mo ako uupo mamaya sabi ni Ma'am". Teka, paulit-ulit po tayo.

Ohmegash! Gusto rin ni girl si boy! Whaaaa!!! So kyut! I love this story! Nakakakilig!

"Mika sa tabi mo---"

Hindi niya natapos ang sinabi niya. Galit na galit na ako ha! Unli lang, 'teh? Nakikita niya na nga bumabasa ang human dito! Sa maganda part na ako ng story! Megash! Highblood 'to! Kainis eh! Grrr!

"Ano ba! Nakikita mo na nga na nagbabasa ako! Di naman po halata,'di ba? Wala ka bang mata? Nasa special chapter na ako! Istorbo ka, 'teh! " sigaw ko sa kanya. Napahiya ko yata siya. Okay, never mind!

Dismissal na kaya sabay kaming tatlo na umuwi ng bahay. Habang naglalakad kami papuntang bahay dahil malapit lang ang bahay namin sa school, nagkwentuhan kami except kay Brandon. Si Brandon ay kababata rin namin.

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Apr 23, 2015 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

Sulat Sa Locker Ko [One-shot]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon