Mike’s POV
“Ang sarap sarap talaga ng pansit nila Aling Jovi kaya lang bitin isang order lang kasi tapos tatlo kaming naghati!” pagpaparinig ko kina mommy kasi naman alam naman nilang favorite ko ang pansit isang order lang ang binili tapos naghati hati pa kaming magkakapatid. Haay… palpak naman ang pagpaparinig ko kasi dedma lang si mommy.
“Ang sarap ng pansit! Kaya lang di pa din ako busog :(” ok sent to all :)
Maya maya lang … “uy 1 message received!” binuksan ko yung message at nakita kong galing pala sakanya. Sobra akong na excite na basahin yung text message niya kasi mahigit isang linggo na kaming hindi nakakapagtext. Alam ko naman na may kasalanan din naman ako kung bakit hindi kami nakakapagtext.
“Takaw. Kaya mataba e.” grabe talaga tong taong to antagal na nga naming hindi nagkakatext tapos yan pa ang text niya saken :(
By the way, my name is Mike. You might think I’m a boy but you’re WRONG dahil isa po akong babae. That’s right! Tama po ang nabasa niyo!!! Isa po akong girl! G-I-R-L! My real name is Michaella Reyes but I prefer being called Mike. Tapos siya naman si Brian Audrey Santos. His nickname is Audrey and I like calling him that especially when my mom asks kung sino ang kausap ko sa phone or ka text ko tapos siya nga yun then I’ll simply say “Si Audrey po.” My mom thinks he was a girl and that makes me happy kasi ligtas na ako haha. Bawal kasi akong makipag usap or text sa mga boys lalo na kung di kilala ni mommy.
So balik na tayo dun sa kanina. Nireplyan ko siya ng “Ang sama mo :(”
Mabilis naman siyang nakapagreply. Aba himala ang bilis bilis niyang nagrereply ngayon ah. Namiss siguro ako neto. Hahaha. Syempre nagfi feeling lang naman ako eh malay niyo nga naman :) Saka hindi naman masamang magfeeling lalo na’t sa sarili ko lang naman sinasabi.
“Pero kailangan talaga ako lagi umapproach para makapagtext tayo? Di mo man lang ako namiss :(”
Pagkatapos kong basahin yung text niya grabe na lang yung lapad ng ngiti ko abot sa magkabila kong tenga! Sabi ko na nga ba namiss ako nito eh :”>
“Anong ikaw? Hindi kaya. Ako kaya.” – ako
“Eh ako kaya laging unang nagtetext sayo” – siya
“Ako kaya” – ako
“Kanina? Sinong unang nag approach? Sige nga. Ikaw ba?” – siya
“Kanina lang” - ako
“Sa tingin mo? Nung isang araw nga tinext kita nagpanggap lang ako na na-wrong send. Di ka man lang… hmp! :(” - siya
Nung isang araw? Teka nagtext ba siya? Ay oo nagtext nga pala siya nung isang araw. Sabi niya “uy musta?” kaso dahil nga nagtatampo pa din ako dahil nagtalo kami nung isang lingo di ko siya nireplyan. Pagkatapos ng ilang minuto may nagtext sakin. Siya. “Ay sorry wrong send” Bigla naman akong natawa dahil sa nabasa ko saba’y sabi sa sarili ko ng “Sinong niloko mo! Eh hindi naman tayo magkatext eh pano ka ma-ro wrong send sakin? Haay…” So ayun pala yung tinutukoy niya sa text niya.
“Magrereply na sana ako kaso sabi mo wrong send kaya di na ako nagtext. Sorry” – ako
“Haha. I got you again gullible fat nerd:) but that fat nerd is my special friend” – siya

BINABASA MO ANG
"What Happens Next?"
Любовные романыPaano kung mahal ka ng taong mahal mo? Happy ever after na ba?