WHN Chapter 4 - Unsaid

23 3 5
                                    

Mike’s POV

Haaay kung alam niya lang … Siya lang naman ang gusto ko noon pa. Mula pa nung thanksgiving ni ma’am.

Matapos niya akong iwasan ngayong kakausapin niya ako isisingit niya palagi si Cha-Cha.

Ilang linggo niya na rin akong inaasar kay Cha-Cha.

Hindi niya ba alam na nasasaktan ako? Pinipilit niyang si Cha-Cha ang gusto ko samantalang yung puso ko kulang na lang sumabog dahil nag o-overload na sa kakasigaw na siya ang laman nito.

Nagpatuloy ang scenario naming ganun hanggang sa graduation ko.

Sa loob ng ilang linggo nag isip isip ako kung aamin ba ako sa kanya o hindi hanggang sa napagdesisyonan kong sasabihin ko na sakanya ang totoo kong nararamdaman pagkatapos ng graduation ceremony.

Halo-halong emosyon ang nararamdaman ko habang ginaganap ang graduation namin pero kaba ang pinaka nangingibabaw. Aba first time ko atang gagawin ‘to.

Basta bahala na mamaya.

Audrey’s POV

Graduation na niya ngayon at malamang Malabo ng magkita pa kami ulit dahil sa Manila siya magka-college kaya naman sasabihin ko na sa kanya ang mga bagay na matagal kong kinimkim at dapat dati ko pa sinabi.

Mamaya pagkatapos ng graduation nila aamin na ako.

Itetext ko na siya na magkita kami sa may bench na lagi naming pinupwestuhan.

Mike’s POV

Malapit ng matapos, itetext ko na siya na magkita kami sa may bench na lagi naming pinupwestuhan.

Nagulat naman ako ng makita ko na may text na galing sa kanya at parehong pareho kami ng message na sinend sa isa’t isa.

Lalo tuloy akong kinakabahan.

“Once again congratulations to our dear graduates batch 2012!!!” pagkasabing pagkasabi ng emcee nun lalong lumakas ang kabog ng dibdib ko pero desidido na ako.

Nagpaalam ako kina mommy at daddy na susunod na lang ako sa restaurant dahil may kailangan akong kausapin.

Buti na lang at pumayag sila ng hindi na nagtatanong.

Habang papalapit na ako sa lugar na pinag usapan namin unti unti kong kinakalma ang sarili ko.

Bago pa ako dumating nakita ko na na nandun na siya.

Napahinto ako sa paglakad.

Huminga ako ng malalim ng tatlong beses at nagpatuloy sa paglakad.

Pagdating na pagdating ko sinimulan ko na agad dahil baka umatras pa ang dila ko.

“Ilang ulit mo ng sinasabi na gusto ko si Cha-Cha. Sabi mo pa si Cha-Cha ang mahal ko. Eh sira ka pala eh! Di mo ba alam na simula pa nung thanksgiving wala ng ibang laman ang puso ko kundi ikaw lang?! Di ko nga alam kung talaga bang hindi obvious o sadyang manhid ka lang?!”

Habang nagsasalita ako di ko na napigilan ang pag agos ng luha ko. Siya naman hindi umiimik at mukang gulat na gulat sa mga pinagsasabi ko.

“Hindi mo ba alam na sa bawat pang aasar mo sakin kay Cha-Cha ay para bang ipinamumuka mo sakin na hindi mo talaga ako gusto kaya sa ibang tao mo binabaling?! Antagal ko ding tiniis at itinago ang nararamdaman ko kasi syempre babae ako alangan namang ako pa ang umamin at manligaw sayo?! At dahil mukang wala na ngang pag-asa at parang naghihintay ako sa wala eto ako ngayon sinasabi sayo na ikaw lang ang mahal ko at wala ng iba!!!”

Hindi man lang siya magsalita kahit isang salita man lang parang wala talaga siyang pakialam.

“Mahal mo din ba ako?!”

Hindi siya sumagot. Ang sakit!! Ang sakit sakit!!! Para akong sinasaksak ng paulit ulit.

At dahil hindi nga siya sumagot nagsimula na akong tumakbo papalabas ng school pero hinabol niya ako at naubatan niya ako. Hinawakan niya ang aking kamay.

“Bakit?” tanong ko sa kanya

“Isang taong isang sagot. Mahal mo din ba ako?”

Nadurog ang puso ko dahil sa hindi niya pagsagot.

Muli akong tumakbo at bigla akong nabingi sa napakalakas na busina at sa pagsigaw ni Audrey ng pangalan ko habang nasisilaw ako sa ilaw ng paparating na sasakyan.

What happens next is currently unknown to me.

Audrey’s POV

Nandito ako ngayon sa isang room sa ospital kung san naka confine si Mike. Hindi pa siya gumigising.

“Mike, sana mapatawad mo ako. Hindi ko man lang nasabi sa’yo kung gaano kita kamahal. Isa akong duwag na pinili ang masaktan ka para lang mailigtas ka. Kung alam mo lang na gustong gusto kong sumigaw at ipagsigawan sa lahat na mahal na mahal kita pero hindi ko nagawa dahil napangunahan ako ng takot. Magpagaling ka ha. Sana kahit hindi mo ako narinig kahit papaano nagawa kong iparamdam sayo na mahal na mahal na mahal na mahal kita.”

Pagkatapos kong sabihin yun biglang may bumagsak na luha mula sa mata ko.

Maya maya nadinig kong bumukas ang pinto at pumasok na ang mga magulang, kamag anak at kaibigan ni Mike na lahat tumagos sa akin.

Mike’s POV

What happens next after that accident was unknown to me for days. The moment I finally realized what happened is when I was released in the hospital and was able to visit his burial.

Sabi nung isang nakakita sa mga nangyari nagawa daw akong maitulak ni Audrey bago ako masagasaan kaya imbis na ako ang namatay siya ang nabawian ng buhay. Ngayon alam ko na kung bakit ako may mga galos at nasa ospital. Nawalan daw kasi ako ng malay pagkatapos akong itulak ni Audrey.

Hindi ko alam kung ano bang mas gugustuhin ko ngayon na nalaman ko kung ano ang nangyari o sana nanatili na lang itong hindi ko nalalaman.

Ayun nga lanag alin man sa dalawa ang piliin ko alam kong masasaktan at masasaktan pa din ako.

"What Happens Next?"Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon