Letter of Declination? Anong ibig nilang sabihin? Dahil doon, dali-dali akong tumakbo, diretso sa SSC Office para alamin ang nangyari. May nangyari ba kay Eros? Bakit naman niya gagawin 'yun?
"What are you even doing, Eros?!"
Napahinto ako nang marinig ang boses ni Monica. Malapit na ako sa office nang marinig 'yun.
"I already told you, Monica." Malamig na boses ni Eros.
"Why?! Tell me!" pangungulit pa ni Monica. She looked so pissed.
"Our agreement was only to accept the campaign with you, I never said I would accept the office seat if I win," narinig kong sagot ni Eros at sa tono nito ay parang balewala lang sa kaniya ang lahat.
"I don't get it! That sounds so ridiculous!" sagot naman ni Monica.
Napapigil ako nang hininga ko nang makasalubong ko bigla si Eros. Napahinto rin siya saglit bago nagpatuloy na lagpasan ako. Kasunod niya si Monica na nakasunod pa rin sa kaniya. Sinamaan ako ng tingin nito, "Eros, we are not yet done talking!" habol sa kaniya ni Monica.
Nagulat ako nang bumungad din sa akin si Claire, "Pres! OMG! Nag-file si Eros ng Letter of Declination, kaya COMEA decided to appoint you as President because you are the succeeding candidate," tuloy-tuloy na sabi nito. Tinanaw pa niya ang dalawa na malayo na sa amin ngayon.
"Psh, masyadong big deal kay Monica na umatras si Eros, palibhasa kasi gusto niya laging kasama," reklamo ni Claire.
"Sila ba? may something ba sa kanila?" curious na tanong ko. Natawa si Claire, "Nako te, hindi. Halos iwasan nga ni Eros yang si Monica palagi. si Monica lang naman sunod nang sunod noon pa."
Noong first year of Senior High School, madalas ko na kasi silang dalawa makita na magkasama, bukod pa sa mga kaibigang lalaki ni Eros.
"Sa pagkakaalam ko, ha? friends kasi yata ang pamilya nila pareho-" Hindi ko na nahabol ang kuwento ni Claire nang tawagin na kami ng COMEA sa loob ng opisina.
Hanggang sa pormal na inanunsyo ng COMEA ang tungkol sa usapin na 'yun, na ako ang kilalalaning nanalo bilang pagka-presidente dahil sa pinasang Letter of Declination ni Eros. Pormal na inanunsyo rin ang mga nanalong kandidato sa kaniya-kaniyang posisyon. Halos kalahati rin sa partido ko ang nakapasok sa mga puwesto.
Lumilipad ang isip ko, hindi ko kasi maisip kung bakit gagawin ni Eros 'yun, dahil ba naawa siya sa akin o may iba pang dahilan? Hindi ko alam kung dapat ba akong magsaya ngayon. Hindi ko mapaliwanag kung ano ba dapat ang maramdaman ko.
"For our Vice President, Monica Alonzo!" pag-announce ng COMEA Chairperson. Alam kong naghihintay ang lahat sa susunod na anunsyo. Nandito ang lahat sa Gymnasium. Magkakasama ang lahat ng strands: ABM, HUMSS, ICT, TVL, at ICT. Ang ilan ay gustong kumpirmahin kung totoo bang umatras si Eros sa puwesto.
"Lastly, for our new Supreme Student Council President..."
"Hera Ivory Levine!"
At doon ko narinig ang hiyawan, may mangilan-ngilan ding nagulat, everything felt so surreal to me, this was one of the moments I had waited for, yet a part of me kept doubting if I truly deserved it, or if someone else...had simply paved the way for me. Did Eros paved the way just because he saw how vulnerable I am when I lost? Ang daming posibilidad na pumapasok sa utak ko ngayon. Pareho kami ni Monica ang naguguluhan sa ginawa niya. Knowing Eros, he's a consistent top student too, and with the position of presidency, he could easily snatch the rank 1 from me because of that recognition and credential. Though I am not assuming that he did it for me, when in fact, I know that he is competitive in nature too, which makes me confused.
BINABASA MO ANG
Escaping the chapters (MANILA SERIES #1) [UNDER EDITING]
RomanceWhat if your escape turns into a reason why you need to escape? Hera Ivory Levine, an academic achiever crossing paths with Eros Vergara whose academic achiever with his parents high expectation for him. Will they get together or they will be rivals...
![Escaping the chapters (MANILA SERIES #1) [UNDER EDITING]](https://img.wattpad.com/cover/322739674-64-k237856.jpg)