Can the pain of the past be removed?
Can we go back to the days that we love each other so much?Ang daming tanong ngunit bakit hanggang ngayon walang sagot o may sagot na talaga ngunit hindi ko lang matanggap?
Ikaw pa rin. Ikaw lang talaga. Sa loob ng anim na taon, akala ko wala na pero araw araw kong nararamdaman na mahal na mahal pa rin kita.
Ngunit alam kong wala ng pag asa kasi may iba kana, pasensya kana nahuli ako.Wag kang mag alala nandito lang ako tinatanaw ka kung gaano ka kasaya sa iba.
Habang nakatingin sa kawalan ang sarap alalahanin ng mga nakaraan na kahit kailan hindi na mababalikan.Hindi ko alam na dito na pala magtatapos ang kabanatang sabay nating binuksan
Ang mga kinabukasan na ating inaasam hindi ko akalaing hindi na mabubuksan
Hindi ko akalain na matatapos pala ang ating istorya
Wala na akong masasabi pa kung hindi mahal pa rin kita ngunit kailangan ko ng magpaalam.Paalam dahil hindi kita naipaglaban.
Hindi ko napansin na habang binabasa ko ang sinulat ko para sa kanya nagbabadya nanaman tumulo ang aking luha. Ilang taon na rin pala ang nakalipas ngunit masakit pa rin. Hindi ko parin matanggap, o hindi ko lang kayang tanggapin.
Taon nanga ang nakalipas pero parang nasa kahapon pa rin ako hindi ako makaalis tila ba nabaon na sakin ang mga pangyayari na kahit kailan hindi na mauulit.Ganon nga ba talaga o sadyang ako lang?
Araw araw ko siyang napapanaginipan araw araw din akong parang binabangungot kahit na nagigising ako, pero mas gusto kong wag nalang gumising mas gusto ko siyang kasama kahit sa panaginip lang. May pag asa pa ba tayong dalawa? Kasi kung wala na handa akong hindi gumising makapiling kalang.
Seeing you happy with someone else kills me everyday.
Stella tama na yan hindi kana niya mahal okay? Sabi ni Clyde
Stella's POV
Siya si Clyde ang bestfriend ko siya ang nakakita kung gaano ako nahirapan at nasaktan sa pangyayari.Me and my ex broke up 6 years ago, Naging kami noong 16 years old palang kami then nagbreak kami noong 22 years old na kami. He was my first boyfriend, my first love, my everything.
Hindi ko alam na hanggang doon nalang pala kami.
Sa tuwing naririnig ko nga yung kanta ni Olivia na Happier naiiyak nalang ako kasi tamang tama yung lyrics ng kanta sa nararamdaman ko.
Stella tigilan mo na yan para kang tanga lumabas nalang tayo libre kita.
Bwisit ka talaga kahit kailan Clyde sana mainlove ka tapos ayaw sayo nung babae haha
Minsan sarap din sapakin nitong si Clyde e ay hindi lang pala minsan palagi pala dapat.
Pero nagpapasalamat nalang din ako kasi may karamay ako sa mga pinagdadaanan ko kung wala baka naloka na ako sa kakaisip.
Sige sandali lang gagayak lang ako -matamlay na sabi ko kay clyde
**
Habang nag da drive si Clyde tinanong ko siya kung bakit lagi niya itong ginagawa kapag nakikita niyang malungkot akoSyempre bestfriend kita ayokong nakikita g hindi ka masaya lalo na siya yung dahilan, ayokong umiiyak ka kasi bilang bestfriend mo nasasaktan din ako. Ang bobo niya lang kasi habang iniiyakan mo siya tumatawa siya sa iba.
Yang dila mo talaga Clyden Reyes minsan matamil kaya mas maganda nalang siguro kung tatahimik ka ha. Ilibre mo ko ha mag arcade tayo matawa tawang sabi ko
Pagtapos namin gumala at kumain nagpahatid na rin ako sa kanya pauwi ang dami rin kasing tao sa mall dahil sa weekend nga.