1. Flashback

8 1 0
                                    

"AYAAAAAAAAAAAAAAAA!!"

Naku yung batang yun! Kung anu ano nanamang kalokohan ang ginawa sa mga bisita ni Anton! Ako nanaman ang papagalitan niyan!

Simula ng bata yan, nakaka-364 na yaya na kami. Wala man lang nakatagal! Ako nga lang ang nakatagal dito dahil kaibigan ko ang mama ni Anton at may utang na loob ako sa pamilya nila.

Sa tagal tagal nang nabubuhay iyang batang iyan e kahit minsan ni hindi ko narinig na may nagawa yang mabuti sa mga kaibigan niya. Wala nga atang kaibigan itong batang ito e! Walang nakakatagal rito.

Maging ang mga magulang nito ay minsan narin naisipang isuko si Aya. Napaka-pasaw--

[Aya's narration]

Aaaaaaah! What ever. Bakit ba may narration si Manang Luz sa story na to? Oy author ah, umayos ka! Storya ko to.

Teka nga mabalik ako, hindi pa ko tapos sa mokong na yun e. Belatan ba naman ako!

"Psssssst!"

Nakita ko siya sa may garden namin nakaupo sa swing.

Kaso di ako pinapansin! Aba siopao yun ah!!

"Oysssssst!"

Kita mo to! Parang walang nadidinig!

Lumapit na ko sakanya para asarin nalang siya kaso nung nasa likod na niya ko bigla siyang nagsalita

"Isip baby. Ang alam ko e 8 ka na pero kung umasta ka para kang 2 years old na baby. Sabi na may problema ka sa pag-iisip e. Bakit di kaya naisipan ng magulang mo na ipatingin ka sa psychiatrist no?? Sigurado retarded ka. Kawawa naman pala ang magulang mo sayo." mahaba niyang sabi habang di ako nililingon.

ABA! Grabe to mang-insulto ah! Baka nakakalimutan niya nasa pamamahay ko siya!

"Hoy unggoy sinong retarded ha!?" sabay pukpok ng martilyo sa ulo niya.

Ang daming dugo...

Mamamatay na ata siya.

"BWAHAHAHAHAHAHAHAHA!!"

di ko na napigilan yung tawa ko. Grabe ako mag-imagine. Sayang imagination lang pala.

"Hala baliw nga."

sabi niya ng nakatalikod padin sakin at nakaupo lang sa swing

Aba't---!

"Hoy sinong baliw!?"

tumayo na siya sa swing at humarap sakin,

"I-kaw"

LAPASTANGAN!!

"Aaaaaargh!" sabay sipa ko sa pagitan ng hita niya.

Eto seryoso nang hindi lang imagination!! HAHAHAHA

"Araaaay!!"

Yan napapala mo!

"Buti nga. Habang buhay ng miserable ang buhay mo. Di ka na magkaka-anak!! HAHAHAHAHA"

Lalo namang lumakas yung iyak niya kaya napalabas si Manang Luz.

"Naku bata kayo! Bakit kayo nag-iiyakan dyan! Anong nangyare??" tanong ni manang habang tumatakbo palapit samin.

Uy di kaya ako umiiyak! Etong iyakin na bading lang ang umiiyak no.

"Ang bading bading naman po kasi niyan. Napaka iyakin!!" sabi ko habang nagpapa-cute. para mukhang mabait! HAHA.

Sa lahat ng tao, kay manang ako pinaka-takot. Naranasan ko na din kasi mapalo niyan, dati lagi yang may dalang stick para mapalo kagad ako.

Di naman dahil sa masakit yung palo kaya ako natakot, di nga masakit e. Ang kaso, sa lahat ng kamalditahan ko, siya lang ang hindi ako sinukuan. Grabe ang pasensya ni Manang sakin.

A twist of fateTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon