I stood up carrying my things, agad namang sumunod si Katt.
Pagkarating sa canteen ay puno na ito kaya nagkatinginan kami ng kasama. I'm sure we both have the same thing in mind.
Nang hindi na nakatingin ang guard ay kumaripas na kami nang takbo palabas ng gate, dumiretso agad kami sa The Crib na nasa left side lang ng aming school. Mas masarap tumambay dito dahil may aircon, hilaw nga lang minsan ang kanin.
"Two order of Sweet Chicken Lollipop and Ice Tea, and please pakiluto ng ayos ang rice." Omorder agad kami pagkarating kasi mabilis lang ang break namin since hindi pa ito lunch time. "Miss, padagdag ng large size na fries, thank you."
Habang na-order ang kasama ay naisip ko ang reaksyon ng mukha ni Rash tuwing tumitingin sa'kin, hindi niya ba ako namiss?
What happened to him? Bakit ang sungit niya? Kung makatingin sa'kin ng masama kala mo'y pogi, konting pogi lang naman ang meron siya. Pwe.
Tapos 'yung tingin niya parang sinasabi na wala akong pake sayo! And he didn't even say a single sorry for what was happened between us, that's red flag, men. I know that Rash is a trophy guy, tall and handsome. Kaya nga ang laki ng panghihinayang ko nu'ng inalok niya akong maging pretending girlfriend niya eh, sa ganda ko kasing 'to hindi ko inexpect na may lalakeng mag-aalok ng ganoong bagay sa'kin.
"Hey, are you listening to me?" Katt, caught my attention.
"Ay, nagsasalita ka pala? May kasama pala ako dito," I laughed it off.
Inirapan niya muna ako bago nagsalita. "Sabi ko ang gwapo ni Rash."
"Alam mo hayop ka, kumain na lang tayo"
"Bunganga mo nasa harap tayo ng pagkain! May pahampas-hampas ka pang nalalaman sa bunganga mo no'ng bata tayo tapos lalaki ka rin palang demonyo!" she shrugged her shoulder while rising her brow at me. "Walang good manners and good conduct."
Hindi na ako umimik, naisip ko ang sinabi niya at naalala ang aking kabataan. Once kasi na makapagsabi ako ng bobo, tanga at ng kung ano pang masasamang salita ay bigla kong hahampasin ang aking bunganga, sinasaktan ko lang ang batang ako. Si mommy kasi sabi niya bad 'yon, ngayon ko lang napagtanto na ang sarap sa pakiramdam.
I ate my snack in silence. Next school year ay nasa ibang school na kami ni Kath kaya excited na ako ngayon palang! I'm craving for new environment, sawang sawa na kasi kami sa pagmumukha ng mga tao dito, mga naka-brace halos lahat, may mga nakadigulong pang bag!
Totoo pala na pag mayaman ka pangit ka, kaylangan mo pang gumastos para gumanda ka. Hindi ko naman nilalahat pero kung sa 10% na mayayaman, 2% lang ang may natural beauty at isa na do'n si Katt na walang bakas ng beauty product at retoke ang mukha, kaya mukha parin siyang pinagkaitan ng langit.
Her hair is short and curly, giving her the impression of a witch. Ayaw niya gumamit ng beauty products na nire-recommend ko at lalong mas ayaw niya magpa-rebund, kaya pinapabayaan ko na lang siya, mukha naman siyang masaya eh. No one dared to bully her again because of me, I used to embarrass a school mate of ours at the past because he bullied Katt. I did the same thing he did to my friend but in most worse scenario, ayon umalis sa school namin at nanirahan sa ibang bansa dahil sa kahihiyang natamo.
Hindi naman makaapila ang magulang kasi we have proof na anak nila ang nauna.
After I write down the important issues that our city is now facing, agad kong isinilid sa bag ang aking mga gamit. Magkakaron kasi kami ng documentary for final exam, at dahil kurakot ang governor ng lalawigan halos mapuno ko ang aking pinagsusulatan.
"Ligaya! Alam mo na ba ang balita?!" bungad sa akin ni Denise, ngiting-ngiti ang gaga. Siguraduhin lang niyang good news 'yan.
"Hindi pa," si Katt ang sumagot para sa akin.
After hearing that from Katt, she responded "wait," at agad nilabas ang kaniyang phone at may pinindot na kung ano doon. Hinarap niya sa amin 'yon at agad kaming nag-agawan ni Katt sa cellphone pero as usual, siya nanaman ang nanalo. Naghahalibas naman kasi, gagawin talaga ang lahat para sa chismis.
We saw the recent post of Twinkle, timiniw for short. There have 5 picture taken at the beach on Puerto. Picture nang kanilang barkada, picture niyang nag-iinarte, picture niya na nakanganga sa camera, picture niya na nakaupo sa mesa at nanlaki lang ang aking mata ng makita ko ang huling larawan.
Twinkle while hugging Rash from the back.
I rolled my eyes and kept myself from shouting. Baka pag nagwala ako dito ngayon ay pagtinginan nanaman ako ng mga tao, one time shame is enough. Hindi ko na afford na ipahiya pa ulit ang aking sarili sa harap nang maraming tao.
The smile on his face saying that he had fun with that night out on the beach! Habang ako, I spent all my weeks in school, and in my freaking room. Kaya pala walang paramdam nakakita na agad ng iba. Red flag.
"Teka!" bulalas ko ng may mapansin. "Wala na sila ni Cale?!"
"You still care?" si Kath sa nanliliit na mata.
"Hindi, naaawa lang ako kasi pinagpalit niya ako sa pangit na malandi."
Walang umangal matapos ko iyong sabihin. Wag sana nilang isipin na kabilang na ako sa mga sawing-palad na hopeless romantic. Nakakadalwa na ako ngayong buwan, wag na sanang dagdagan.
"Hi mga juding!" bati ni Ivan na kadarating lamang, nasa teafora kami ngayon para mag chill pero itong mga kaibigan namin sakit ng ulo ang bitbit.
"Anong ganap? Mukha kang the walking rainbow sa outfit mo ngayon," pagpansin ko sa kaniyang makulay na kasuotan.
"Hindi beh, mas mukha siyang colorful marshmallow with chocolate filling sa gitna," si Katt na sinsero sa sinasabi, walang halong panlalait pero yung thought ng salita, ang bully! HAHAHAHA
"Anong pinapalabas mo?! Na ako 'yung chocolate filling?"
"Ay bakla! Wala 'yan sa isip ko kanina ngayon pa lang."
Hyzt, nagsimula nanaman sila sa kaingayan. Pinagtitinginan nanaman tuloy kami, marahil naiinis sa amin o 'yung iba natutuwa.
"Paupo sa table n'yo wala na kasing bakante sa iba." Nakasubo ang straw ng milk tea sa kaniyang bunganga nang dire-diterso siyang umupo sa tabi ng aking upuan. May manners ba 'tong taong 'to? Wala siyang narinig na pumayag akong umupo siya dito!
"Pwede bang umalis ka dito?" I asked, mahinahon pa ako sa ngayon kaya please lang, wag n'yo 'kong sagarin.
"Para saan ang upuan?" tanong niya, nagtaka pa ako pero sinagot ko rin naman.
"Para upuan malamang."
"That's why I'm here, ang upuan ay hindi dapat binabakante," proud niyang sagot habang diretsong nakatingin sa'kin. Can I slap this guy? I'm completely annoyed by his presence here, dumagdag pa ang barumbado niyang sagot.
Dahil naiinis, mabilis kong naisaboy ang aking iniinom sa kaniya, late ko na narealize kung ano ang aking ginawa. Nagtinginan na sa amin at nagbulungan ang lahat, and my pride says he deserves it.
Nagulat siya sa aking biglaang ginawa but I didn't see any violent reaction. Tinitigan lang niya ako bago ngumiti at pagtapos no'n ay tumayo na siya para umalis.
"Ang violent mo naman kay Rash, girl."
"Galit 'yan dahil sa picture ni Rash at Timiniw pustahan."
"Sinong timiniw?" nagtatakang tanong ni Denise pero natatawa.
"Si Twinkle."
"Timiniw amputa HAHAHA Ang hayop n'yo talaga magbigay ng nickname!" Doon napuno ng tawa ang aming table.
Wag na sana ulit magparamdam ang Rash na 'yon baka hindi ko matiis.
BINABASA MO ANG
Endless Dream
RomanceNot everything you desire can easily obtained. Sometimes you have to suffer first in order to achieve something you want. You must exercise patience. What if someone gets ahead of you while you're waiting?