Kabanata 1

17.4K 836 447
                                    

Note: You will notice grammatical errors in this story like A LOT. It's written on purpose. Our main female character is not very good with grammar and not an English speaker kaya 'yon hehe.

Warning: The characters in this book is not the usual educated and properly mannered. There are instances they would say and joke around something that may not be comfortable with some readers.

--

Kabanata 1

The key to winner is face be beautiful.

Proud akong ngumiti, pinakamatamis sa lahat. Mas matamis pa sa asukal na nangingibabaw sa walang lasang pandan na binebenta ko para sa sideline. Mas matamis pa sa pangalan ni Chocnut kahit mukha siyang expired. Mas matamis pa sa ngiti ni Pisya sa kabila ng kanyang pustiso at mas matamis pa sa katawan ko.

Malalim at seryoso pa rin ang tingin sa akin ng judge na si Blaze at kaya kong palagpasin ang sinabi niyang may rabies daw ako ngayong gabi dahil gwapo siya.

Gano'n talaga sa panahon ngayon. Kapag gwapo, walang mali-mali! Tatanggapin ko ang lahat!

Kapag gwapo, auto pass away na!

Ayan ang prinsipyo namin sa Barangay 165, Kangkangan Street! Sa hirap ng buhay, kapag gwapong afam at may datung, harutin mo na! Para lang maranasan ang buhay na walang problema sa datung, 'di bale nang mabalita ka sa SOCO sa sunod na taon!

Nangangalay na ang labi ko pero I believe the patience is for virtue. Kaya dapat tiis-ganda.

Para sa pangkain ko ngayong buwan! Kailangan kong manalo at kung hindi ay baka mag-evolve na talaga ako sa pagiging magandang sardinas sa mga kinakain ko!

Pero if I becoming sardines, I want be mermaid to be pink tails.

Nangunot ang noo ko at nalito din sa naisip.

Basta, kapag naging mermaid ako, gusto kong pink na buntot! Tapos dapat kumikinang at kakantahan ko ang mangingisda sabay hila sa kanila papunta sa ilalim.

Hindi ko napansing nawawala na ang atensyon ko sa nangyayari at nagtawag na pala ng second runner up. Umayos ako ng tayo at pinakitaan sila ng isang makamandag na ngiti.

Aba, dapat lang at nagpaganda ako ng ngipin para sa pageant ngayon! Nagpalinis pa ako ng ngipin sa Tita ni Pisya na nagbebenta ng fake na mga brace na iba-ibang kulay! Three hundred din iyon! Dapat flexing smiles lang.

Kinakabahan ako pero ang kabang iyon ay tila nawala habang nakikipagtitigan sa judge sa gitna.

Sa makulay na ilaw sa stage ay mas nagiging maliwanag ang mapaglaro niyang mga mata. Itim na itim kagaya ng pangalan niya, Midnight. Nang tumama ang magulong ilaw sa kanyang mukha ay kumislap ang mga matang iyon.

Parang twinkle twinkle stars shining above all else and the skies up.

Tumaas ang sulok ng labi niya at mas sumandal sa upuan niya, pinapanuod ako. Umayos din ng tayo para i-flex ang dyoga kong pinagmamalaki.

Hindi kaliitan, 'di rin kalakihan pero p'wede na pisil-pisilin na parang stress ball.

Nang bumagsak ang tingin niya sa dibdib ko'y mas napuno pa ng confidential ang puso ko, mas proud na proud habang pinapanuod ang paghanga sa mga mata niya.

Ayaw ko ng kahirapan pero kung tatanungin ako ano ang gusto ko rito? Iyon ay ang wala masyadong pangkain kaya 'di namomroblema kung mananaba. Sexy ako dahil sa kahirapan.

Sexy dahil walang pangkain! Sexy dahil sardinas lang ang ulam sa Lunes, Martes hanggang sa Linggo! Ito ang life hack para sa fans ko. Kung gusto mo ng sexy body, sardinas palagi ang ulamin ng everybody!

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Nov 10, 2022 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

Bride For HireTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon