"Sam!! Sam!! Hintay hoy!!"
Pabirong binilisan ni Sam ang lakad nya upang hindi agad sya maabutan ng kaibigan.
"Parang ayaw moko kasabay ah" aniya nang masabayan na ng lakad si Sam
"Kagabi, ang ganda nung nakita kong red dress. Ikaw naisip ko Sam, feel ko bagay na bagay sayo yon."
"Eh, di naman ako nag d dress."
___________
Nagpapractice ng sayaw sila Sam at ang kanyang mga ka grupo para sa Hope Performance Task nila.
Matapos ay iniligpit na nila ang kanya kanyang mga gamit.
Nilapitan ni Jasmine, Carl, at Thea si Sam
"Tara bili tayo Samalamig, kauhaw."
"Ge, tara. San ba si Kesha?"
hinanap nila si Kesha
"Ayun oh" tinuro ni Jasmine
Hinabol nilang tatlo ang kaibigan
"Huy teh, san punta? tara sabay kana samin" ani Thea
"ah..ah eh, eheh"
"ano pupuntahan mo nanaman ang bf mo?" ani Carl
"anong nanamn? minsan na nga lang e."
"nako, ayaw na ayaw ko talaga dyan sa shota mo. Pogi nga, napaka redflag naman." ani Sam
"true, oh tingnan mo ikaw pa 'tong pupunta sa kanya. Wala man lang ka gentle gentleman." ani Jasmine
"Pake nyo ba, eh sa mahal ko e. Sige na alis nako, bye!!"
tumakbo na paalis si Kesha habang kumakaway sa mga kaibigan.
________________
dahan-dahang pumasok si Glen sa kwarto ng magulang nila. Tila may hinahanap. Tiningnan niya ang paligid at nakakita nga sya ng pera. Kinuha niya ito, ibinulsa at umalis.