AS EXPECTED...(Part 1)

61 4 2
                                    

Ginger's POV

Hi! I'm Ginger and I'm the girl na wala nang dreams kasi natupad na.

AT YUN AY ANG MAGKAROON NG BEST FRIEND SLASH BOYFRIEND NA TULAD NYA.

At oo, may boyfriend ako. Baka akala nyo kaya Ginger ang pangalan ko eh kasi mukha akong luya at pangit pa.

HINDI NOH!

Maganda naman ako, matalino at mabait.

Di nga lang humble -.-

4th year highschool na ako at ang akala ko ay magiging hopeless romantic na lang ako forever.

Kasi nga malapit na ang graduation namin at hanggang sa mga panahon na to'y ako na lang ang walang boyfriend sa aming  magkakaibigan.

Pero nung mga panahong yun ay dumating sya. Ang taong pinakakamamahal ko, si Jake Perez.

Ang totoo bestfriend ko sya simula pa nung elementary kami. Matagal na pala nya akong mahal. Na-shock naman ako dun. Sino bang hindi?

Sa ilang buwan na panliligaw nya ay nakikita ko na lang ang sarili kong umiibig sa kanya kaya magpapakachoosy pa ba ako? Kaya sinagot ko na.

O diba ang cliché lang ng love story namin? May ganito na rin kasi akong napapanuod na movie at nababasa ko na rin ang mga ganito sa wattpad.

Pero buhat nang mangyari ang araw ng 3rd monthsary naming yun eh may naibansag ako sa kanya.

Gusto nyo malaman kung ano?


MY BFF^_^ (One Shot Story)Where stories live. Discover now