Park... (Part 2)

27 4 2
                                    

Sorry po kung late update na. Nagkaroon lang po talaga ng problema. Hindi naman kagandahan ang story na toh tapos ang tagal pa ng update. Super duper mega sorry po talaga. Wag po sana kayong mag-expect ng sobra sakin. Tinry ko lang naman pong mag-sulat...

Continuation po ito doon sa flashback...

Enjoy^_^

______________________////________/

Sabado
7:40 a.m

"Babe ba't ang tagal mo?" I heard him chuckled. "Siguro hindi ka nakatulog dahil dun sa sinabi ko sayo dun sa phone nung isang araw noh. Tagal na nun ah. Move on move on din pag may time."

Sinamaan ko sya ng tingin.

"Joke lang babe. He...he...he..."

Hindi na nga ako nakakain ng almusal dahil sa kanya. Sabi nya kailangan daw naming magmadali. Niyaya ako tapos ako papagurin. O diba ang gara.*note the sarcasm*

Pasalamat sya at di pa ako gutom dahil pag ako nagutom, wala talaga syang magagawa.

Nagkuwentuhan lang kami saglit sa byahe.

Maya-maya pa ay nakarating kami sa park. OK.

O.O

Pero teka park???
Ang akala ko ba sa restaurant. OK nga lang sakin carenderia eh.... Eh sa nagugutom na ako eh... Kung kanina hindi pa, ngayon oo na gutom na talaga.

"Jake nagugutom na ako."

He chuckled.
"Wait ka lang babe. Makakakain ka rin."

"Kasalanan mo toh eh... Masyado ka kasing excited. Pati tuloy ako nadamay."

Naglalakad lang naman kami dito sa park. Gugutomin nya ako lalo neto eh...

Nakasunod lang naman ako sa kanya. Nauna talaga ang mokong. Di pa pwedeng nasa likod ko sya o di kaya'y sabay kami tapos aakbayan nya ko.

Grabe napakaungentleman talaga.

Pansin ko lang ang ganda talaga dito. Ang daming bulaklak tapos yung mga puno may nakasabit na mga hearts. Hindi pa naman Valentines ah. Baka para mas
maraming tao ang maentertain. Oo nga naman, tama Ginger yun nga yun. Wag kang assuming. Kasi kung talagang prinepare nya to para sa date namin, edi kami lang dapat dito diba???

Mayaman naman sya pwede nyang i-request yun at isa pa, mama nya mayor dito. Ay ewan.... Baka hindi talaga peede kasi park nga diba. For public means, for sightseeing, for............... wala na akong maisip. Marami sana kaso ang hirap i translate sa English. Hindi ko nga alam kung tama ba tong pinagsasabi ko.

At tsaka kung prinepare nya talaga to para sa date namin eh ba't ang daming mga batang naghahabulan, naggugulong-gulongan, naglalaro ng kung ano-ano na hindi ko alam ang tawag at may nagpapatayan pa????

De joke lang...

Nagtataguan ang ibig kong sabihin...

Tapos hindi ko na napansin na nandito na pala kami sa may gitnang bahagi ng park kung saan may fountain.

Wow....in fairness ang ganda ng view.

to be continued...

***

[Author's note: Balak ko po sanang tapusin na dito kaso malapit na malowbat. Pinilit ko lang pong mag-update. Kaya sorry po kong very short UD lang po. May part 3 pa po. At ito na po ang last. Sana po ay makapaghintay kayo sa UD ko. Salamat sa pagbabasa.^____^]

You've reached the end of published parts.

⏰ Last updated: May 14, 2015 ⏰

Add this story to your Library to get notified about new parts!

MY BFF^_^ (One Shot Story)Where stories live. Discover now