YUKI'S MOM POV
Date: Febuary 5, 2023
NINOY AQUINO INTERNATIONAL AIRPORT
"Mj right? I am yuki's mom." saka ko nilahad ko ang kamay ko. Bawat galaw ni mj ay tinitignan ko. Alam kong nagtataka na ito kung bakit ako ang naririto at hindi ang anak ko.
"Yes po. Nasan po si Yuki?" may ngiti sa labi nito ng banggitin niya ang pangalan ng anak ko.
"First, what about coffee? Sweet coffee right?" ngumiti ako sa kanya.
"Sure po." aniya, saka lumingon pa sa likuran ko. Napalunok ako ng marahan at iniwas ang tingin ko sa kanya.
Nang matanggap namin ang inorder ay agad kung kinuha ito saka uminom. Paano ko sisimulan anak?
You told me na huwag ko siyang biglain dahil ayaw mo siyang masaktan. Ang hirap anak.
"Iho," naihawak ko ang kamay ko sa binti ko. "Wala na ang anak ko. I'm sorry." naiyuko ko ang ulo ko. Maski ako ay nahihirapan.
Ilang minuto na ang lumipas pero wala parin akong natanggap na sagot sa kanya kaya iniangat ko ang ulo ko para tignan siya. Hindi ko mapigilan na tumayo at yakapin sya ng makita ang panlalabo ng mga mata niya, sunod-sunod pumatak ang mga luha niya. "I-im sorry." "I-im sorry." "I-im sorry." paulit-ulit kong sabi habang hinahaplos ang likod niya.
Hindi ko man marinig ang mga hikbi niya ay alam kong nasasaktan siya dahil sa mabilis na panginginig ng balikat niya.
"E-etteoke? W-wae" (H-how? W-why) aniya.
Hindi ko man maintindhihan ngunit bawat salitang binibitawan niya ay tumatagos sa puso ko. Nabasa ko lahat ng pinag-usapan nila ng anak ko. Mula simula't alam ko na gusto niya ito. Bihira ang lalaki na nag eeffort at talagang naisin na makita ang isang babae kung wala siyang nararamdaman para dito.
Laking pasalamat ko dahil hindi niya nagawang bastusin o binitawan man ng masakit na salita ang anak ko.
"Ma~ I like myuji."
"Ma~ I have favor to ask. Please meet mj, my myuji. Paniguradong hihintayin niya ako ma."
"Ma~ please take a good care of him."
"Ma~ please ipaintindi mo sa kanya ng mabuti kung bakit ako nagkaganito. Ma, I don't want to hurt him. Ma, sorry."
"Ma~ I love you and thank you for everything."
agad kong nakagat ang pang-ibabang labi ko para pigilan ang iyak ko ng maalala ang mga sinabi ng anak ko.
Yuki was been diagnosed with a stage five cancer of brain aneurysm. Walang gusto ng nangyari. Walang dapat sisihin.
It was too late for us to make an act para maligtas siya dahil pagkatapos sumakit ng ulo niya ay dalawang araw lang ay agad nang pumanaw na ang anak ko. Ilang beses ko mang ulit-ulit sa kanya na walang gusto nung nangyari pero
"Ma kasalanan ko." sisi niya sa sarili niya.
Marahan kong inilagay ang kamay ko sa balikat ni mj "I'm sorry."
Pag katapos kong bitawan ang mga salita na 'yun ay umalis na ako. Hindi ko kayang makita ang bawat patak ng luha niya. Ako ang nasasaktan para sa kanila ng anak ko.
*****