Sa gitna ng kawalan matatagpuan ang isang islang puno ng misteryo’t kababalaghan.
Isang lugar na hindi nakarekord sa anumang mapa.
Nahahati ang isla sa 100 sektor. Bawat isa ay may natatanging ganda. Mayroon sa mga itong tirahan, syudad, maliit na bayan, kagubatan, kabundukan, desyerto, lawa, ilog, at kung ano-ano pa! Ngunit ang ganda na nakanilang hawak ay may kaakibat na panganib.
Ang mga sektor ay nakahati sa isa’t isa, hindi ka basta-bastang makakapunta sa iba. Ang paraan lamang para makarating sa ibang bahagi ng isla ay talunin ang mga tagapagbantay na nakatalaga sa mga lagusan.
Noong 2018, tatlumpung libong tao and dinala dito. Ngayon ay 2022, limang libo na lamang ang natitira.
Ang bawat isa sa kanila ay puno ng takot at pangamba. Isang tanong ang paulit-ulit na pumapasok sa kanilang utak, makakauwi pa ba sila?
Bangungot. Iyan ang matatawag nila sa islang ito. Isang malaking bangungot.
“THE WORLD IS CORRUPTED.”
Linya na parang sirang plakang paulit-ulit nilang nakikita at naririnig.
Kung isa ka sa nasa islang ito, ito lanmang ang mapapayo ko, stay alive.
-28.040647, 81.328643. Welcome to Vyssini Island.
The games have already begun.
BINABASA MO ANG
High Stakes
AdventureVyssiní Island. Isang islang hindi mo makikita sa kahit anumang mapa. Isang islang nababalot ng mysteryo at walang katiyakan. Noong 2018, tatlumpung libong tao ang dinala sa islang ito. Ngayon ay 2022, halos kalahati nalamang sa kanila ang natitira...