"Itigil na naten 'to Fernan! Sawang sawa na ako sa mga ginagawa mo. Paulit-ulit nalang!" Galit na galit na sigaw nang babae sa kaniyang asawa.
"Wala naman akong ginagawang masama. Matagal na yung sinusumbat mo saken."malumanay na sagot naman ng asawang lalake.
"Matagal? Baket ganyan lang sweldo mo? San mo binibigay yung pera? Hindi naman ganyan dati ang sahod mo Fernan!nag loan kaba? Siguro may babae ka! Kaya gusto mo na akong mamatay eh. Para makasama mo na babae mo! "mabilis ang paghinga nito dahil sa naguumapaw na galit sa puso niya.
"Hindi, wala akong babae.."sagot nito sa pinakamalumanay na boses.
Habang nagtatalo ang mag-asawa ang kanilang mga anak ay nakikinig lang. Walang umiiyak, pinapakinggan lang ang bawat sinasabi nila sa isa't isa. Nasanay na kase sila na yun parati ang pinagtatalunan nila..
Maya-maya ang panganay, lumapit sa kanilang magulang para pumagitna at tanungin ang dahilan ng kanilang pagtatalo.
Ang pangalawa namang anak..kinakabahan sa kung anong pwedeng mangyare. Nangyare na kase ito nung mga bata pa sila..pinapili pa sila kung kanino sila sasama. Naulit ulit nung mga highschool ang bunso at college ang dalawang matanda. Ngayon na tapos na sila at may trabaho na..naulit na naman ang pagtatalo..
Ang bunso naman, ang daming tumatakbo sa isip..natatandaan niya kase ang bawat detalye nang pinagtatalunan ng kanilang magulang. Natatandaan niya yung mga panahong nagloloko ang kaniyang ama na hindi alam ng kaniyang ina..natatandaan niya yung mga panahon na nakausap at muntik nang maging kaibigan ang babae ng papa niya..natatandaan niya yung mga number na tinetext nang tatay niya at kung sino ang mga yun, natatandaan niya yung reply ng isa sa mga text.
"Wag ngayon, may regla ako.."
Kung ikaw ang bunsong anak...sasabihin mo ba sa kanila lahat ng nalalaman mo? O mananahimik ka nalang dahil gusto mo buo ang parin pamilya mo..
Kaya mo bang patawarin pa ang ama mo ..o
Ang tamang tanong...kaya mo parin ba paniwalaan ang mga sasabihin ng ama mo?-----------------
∆ This book is a work of fiction. All names, characters, locations, and incidents are products of author's imagination, or have been used fictitiously. Any resemblance to actual persons, living or dead, locales, or events is entirely coincidental.∆
BINABASA MO ANG
Chances or Choices
RandomA family that looks like a happy family. But little did they know, one of them is hiding something, something that will ruin their family. If you in his/her position, will you tell the truth to everyone, or will you stay quiet and pretend that you...