Chapter 57: Starting Tonight

6.8K 281 30
                                    

"Saan ka galing? Bakit marami kang pasa sa mukha? Makipagsuntukan ka ba?" Nag-alalang tanong ni Trinity sa asawang si Rowan nung pumasok ito sa kwarto nilang mag-asawa nang gabing iyon. Mabuti at tulog na ang kambal nila.

Amoy alak din ito at halatang lasing. Ibang-iba sa asawang nakilala niya. Hindi ganito si Rowan at mas lalong hindi ito nag-iinom!

"Rowan!"

"Let me rest, hon, ha? Mamaya na shayo mag-usap. Nashubraan yata ako sha alak!"

"Pero—" hindi natuloy ang iba pa niyang sasabihin dahil padapang bumagsak ito ibabaw ng kama nila.

Napatili tuloy siya nang wala sa oras mabilis na lumapit dito. Niyugyog niya si Rowan para ayusin sana nito ang pagkakahiga at hindi mahirapan.

"Ano ba ang nangyari sa 'yo? Saan galing 'tong mga pasa mo?"

"Sha tabi-tabi lang. . ."

"Rowan!"

"Damn that bastard!" Galit na anas nito at akmang bumangon pero dahil malakas ang tama ng alak, bumalik ito sa pagkakadapa. "Hindi ka niya mababawi sha 'kin, Talia! Mahal mo 'ko at shaka mahal natin ang isa't isa, 'di ba? Hindi mo ako iiwan 'di ba? Hon?"

Natigilan siya sa narinig at napabuntong-hinga. Pinigil niyang huwag magalit ngayon!

Kaya ba marami itong pasa? Nakipagsuntukan ito kay Henrik?!

"Bakit ka naman nakipagsuntukan!" Galit na tanong niya. Gusto niya tuloy magwala ngayon sa sobrang galit.

"Dahil mahal. . . Kita! Nagshuntukan kami kanina taposh sabi nung hambog na lalaking 'yon, aagawin ka niya sha 'kin! The hell?! Kahit patayin pa niya ako, hindi kita. . . Ibibigay. . ." At kasunod niyon ay hilik na ang maririnig sa asawa niya.

Henrik?!

Pilit niyang hinamig ang sarili pero parang sasabog yata ang puso niya. Pero kailangan ko na palitan ng damit at linisin ang mga sugat ni Rowan! Huh! Ang kapal ng mukha mo, Henrik! Makikita mo, makikita mo ang hinahanap mong peste ka.

Nagpasya siyang asikasuhin ang lalaki para maayos ang pagkakatulog nito. Pinalitan din niya ang damit nito at ginamot ang mga sugat na natamo.

Nangingitim din ang mga pasa nito na nakuha at paniguradong masakit ito! Ang walang hiyang iyon! May gana pa siyang bugbugin ang asawa ko?! Ang kapal niya!

At punom-puno nang galit ang puso na kumuha siya ng cardigan at lumabas ng silid nilang mag-asawa. Umalis siya ng bahay at galit na galit na tinungo ang bahay ng lalaking nagngangalang Henrik!

Kung tingin nito ay palalagpasin niya ang ginawa nitong pananakit sa asawa niya, nagkakamalit ito!

Malalaki ang hakbang ng kaniyang paa patungo sa bahay ng lalaki. Nagpupuyos ang kaniyang kalooban sa sobrang galit! Gusto niyang manapak at manakit ngayon ng tao! Ang lakas ng loob ni Henrik para saktan ang asawa niya? Anong karapatan nito para manakit at mambugbog ng tao?

Humanda siya! Humanda talaga siya sa 'kin! Sobra na 'tong ginagawa niya. Hindi ko na talaga siya mapapalagpas sa pagkakataon ito. Aawayin ko na talaga ang taong iyon! Wala akong pakialam kung ano ang nakaraan namin dalawa dahil tapos na lahat ang sa 'min.

Nang marating niya ang bahay ni Henrik, nakita niyang nakabukas na ang gate kaya dere-deretso siyang pumasok sa loob. Nagpupuyos talaga ang puso niya at hindi siya pwedeng magwala sa labas dahil baka may makakita sa kaniya na mga nakakilala sa kaniya.

Wala siyang pakialam kung sabihan siya ng lalaki nang 'Tresspassing' dahil unang-una, anong pakialam nitong saktan si Rowan? Wala.

Akmang kakatok siya sa pintuan nang bumukas ito at niluwa ro'n ang lalaking pakay niya sa gabing ito. Nakasuot ito ng roba at halatang galing sa shower dahil mamasa-masa pa ang buhok nito. Ang lakas ng dating nito ngayon at kahit sinong babae, ay makakaramdam ng pang-iinit ng mukha dahil sa angking kagwapuhan nito ngayon.

Sa lahat ng mga dayuhan at turistang nakita niya, si Henrik lang ang nakakuha sa atensyon niya bilang tagahanga but of course, wala siyang pakialam na sa kagwapuhan nito dahil tanging si Rowan lang ang gwapo sa kaniya.

"Looks like I have a visitor?" Ngumiti ito nang nakakaloko.

Kaagad naman siyang nameywang at galit na hinarap ang lalaki. "I guess your sense of smell is so keen that you immediately knew that I was here?"

"I peered out the window when I saw you enter my gate," simpleng sagot nito at inayos ang robang suot. "That damn Favio, didn't lock the gate before leaving! But given that you're already here, why did you come at this time of night and rush to see me? Did you miss me already?"

"Huh?" Natawa siya at pinagtaasan ito ng isang kilay. Pinipilit niyang kumalma. "Baliw ka ba? What makes me miss you, exactly? Why are you such a heartless person? How could you beat and attack my husband?"

"What?"

"Huwag kang magmaang-maangan, Henrik! I know you're the responsible kung bakit ang daming pasa ng asawa ko ngayon. You disgusting jerk! How could you harm my husband like that?! How could you do that? You've already caused havoc by coming here! Rowan and I had a peaceful and happy life until you brought chaos and confusion into it with our twins."

"Did I hear you correctly? Do you want me to laugh at what you're saying, karlëk? Are you certain Rowan is the biological father of your twins? Consider asking me first." Nagtagis ang bagang nito, napalunok naman siya at bahagyang napaatras. "The twins' father is me. Ako! At ako ang totoo mong asawa at ako ang totoo mong mahal!" Puno nang galit ang boses nito at bago pa siya nakalayo sa presinsya nito, mabilis siya nitong hinila papasok sa loob ng bahay at siniil nang isang mainit na halik.

"Umpp!"

Tinulak niya ito agad pero hindi niya kayang tibagin ang mala-semento nitong katawan.

Walang kaabog-abog na sinandal siya nito sa pintuan at mas lalong diniinan ang paghalik sa kaniya.

Ayan na naman siya! Hinahalikan ako kahit ayuko! I need to get out of here. Hindi ako pwedeng magtagal dito—

"No!" Isang malakas na sampal ang binigay niya sa mukha ni Henrik. "Ipapakulong—"

"Okay lang, ipakulong mo kung gusto mo! Basta, akin ka simula sa gabing ito."

"Ano— ummpp!"

Gusto niyang magwala nang tuluyan sinakop ni Henrik ang labi niya. Ang dalawang kamay nito ay nakahawak sa mga kamay niya at walang tigil ito sa pag-angkin ng kaniyang labi.

Oh no! Oh no, hindi pwede ito!

Lalo na nung naramdaman niyang umangat ang katawan niya at huli niya a maisip nang kinarga siya nito at ibinagsak sa malambot na sofa.

Halos mawalan na siya ng hininga sa nakakapugtong halik na binigay nito sa kaniya. Hindi niya rin magawang itulak ito papalayo dahil parang may kung anong mahika ang mga labi nito. . .

Shit! Hindi pwede ito.

"Trie. . ."

Nag-init ang magkabila niyang pisngi sa bedroom voice na ginamit nito. Napapikit siya nang wala sa oras! Pwede siyang sumigaw at humingi ng tulong pero bakit hindi niya yata magawa?

Bakit sa boses pa lang ng lalaki, bigla siyang naging maamo. Biglang pinapakalma ang tuliro niyang puso?

Hindi ba, Talia na siya ngayon, pero bakit tila hinahaplos ng isang mainit na kamay ang kaniyang puso sa pangalan tinawag nito sa kaniya?

"You are mine starting tonight. . ."

Wait? No—!

"Aaahhhhh!" Isang malakas na ungol ang kumawala sa lalamunan niya.

Isang ungol na nagpapahiwatig na wala na siyang kawala sa gabing iyon at ang tanging magdedesisyon na lang sa mangyayari sa gabing iyon ay si Henrik at hindi siya.

DOMINANT SERIES 9 : Intertwined (Completed) HENRIK GUSTAVVSON Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon