prologue

17 1 0
                                    

Bitbit ang aking mga libro, naglalakad ako sa pasilyo ng pinapasukan kong paaralan. Ako ay iskolar sa paaralan na ito, hindi naman sa pagmamayabang pero hindi rin biro ang aking talino.

Nagaaral ako sa Unibersidad ng Minerva, isang sikat na paaralan sa aming maliit na syudad dahil mga mayaman ang mga nagaaral dito, hindi ako nanggaling sa mayaman na pamilya pero matalino naman kami, lalo na ang aking kapatid. Nalulungkot nanaman ako tuwing naiisip ko ang aking kapatid, ang sama kasi, sinabihan ba naman akong lagi bobo kahit hindi naman.

"Athalia!", nilingon ko ang babaeng sumigaw sa aking pangalan, si Morgan. Tipid akong ngumiti sa kanya.

"Bakit?", sabi ko sa kanya. Sinamaan nya ako ng tingin kaya tumaas ang kilay ko. Ano na namang problema nito, nakita ko syang hindi nakasuot ang kanyang blusa ng maayos at gusot na gusot ito, hinihingal sya at tagaktak ang pawis.

"Wow ha! Ang lalim naman ng iniisip mo, kanina pa kaya kita tinatawag", sabi pa nya. "Pasensya na, may iniisip lang, sabay na tayo papasok", sabi ko sabay ngiti. Sumang ayon naman sya at nag simula ng maglakad sa hagdan papuntang 3rd floor. 3rd year high school kami kaya nasa 3rd floor ang room namin. Sa 1st floor ay yung mga 1st year high school, sa 2nd floor naman yung 2nd year at 4th year para sa 4th floor.

"Thalia alam mo ba? Gus--" sabi nya habang tumitingin sa paligid. Hindi ko na sya pinatapos sa pagsasalita at sumagot na. "Hindi", sagot ko pa.

"Hindi mo nga ako pinatapos e!" sabi nya sabay ikot sa kanya nga mata na para bang naiirita na. Saming dalawa sya talaga ang mataray. Halata naman e. Kilay palang nya. "Gusto kong bumalik ng 1st year, nakakapagod kaya umakyat papuntang 3rd floor" sabi nya ng nakasimangot. "Pano nalang kaya kapag 4th year na tayo" sabi ko sabay tawa ng mahinhin.

Nakarating nakami sa 3rd floor at naglalakad papunta ng classroom. Naka upo kami sa pinakaharapan. Wala pa ang aming guro pero hindi naman nag tagal dumating na at nagsimula ng magturo. Math yung first subject namin.

"Class, I will call you one by one for our oral today. May box ako rito na may laman na papel tapos bubunot kayo at may laman na tanong ang papel, basahin nyo muna ang tanong sa harap ng klase at sagutan, understand?" sabi ni Maam Lila.
Naramdaman kong may sumusundot saking tagiliran, nilingon ko ang katabi kong si Morgan na mukhang natatae.

"Hala gagi kinakabahan ako, hindi ako nag study! Nag study kaba Thalia?", bulong nya sakin. "Hindi", sagot ko pa.

"Eh di mo naman kailangan mag study e, pahingi naman braincells!", sagot nya pa na mukha paring kinakabahan tsaka sya ngumisi na para bang may masamang plano. "Ah ang talino ko talaga, ilagay mo nalang sa maliit na papel yung sagot Thal tas ibigay mo sakin sa ilalim ng lamesa, mag kunware akong nalaglag yung ballpen ko tsaka ko kukunin sayo yung papel, ano G?" saad pa nya ng may malaling ngiti sa labi, proud na proud pa sya ah.

"Ayoko, pag mahuli tayo, baka mapatawag pa tayo sa discipline" seryosong sabi ko, nag pout naman sya sabay sabing "libre kita mamaya ng sa eat all you can", sabi nya ng naka puppy eyes. Alam nya kasing paborito ko ang kumain e. "Ayoko" sabi ko at tumingin na sa harap, hudyat sa pagtatapos ng aming usapan kahit sa loob ko ay nanghihinayang dahil pagkain na yon e. Pero baka kainin ako ng konsensya ko e. Kaya ayoko pa rin.

Nagsimula na ang aming oral, may twist pala. Kapag hindi ka nakasagot o kapag mali yung sagot, mamili si Maam Lila kung sasayaw ka ba o kakanta para may  25 points ka, kasi 50 points yung oral. Nakita kong nakangisi na naman ng parang aso si Morgan, dinig ko pa nga syang bumulong sa sarili nya na "yess!! sure na ang 25 points ko, magaling naman akong sumayaw e". Napaisip nalang ako kung pano pag ipakanta sya ng aming guro, sgurong basag yung mga tenga namin dito.

Tinawag ni Maam Lila si Morgan, nakangisi pa nga sya sabay bunot. Binasa nya sa harap ng klase ang tanong na nakuha nya, "What is the Quadratic Formula?" humarap sya kay maam na nag aantay ng kanyang sagot. Hindi parin matanggal ang ngiti ni Morgan na abot langit sabay sabing "Sasayaw ako, Maam".
Tumaas ang kilay ng guro. "Sumagot ka muna, Ms. Fuergo", napasimangot ang baliw kong kaibigan, "wala akong naririnig maam" sabi nya. Tumawa ang aming mga kaklase.

"Grabe! Ang lakas talaga ng loob nyang si Morgan!" sabi pa ng iba sabay tawa.
Umuusok naman yung ilong ni maam sa inis.

"Quiet, class!" Sigaw ni maam. "Kumanta ka nalang Ms. Fuergo" dagdag nya. Natatawa na ako ng makita ko ang itsura ni Morgan na hindi na mabasa. Nagpout naman sya kay maam at sinabing sayaw nalang daw pero hindi sya pinayagan. Nag simula ng kumanta si Morgan ng Sayang na sayang. Amp, sa dami ng kanta, yan pa talaga ang kanyang na pili. Bumirit pa talaga. Ako yung nahiya. Nagsimula ng magtawanan ang aming mga kaklase ng bumirit sya dahil pumiyok, pati si maam lila na tawa.

Umupo na si Morgan sa tabi ko at nilublob ang mukha sa desk. Bumubulong pa na nakakahiya raw. "May hiya ka pala pfftt" sabi ko pa ng natatawa. Sasagot pa sana sya pero tinawag na ako ni maam. Pumunta ako sa harapan para bubunot.
Ang nakuha kong tanong ay kung ano ang formula ng discriminant. "D=b² - 4ac" sabi ko pa sa harap ng klase.

Nagpatuloy ang buong araw ng nasa loob lang ng classroom at nag klase. Uwian na at sabay kami ni Morgan ngayon na naglalakad pababa ng hagdan. May malaking puno sa harap ng building, nakita ko ang magbabarkada na mga 4th year high school na, lima sila sa kanilang grupo kilala sila dahil gwapo naman sila at yung isa sa kanila ay president pa ng student council sa highschool department. Nakita kong may kausap yung presidente ng council na babae, nagbablush pa nga yung babae e.

Umiwas ako ng tingin ng nakita ko itong nakatingin sakin, si Maven, president sya ng council at sya lang yung hindi playboy sa kanilang mag babarkada. Seaman ang kanyang ama, alam ko dahil maraming nag kakagusto sakanya, pati sguro kung sino yung kanyang malayong pinsan ay kilala nila e. Hindi naman ako tsismosa pero may tenga ako kaya alam ko. Gusto rin ni Maven maging seaman. Sino yung source ko? E syempre yung mga magaaral dito.
Naglakad ako papalayo at hindi na pinansin ang nga bulungan tungkol sakin, 3rd year student ako pero kahit yung mga mas bata sakin nilalait ako. Mga walang respeto.

"Thal, hindi mo ba naririnig yung mga babae jan sa tabi tabi, pangit ka raw o" sabi pa nya sabay nguso sa grupo ng babae na nagtatawanan habang tumitingin sakin.

"Eh ano naman? Matalino naman ako" sabi ko pa. Naglakad kami palabas ng unibersidad ng nagpaalam ako sa kaibigan ko na sasakay na ako ng multicab pauwi samin. "Wag na, sunsunduin naman ako ng driver namin e, e hatid ka nalang namin" sabi ni Morgan. Hindi nalang ako sumagot at sumunod nalang sa kanya. Ang alam ko taga Laripa ang kaibigan ko, pa left yung direksyon ako naman taga Carejas, pa right naman, malayo na kung ihahatid pa nila ako. Napanguso ako ng nagiisip na nakaabala ako ng tao.

Hindi nagtagal dumating na rin ang kanyang sundo kaya sumakay na kami sa kanilang sasakyan. Bago umandar yung sasakyan nakita ko pa si Maven na palabas ng gate habang tumatawa kasama ang barkada nya. Umiwas ako ng tingin ng nagsimulang magkwento si Morgan ng kung ano ano.

Hindi nag tagal nakarating na kami sa bahay. "Salamat sa paghatid" sabi ko sabay ngiti sa kanya. "Ano ka ba, kahit ihatid pa kita pa maynila na ilang oras ang byahe okay lang basta ikaw!" hyper pa nyang sabi sabay tawa ng malakas. Natigil sya sa pagtawa at tumingin pa sa likod ko. Bumaba sya ng sasakyan at tumakbo papunta sa likod ko. "Tita hi po! Hinatid ko lang si Athalia, kumusta na po kayo?" Sabi pa nya pagkatapos mag mano sa ina ko. Ngumiti ako saking ina at humalik sa pisnge.

"Kita ko nga, salamat pala sa paghatid ng aking anak" sabi ni mama sa kaibigan ko habang tumatawa kahit wala namang nakakatawa. Inimbitahan pa ni mama si morgan papasok sa bahay pero tumanggi pa at sinabing may pupuntahan pa. Hindi ko nga alam e sabi nya secret daw, pansin ko na palagi syang may pinupuntahan pagtapos ng klase. Hindi ko na inisip yun at pumasok na ng bahay.

Naabutan ko si papa na may ka videocall, narinig ko ang boses sa nagsasalita sa kabilang linya, si ate Amilia. Nilagay ko ang aking bag sa mahabang upuan na gawa sa kahoy sa aming sala at pumunta kay papa para magmano at humalik sa kanyang pisnge.

"O anak, nakauwi kana pala. Eto o nagvivideo call kami ng ate mo, bumati ka" sabi ni papa sakin ng nakangiti. Humarap ako sa screen at ngumiti kay ate Ami.
"Hi ate Ami, kumusta kana?" Sabi ko habang nakangiti kahit na kinakabahan ako sa kung ano na namang sasabihin nya. Nakita ko syang ngumiti ng peke.
"okay naman ako" sabi ni ate, narinig ko pa syang bumulong na, lalo na kung wala ka. Nagulat ako pero ngumiti pa rin at nag paalam na at sinabing may gagawin pa na takdang aralin.

Kinuha ko ang bag na naka patong sa upuan at dali daling pumasok sa kwarto ko. Hindi matanggal sa aking isip ang sinabi ni ate. Humiga ako sa kama at sa hindi maipaliwanag na dahilan, unti unting tumulo ang aking mga luha habang naninikip ang aking dibdib.

Differencia DuologyWhere stories live. Discover now