Kelly's POV
Nandito pa rin ako sa school.. kami pala. Kasama ko ngayon si Kiel.
"Kim sabihin mo nga ikaw ba ang gumawa nun?" Tanong niya. Anong sinasabi nito?
"Ha?" Tanong ko pabalik.
Pumikit siya ng mariin. May problema ba siya? Ano naman ang problema niya kung meron nga?
Hinawakan ko siya sa balikat niya pero nabigla ako ng tabigin niya iyon.
"May problema ka ba, Kiel?" Tanong ko.
Tumingin naman siya sakin, kita ko sa mata niya na galit na galit siya. Hala! Bakit naman?
"Huy. Ano nga may problema ka ba?" Tanong ko ulit.
Hindi parin siya umiimik. Ano ba yan! Gabi na oh! Kala ko ba may paguusapan kami eh bakit parang wala naman? Ako lang ang nagsasalita dito.
Atsaka bakit ganyan siya sakin ngayon sobrang cold niya. Hindi naman siya ganito ah.
"Kala ko ba may paguusapan tayo. Eh bakit hindi ka naman umiimik dyan? Sige. Uulitin ko yung tanong--"
"IKAW BA ANG GUMAWA NUN SA KANYA?!" Nagulat na lang ako nung bigla niya akong sigawan.
Well, siguro nalaman na niya. Siguro nagsumbong sa kanya yung babaeng yun. Ang kapal talaga ng mukha nun, binaliktad na naman niya siguro yung kwento. Ako ang ginawa niyang masama.
Siguro nagtataka kayo kung sino ang tinutukoy ko no? Siya lang naman ang girlfriend nitong si Kiel na pineperahan lang naman siya.
Sinugod ko rin kasi yun kasi lagi na lang ako yung binubully nun. Hindi naman ako nerd no, siguro naiinggit lang siya dahil bestfriend ako ng kanyang bf which is si Kiel. Lagi kaming magkasama ni Kiel. I'm always his first priority. Kahit nga na gf na niya yun ako parin ang palaging first priority ni Kiel. Hindi ko naman ginusto yun eh. Ang palagi ko ngang sinasabi kay Kiel ay, 'Baka mamaya magselos yang gf mo dahil ako palagi ang kasama mo.' Pero binabalewala lang niya yung mga sinasabi ko.
Aaminin kong nasaktan ko yung babaeng yun kasi narinig ko siyang may kausap tapos pineperahan niya lang tong si Kiel. Nag-init bigla yung ulo ko nun, minahal siya nung bestfriend ko tapos siya anong ginagawa niya?
And she's a big flirt. Kung kanikanino nakakapit. Ewan ko nga kung alam nitong si Kiel yun eh. Para siyang baliw, hindi man lang niya itama yung mga mali ng gf niya.
Yumuko ako.
"Oo." Sagot ko sa tanong niya.
"BAKIT MO YUN GINAWA?! BAKIT MO SIYA SINAKTAN HA?!" Napatingin ako sa kanya. Galit na galit siya. Ngayon ko lang siya nakitang ganito. Ngayon lang din niya ako sinigawan.
Bakit ba siya nagagalit? Dahil ba dun sa ginawa ko? Tama lang nga yun sa kanya eh!
"BAKIT?!" Sigaw na naman niya.
"Ano?" tanong ko.
"BAKIT MO YUN GINAWA?!"
"Hindi mo ba talaga alam o sadyang manhid ka lang?! Di mo ba nakikita na niloloko ka niya? Ha?!"
"BAKIT MO SIYA SINAKTAN, KIM?!"
Iniiba niya ang topic, alam kong alam niya yun.
"KASI NGA SAWA NA AKO! DI MO BA NAKIKITA TONG MGA SUGAT NA TO?HA?! SIYA LANG NAMAN ANG GUMAWA SAKIN NITO! PERO DI AKO LUMALABAN SA KANYA DAHIL AYOKONG MAGALIT KA SAKIN!"
"HINDI MO SIYA SINAKTAN? DAHIL AYAW MONG MAGALIT AKO SAYO?! GANUN BA?!"
"OO!"
"EH BAKIT MO PARIN SIYA SINAKTAN?! HA?!"
"HINDI MO BA NAKIKITA, KIEL?! NILOLOKO KA LANG NIYA! PINEPERAHAN KA LANG NIYA!"
"NILOLOKO?! BAKA IKAW! SINABI NIYA SAKIN NA NAKITA KA NIYANG KUMUKUHA SA WALLET KO TAPOS NUNG NAKITA MO SIYA SINABIHAN MO DAW SIYANG WAG NIYA SABIHIN PERO NUNG TATAKBO NA SIYA BIGLA MO DAW HINILA YUNG BUHOK NIYA AT SINAMPAL SIYA! SIGURO NGA TOTOO YUNG SINASABI NIYA! KAYA MO BA AKO KINAIBIGAN PARA LANG SA PERA HA?!"
Hindi ako makapaniwala na sinasabi niya yan sakin. Ganyan ba talaga ang tingin niya sakin? Naiiyak na ko, hindi ganito ang Kiel na nakilala ko.
"PWEDE MO NAMANG SABIHIN SAKIN NA KAILANGAN MO NG PERA HINDI YUNG MANGUNGUHA KA PA! HINDI KA ATA NATURUAN NG MAGULANG MO NG MAGANDANG ASAL!"
Napayuko na lang ako. Nagsimula na rin magsipatakan ang mga luhang kanina ko pa pinipigilan. Alam naman niya na hindi ko kayang gawin yun.. pero.. bakit.. bakit parang naniwala siya agad doon sa sinabi ng babaeng yun? Nalason na ba talaga yung utak niya dahil sa babaeng yun? At.. alam naman niyang wala na yung.. wala na yung.. mga magulang ko.. hindi ko sila nakita mula nung isilang ako.. tapos iyan ang sasabihin niya?
Hindi ko na talaga siya kilala. Ibang Justin Jay Kiel Mariano na ang nasaharap ko ngayon. Parang wala kaming pinagsamahan sa loob ng 17 years.
"ANO?! WALA KANG MASABI NO?! KASI TAMA AKO! TAMA YUNG MGA SINASABI KO! MULA NGAYON AYAW NA KITANG MAKITA!! HINDI NA RIN TAYO MAGKAIBIGAN!"
Napaangat ang ulo ko at tumingin sa kanya. Ganon na lang yun?
"So ganon na lang yun? Sa loob ng 17 years na pinagsamahan natin bilang magkaibigan itatapon mo na lang yun ng ganon ganon?! Nakakainis ka!!! Bahala ka sa buhay mo KIEL!! Hindi na kita kilala! Tuluyan ka ng nabulag nung babaeng yun!! At alam mo naman simula pa lang na hindi ko nakita yung mga magulang ko simula pagkabata ko, iba ang nag-alaga sakin!! Tapos iyon ang sasabihin mo?! I HATE YOU KIEL!!!"
At ibinato ko sa kanya yung mga libro kong hawak at tumakbo. Wala akong pakialam kung umuulan gusto ko ng makaalis dito.. gusto ko ng makalayo sa kanya.
~~~~~~~~
Done UD. sorry sa paghihintay. and thank you po sa mga nagvobotes sa story ko.
Kelly Rylle Kim Korishima and Justin Jay Kiel Mariano at mm. ^___^
Ung tawagan po nila is yung 3rd name nila baka po kasi malito kayo.
Dedicated to @MsPerwinkleUnnie.
Thank you po unnie hahaha and thank you ulit sa mga bumabasa sa story kong ito. I'll update soon.
BINABASA MO ANG
So Into U
FanfictionTungkol sa isang babaeng ginawa ang lahat para makapag-aral at makapagtapos upang mabuhay dahil siya'y isa na lamang ulila. Siya ay isang matalino, maganda, mabait at higit sa lahat ay mayaman. Sa pagpasok niya sa bagong eskwelahan at isa pang di pa...