By : Mariel Joy I. Antonio
Lakambini:
Isang pagbati sa may magagandang ngiti!
Gayundin naman sa may pusong sawi.
Ngayo'y ating tatalakayin,
Salitang isinumpa ng marami sa atin.
Lumapit at inyong dinggin,
Magkabilang panig na may nais sabihin.
Salitang FOREVER, ating litisin.Hashtag WALANG FOREVER,
Laganap sa twitter,
Lumalaban din naman, Hashtag MAY FOREVER,
Twitter, Facebook, Maging sa GM man,
Salitang FOREVER, kanilang pinagdedebatihan.
Hala at tayo nari'y makisali sa usapan,
Balagtasan, atin ng buksan.Sa aking kaliwa
Hindi naniniwala sa salita,
Mukhang may pinaghuhugutan di yata,
Hala at sabihin nais iwika,
Sahig ng tanghalan, sayo muna'y ipauubaya#walangforever
Maganda pa ko sa umaga mga tagapakinig ko,
Salitang FOREVER, hindi yan totoo..
Pang uto lamang ng mga lalaking manloloko,
Huwag maniwala, masasaktan lamang kayo.Lakambini:
Aba ! Una palamang ay humugot na ang dalaga,
Sa panig ng binata, tayo'y makinig na..
Ipaglaban, salitang iyong pinaniniwalaan,
Binata, iyo na ang Tanghalan.#mayforever
Salamat, aming lakambini,
Magandang umaga sayo at sa aking katunggali..
Salitang Forever, wag sisihin sa pagiging sawi,
Bakit di ka na lamang magmamahal pang muli?Lakambini:
Hala! Ang binata'y may paglandi !
Ako'y nasasabik, sa bunga nitong tunggali..
Hindi kaya't maging kayo pa sa huli?
Inyo ng ipagpatuloy, at ako na ay tatabi..#walangforever
Aming lakambini, Malabo ang iyong sinabi
Sa lalaking yan, wala akong paki,
Lahat ng bagay ay may katapusan ,
Salitang FOREVER? Malabo iyan..#mayforever
Babae, ano ba ang iyong pinaghuhugutan?
Ano na ba ang iyong naging karanasan?
Hindi ba't kasama na sa pagmamahal ang masaktan?
Bakit idadamay ang salitang nanahimik naman?#walangforever
Nothing lasts permanently,
But forever is something permanent in dictionary,
Therefore, Forever is not true really,
Think literally, my adversary.#mayforever
That's the problem with you my lady,
You think too literally,
Why not feel the love and give it to me?
Maybe forever will exists eventuallyLakambini:
Masakit na sa ilong inyong iwiniwika,
Kami'y nilalanggam sa pakikinig sainyong dalawa,
Tayo'y sa topic, muli'y bumalik na,
Forever? Nag eexist ba?#walangforever
Ang buhay ay realidad,
Hindi fairytale na hiling ay natutupad,
Paanong magkakaroon ng forever?
Kung wala namang happily ever after?
Better believe in the promise of for life,
Maybe he will leave you never#mayforever
Trials are part of our lives,
You just have to do everything to survive,
Look at your parents that are still with each other
Or the couples that grow old together,
They show that true love does exists,
Just keep waiting and stop being bitter in everything.#walangforever
Lahat ng tao'y namamatay,
Hindi forever itong buhay
Masasabi mo bang forever ay tunay?
Sa panahong ikaw na'y kalansay?#mayforever
Have you not heard God's promise of forever?
Let me read it to you then,From John 3:16,
For God so loved the world that he gave his one and only Son, that whoever believes in him shall not perish but have eternal life.
Accept him in your heart,
So forever will exist in your part...
Or maybe accept me too,
Let us make forever grow in our hearts too..Lakambini:
At ngayon atin ng palakpakan,
Dalaga't binata sa tanghalan
Bawat salitang binitawan ay may Laman,
Hindi kaya't kayo'y magkatuluyan?
Ito nalang ay ating subaybayan..Ngayon, Problemado ang lingkod ninyo,
Di makapagpasya sa malupit na pagtatalo,
Tulungan nawa ninyo sa paghatol sa dalawang ito..Sino nga ba ang nasa tamang paninindigan?
Itong wala ng tiwala sa forever dahil nasaktan?
O itong binatang may ipinaglalaban?
At dito, tinatapos na ang talakayan...
Kayo na ang humatol mga kaibigan..A/N
you are free to use my piece just don't forget to give credits. :)
thank you for reading my work.. hope you enjoy this..
![](https://img.wattpad.com/cover/39618229-288-k399584.jpg)
BINABASA MO ANG
Balagtasan : Forever? Nag-eexist ba?
RandomOne of our requirements in our literature subject was to make a book compilation of our works in different genre and forms of literature about the lifestyle, hobbies or something that people of the 21st century enjoys. I was assigned to make a balag...