025

2.4K 103 0
                                    

IMESSAGE

Mika 🧣

7:09 PM

Minnie

MIKA 🤍

I know na kung saan ako magwowork sa Christmas! 🥹

Kinausap na ako Ma'am Pablo kaninaaa

Sabi niya pooo

Doon daw sa bookstore na parang kinukuhanan ng school natin ng books

May publishing company din kasi yata sila

Tapos ayun parang tutulong lang daw ako magbantay saka mag-ayos ng books

Sabi ni Nicole medyo antique na raw 'yung bookstore 🥹 ang cute naman 'ka ko kaso... tinatakot niya ako na baka may multo raw 🥲

Gusto ko pa naman sana hapon hanggang 8 pm mag-work
Read 7:05 PM

Mika 🧣

ay oo wait parang alam ko yan

dinadayo pa nga yan ng iba kasi ang cute raw antique na gawa pa sa kahoy tapos parang bahay siya

may second floor yata tapos may nakatira roon di ko sure kung mayroon pa hanggang ngayon

basta bahay ba yan tama ba tapos yung baba yung bookstore

yung sala ganon saka mini library yata noong bahay ginawang bookstore

diba sa kabilang side lang yan ng hastreid lapit lang

Minnie

Opo kaya naman i-bike

Mika 🧣

parang pamilyar may ari niyan di ko maalala nachika sa akin to ni brooke noon e teka

ay nako di ko talaga maalala

pero alam ko parang palagi namang wala yung matandang may ari ganon tapos may tumatao lang

nasa ibang bansa yata mayaman kasi pamilya niyan

Minnie

Ay ganon?

Mika 🧣

uu bebe

if need mo kasama sa ilang work days mo sabihan mo lang ako ha

Minnie

Okay salamat Mikaaa 🥹🤍

Mika 🧣

ay ano pala nangyari? pumunta ka kamo sa roon sa kabilang bookstore sa loob ng mall kaloka ka kinakabahan ako if nakauwi ka na e

sabi ko sayo sabay na tayo, bukas na lang sasamahan kita

Minnie

Okay lang Mika 🥹 nakapunta ako kanina kaso wala rin 'yung gusto ni Tyler

Saka nakauwi na ako ngayon lang okay naman meee

At saka okay na rin. At least nakabili na ako ng gifts para kina Brooke at Macie!

Hayaan mo na! At least hindi ka malalate sa family dinner niyo bukas okay lang 'yun!

Mika 🧣

e pero kay tyler saan ka hahanap niyan?

Minnie

Doon na siguro sa pagwowork-an ko 🥹

Mika 🧣

oki oki agahan mo umuwi ha delikado sa daan

Minnie

Opo

Good night, Mika. Thank you nang marami for today! Sleep well. 🤍🧣

Mika 🧣

tulog maigi bebe girlll labyu poreber 🌼🌼🌼
You loved this message

Like the Holidays (Golden Love Series)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon